Saturday, December 25, 2010

Paskong-pasko, Ume-emo

Loner naman kasi talaga ako. May pagka-anti-social. Tahimik lang sa isang tabi. Ipinanganak akong suplado eh. Mahilig akong mapag-isa, kahit 'di ko gusto. May occasional na pag-iingay, pero ewan. Superficial. Ikaw ang lumapit sa akin noon. Nakipagkaibigan. At history na ang lahat. Alam mo na 'yon. Kaya patawarin mo ako kung hindi ako makalimot. Ang tagal na kasi. Pero kahit na. Bawat oras na naaalala ko 'yong pagkakaibigan natin dati, tas makikita ko 'yong ngayon, sobrang sakit. Pagpasensyahan mo na ako.

Sa mga kaibigan ko ngayon, maraming salamat. Maraming salamat dahil hindi niyo ako iniiwan kahit parang hindi ko pinapansin ang mga payo't encouragement niyo sa akin. Nakikinig naman ako. Pero ang hirap talagang limutin 'yong nakaraan namin kahit sobrang gusto ko na 'yong mabura sa isip ko. Dahil dun, sobrang sorry. Sana maintindihan ninyo kung bakit ako umeemo ngayon. At kahit cheesy na at gasgas, sasabihin ko pa ring pinapalakas niyo ako nang tunay sa mga sinasabi niyo. Maraming maraming salamat. Mahal ko kayong lahat.

Maligayang Pasko.