Ganun lagi yun. Iba-iba sila. Yung mga jeep. Minsan mabagal. Minsan rumaragasa. Minsan malakas ang sounds. Minsan pinapatay yung radyo pag bagu-bago yung kanta.. tapos bubuksan ulit pag luma na yung tugtog.
May mga jeep na kahoy ang bubong.. minsan bakal.. minsan may salamin.. minsan may pull string to stop.. minsan may mga pangalan ng anak nila.. minsan nakalagay sa may pasukan.. katas ng saudi.. o kaya katas ng singkamas.. yung isa kong nasakyan, ang nakalagay.. Utang to!
At napapansin ko rin na tuwing sumasakay ako ng jeep, ako yung nauuna... at maya-maya, ako rin ang mahuhuling bumaba.. Ako ang may pinakamahabang biyahe sa mga yun. Hahahaha...
Kaya di ko maiwasang mapansin ang iba't ibang klase ng taong sumasakay sa jeep.
may studyanteng nagmamadali (kalimitan ay studyante ng nursing o kaya'y papunta sa lsc. hehe..) at meron ding nagkekwentuhan lang dahil kukuha lang ng card.
may mga nanay na namalangke.. at mamamalengke pa lang. at minsan galing sa mall.
may mga rapper. oo, yung mga nagdadamit ng mga aakalain mong duster sa sobrang laki. at yung mga tipong kagagaling lang sa net cafe.
may mga matatanda na bumababa sa city hall o barangay hall. minsan nama'y sa simbahan o sa iglesia ni Cristo.
may mga mayaman din. yung mga tipo ng taong nakahikaw at nakasuot ng magarang damit. at pinag-uusapan nila ang kanilang iPod... sa jeep.
meron ding mga lala.. hindi. merong mga.. oo. mga bakla. at kung may bakla, meron ding mga tibo.
may mag-aaply sa isang kumpanya. ayos ng ayos ng damit. maglalabas siya ang pulbo. magpapractice ng kanyang sasabihin.
meron ding mga manggagawa sa construction o kaya'y sa pabrika. sila yung mga tipo ng taong bigla na lang maglalabas ng yosi at magsisindi nang walang pakialam sa katabi.
at kani-kanina lang.. magsyota. at sila'y.. umm... nagleleegan.
meron din namang.. ehem.. naghuhukay ng kanilang dalawang butas ng ilong at ididisplay ang kayamanang kanilang natamo.
may mga gusgusing batang nakikisakay.. pinag-uusapan nila ang paghuhuling gagawin ng dswd.. o kaya'y si gloria kumpara sa mayor ng pasig..
at siyempre, kasama rin sa jeep ang driver at ang kanyang assistant. oo. yung assistant niyang tagatawag ng pasahero at taga-abot ng sukli.
Maraming mga klase ng tao. Marami ring klase ng jeep. Pero iisa lang ang gusto kong sabihin... Wala akong magawa. Hehehe...
No comments:
Post a Comment