Sunday, April 30, 2006

Wow.

I just found this song. And not even one word can describe it. Grabe naiyak talaga ako sa sobrang... umph! basta! Sa lyrics pa lang ng kanta magigiba ka na e. Iba talaga! Ibang klaseng experience. There's something with the song.. Di ko talaga maintindihan kung ano yun e.. Anyway, here's the lyrics.

ANG BAHAY NA NANGANGAEN NG BATA
ni Anonymous

Ang Bahay na nangangaen ng Bata,

Alis Alis Alis,

Alis Alis Alis!!! (Repeat many Times)






ganda diba?

ay. oo nga no. happy birthday kina garrick mithi at paolo rayco. nave? wag ka na. hahahaha.. joke. belated happy birthday! hahaha...

Thursday, April 27, 2006

The Sisig, the Kangkong and the Toothbrush.

Hahahaha... Bagsak ako sa chem. langya. kasiiiiiii.. Pahamak na pbb yan e. You hab no right! Hahaha...

After the review, kain kami sa KEN Afford. Ang sulit na kainan. Mura na, solb ka pa. Hahahaha.. Kami nina Pito, Jao at Mich. Ganun pa rin ang inorder.. sisig na may itlog na pagkasarap-sarap. ang fried kangkong na malutong na may kasamang manok at bawang. tapos, ano yung isa? haha... nalimutan ko. As usual and as expected. Sarap. Sulit. Hahaha.. (nyak. todo promote.) Pagkatapos kumain, napansin kong wala pala akong barya. alangan namang magbigay ako ng P500 sa jeep di ba.. Kaya nakipagpalit ako ng pera. Saan? e di dun sa money changer. nyeee! *tugudugtshhh* joke. Dun kami nakipagpalit sa Rustan's. Nung kinausap ko na si cashier lady, sabi niya, "nakasara e..(sabay turo sa cash register)" Meaning, kailangan kong bumili.

Eto na... The moment of truth. Pinagpapawisan na ako. Litung-lito na ang aking isipan. Di ko malaman kung ano na ang gagawin. Damdami'y para bang isang...um.. manok na lumilipad-lipad. Di ko maintindihan. Anong bibilhin ko? Yun ba? O eto na lang kaya? Magulo talaga. Meron akong makikita, pero lilipat din ang aking paningin sa isa pa. Ngunit dumating din ako sa punto ng pagdidisisyon. Oo. Alam ko na. Alam ko na ang kukunin ko. Dahan-dahan akong tumungo sa cashier. Hawak-hawak ko na ang bagay na kay tagal kong pinag-isipang bilhin. Hawak-hawak ko na. At nilapag ko. Nilapag ko sa cashier. Ibinigay ko na... ibinigay ko na ang kinuha kong... toothbrush.

Yahey. May barya na ko. wahahaha!!! Naglakad na kami.. papuntang VCF. Kailangan naming makipagpanayam kay Kuya Sky. Pero wala pa siya. Kaya... labas ang baraha! Ibalasa! At i-distribute. Tayo nang maglaro ng tongits! Hahahaha... Tapos egyptian ratscrew(?), also known as... *dundundun* egyptian. hehehe... Tapos interview with Kuya Sky. Tapos tumambay sa may drums. Tapos uwi na.

Ang layo ng lalakarin. Kaya magjeejeep na lang ako.. sana. Kaso.. etong si Jao, ewan ko ba kung anong pumasok sa utak niya at gusto niyang maglakad hanggang Mcdo. E ang daya mo naman hanggang flyover pa ko e! Pero... dahil desperado siyang maglakad, naawa na ko. Hahahaha... beh. Ayan na.. Nilakad na namin ni Jao. Tinahak namin ang init ng araw. Tinahak namin ang polusyon ng Katipunan. Pero hindi siya nakakapagod. We should do that more often. Wahahahaha!!!

Tapos nakarating din AKO sa flyover. tapos uwi na. yahey!

Saturday, April 22, 2006

Bangungot.

Nagkayayaan ang Sodium na maglakwa sa SM North. Sige. Sure. Go naman ako. At hindi ko inakala na muli kong makikita ang taong iyon.

Ganun pa rin. Ganun pa rin ang mga ginawa namin. Ganun pa rin ang mga nangyari. Nagpastudio pic. Nanood ng sine. Nag-arcade. Kumain sa Tokyo Tokyo. Tapos uwian na.

Merong babalik sa dorm. Meron ding susunduin. Tapos yung iba naman magtataxi. At yung iba pa, sasakay ng jeep. Ako lang (na naman) ang pupunta sa MRT.

Lalakarin ko na naman. Hindi na ako natuto. Hehe.. Bababa na ko sa may overpass. Nabasa ko sa sign ng MMDA.. <- MRT North Ave. Nakita kong meron akong mga kasabay kaya tinuloy ko na talaga yung lakad ko. Baka di na ko bibiktimahin nung mga yun. Pero nagkamali ako.

Naglalakad ako. Kasama ang apat pang mga studyanteng kolehiyo na. Nandun ako sa likod nilang apat. At meron kaming nadaanang lalaking nakapula, nagyoyosi. Pamilyar ang kanyang mukha. Pero di ko pinansin. Tuluy-tuloy lang ako.

Nang malayu-layo na kami doon sa puwesto niya, naisip kong lumingon. Sa aking pagtingin ay para bang sinasadya ng pagkakataon na magtagpo ang mga mata ng dalawang taong may nakaraan, isang hindi kanais-nais na karanasan. Nagulat ako. Nagulat din siya.. At sa kanyang pangit na mukha ay para bang mayroon siyang binabalak.

Nagmadali ako. Tinawag niya ko. Ako ay napatakbo. Nang lumingon ulit ako, nasa likod ko na siya. Binilisan ko pa. At nang hahaltakin niya na ang braso ko, ako'y nakaiwas, sabay ko namang tinumba sa kanya ang isang motorsiklo na nakaparada sa gilid. At ako'y tumakbo pa.

Pagtingin ko sa likod ay nakita ko ang isang mamang duguan. Hinahabol niya pa rin ako. Laking takot ko nang ilabas niya bigla ang kanyang malaking nailcutter. Oo, nailcutter. Pero hindi yun isang ordinaryong nailcutter. Dahil 'yun ay may totoong patalim, at hindi lang yun panlinis ng kuko. Tinutok niya sa 'kin ang balisong, at sabay inihagis sa aking likuran at...

***


At ako'y nagising. Pawis na pawis. Sobrang lakas ng tibok sa dibdib. Ginising ako ng nanay ko. Umuungul daw ako. Salamat na lang at ang lahat ng iyon ay isang panaginip lang. Isang panaginip na hindi ko malilimutan.

Tuesday, April 18, 2006

Katas ng Singkamas.

Nakakatatlong beses na akong nagkokomyut papunta't pabalik sa katipunan. sa Pasig Palengke, sakay ng jeep na papuntang Marikina Palengke. Baba sa Ligaya. Sakay ng Cubao. Baba sa Katipunan. Tapos pabalik, sakay ng Taytay o Antipolo o Cainta. Kahit ano na papuntang Ever. Tapos baba ulit sa Ligaya. Sakay ng jeep na Pasig Palengke. Tapos uwi na.

Ganun lagi yun. Iba-iba sila. Yung mga jeep. Minsan mabagal. Minsan rumaragasa. Minsan malakas ang sounds. Minsan pinapatay yung radyo pag bagu-bago yung kanta.. tapos bubuksan ulit pag luma na yung tugtog.

May mga jeep na kahoy ang bubong.. minsan bakal.. minsan may salamin.. minsan may pull string to stop.. minsan may mga pangalan ng anak nila.. minsan nakalagay sa may pasukan.. katas ng saudi.. o kaya katas ng singkamas.. yung isa kong nasakyan, ang nakalagay.. Utang to!

At napapansin ko rin na tuwing sumasakay ako ng jeep, ako yung nauuna... at maya-maya, ako rin ang mahuhuling bumaba.. Ako ang may pinakamahabang biyahe sa mga yun. Hahahaha...

Kaya di ko maiwasang mapansin ang iba't ibang klase ng taong sumasakay sa jeep.

may studyanteng nagmamadali (kalimitan ay studyante ng nursing o kaya'y papunta sa lsc. hehe..) at meron ding nagkekwentuhan lang dahil kukuha lang ng card.

may mga nanay na namalangke.. at mamamalengke pa lang. at minsan galing sa mall.

may mga rapper. oo, yung mga nagdadamit ng mga aakalain mong duster sa sobrang laki. at yung mga tipong kagagaling lang sa net cafe.

may mga matatanda na bumababa sa city hall o barangay hall. minsan nama'y sa simbahan o sa iglesia ni Cristo.

may mga mayaman din. yung mga tipo ng taong nakahikaw at nakasuot ng magarang damit. at pinag-uusapan nila ang kanilang iPod... sa jeep.

meron ding mga lala.. hindi. merong mga.. oo. mga bakla. at kung may bakla, meron ding mga tibo.

may mag-aaply sa isang kumpanya. ayos ng ayos ng damit. maglalabas siya ang pulbo. magpapractice ng kanyang sasabihin.

meron ding mga manggagawa sa construction o kaya'y sa pabrika. sila yung mga tipo ng taong bigla na lang maglalabas ng yosi at magsisindi nang walang pakialam sa katabi.

at kani-kanina lang.. magsyota. at sila'y.. umm... nagleleegan.

meron din namang.. ehem.. naghuhukay ng kanilang dalawang butas ng ilong at ididisplay ang kayamanang kanilang natamo.

may mga gusgusing batang nakikisakay.. pinag-uusapan nila ang paghuhuling gagawin ng dswd.. o kaya'y si gloria kumpara sa mayor ng pasig..

at siyempre, kasama rin sa jeep ang driver at ang kanyang assistant. oo. yung assistant niyang tagatawag ng pasahero at taga-abot ng sukli.

Maraming mga klase ng tao. Marami ring klase ng jeep. Pero iisa lang ang gusto kong sabihin... Wala akong magawa. Hehehe...

Sunday, April 16, 2006

Bakasyon?

Ang ginawa namin this holy week ay...

1 nagpaholdap.

refer to previous post. hehe..

2 nagdrama kasama ang pamilya.

umm.. masyadong personal e.. wag na to..

3 pumunta dun sa lupa namin sa san antonio, quezon.



at anong ginawa namin? since walang tv.. walang laptop.. walang kahit ano.. nagtabas na lang kami ng damo. nagbungkal ng lupa. nagdilig ng sangkatutak na daranghita at kalamansi. NOTE: ang lupa ay 2.3 hectares. nagpakain ng aso, baboy, mga biik, tupa at pabo.

pero may twist! kada puno na matatanggalan ng nakapaligid na damo.. may P10 ka! woah! watanofah! nakasampu ako. wow.. P100... -_-

4 nag"enjoy" sa isang resort sa sariaya, quezon.



ayoko nang maalala yung resort na yun kaya di ko na lang ikekwento. ganyan daw talaga pagfirst time.. nakakabwisit daw ang experience.

5 naghatid ng tatay sa airport.

di ako nabilhan ng phone!!! X( ayan. official na. wala. di nyo na muna ako matetext.. hanggang kailan kaya?

un lang... haayyy.. pagod. puyat. at gustong kumain ng pancit canton. -_-

Tuesday, April 11, 2006

Bandidas.

PROLOGUE

Clearance week. Pinaplano ko na ang pagbayad kay Ate Nika ng pre-registration fee na P1000 para sa LCDC. ang LCDC ay isang camp. Dalawang araw na magkasunod kaming nagkikita ni Ate Nika pero hindi ko talaga mabigay yung P1000 kasi... NAKAKALIMUTAN KO. hehehe... nice.

One night.. two days before.. I decided to copy all the phone numbers to my sim. Kasi ginagamit ko lang yung phone memory.. So pag nawala or nanakaw yung phone ko, may record pa ko ng mga numbers nyo. (so nagplano na ko that night kung ano yung gagawin ko para makuha yung SIM CARD if ever may mag-attempt na kunin yung phone ko.) Hehehe.. So, anyway..

PART 1

Merong Acts shooting sa Pisay. Para dun sa freshmen orientation program. Basta ang story niya yung isang first year hindi makafit in sa mga tao until natagpuan niya ang mga nagcecell group. May nerds, may kikay, may bully, may korni, may basketbolista and finally.. nandyan ang Acts. And for the first time.. nagshoot ako ng basketball nang nakatalikod at nakapikit. nakashoot din ako nung sinipa ko yung bola. At kahit nakailang ikot na ko at hilong-hilo na, I managed to shoot the ball effortlessly. Yan ang galing ng camera tricks. Hahahaha...

Ayun.. Tapos nagdecide kami na magSM. Ako. Pito. Jao. Mich. Paul. Nave. Joy. Ayun.. 500 lang ang pera ko... Pero go go go. Kumain. Nag-arcade. Nanood ng sine. Bandidas. Yung sina Penelope Cruz at Salma Hayek. Masaya siya. Pero pagkatapos ng movie uwian na. Nagtaxi sina Jao. Sabay naman kami ni Mich kasi sasakay siya sa sakayan (duh.) at ako ay tatahak ng EDSA para makarating sa MRT. Natira yata sa wallet ko ay P190. Ang gastos mo talaga Andrew.

PART 2

6:00 pm. medyo maliwanag pa. habang naglalakad sa EDSA papuntang MRT North Ave Station...

Pangit: Hoy teka lang a.. kasi kamukha mo yung lalaking kasama ng nambastos kanina sa kapatid ko e.. p*t*ng *n* banas na banas siya e.. Hintayin lang natin siya.. Pag sinabi ng kapatid ko na hindi ikaw yun paaalisin na kita.. San ka ba galing?

Ako: *kinabahan* *kinutoban* Uhh.. sa SM po.. *sabay kuha ng panyo. takip sa bibig. nagdasal*

Pangit: Anong ginawa nyo?

Ako: Kuya nanood lang po ng sine..

Pangit: May kasama ka ba kanina?

Ako: Umm.. apat po kami..

Pangit: Anong pangalan? San nakatira?

Sori sa tatlo.. kina pito, jao at mich.. sinabi ko pangalan at address nyo... hehehe.. joke.

Ako: Migz, Allan at Jessa Badbaran po.. Dun pa po sila sa Las Pinas.. Ako po sa Pateros.. (yak. ang pathetic. pero hindi naman ganyan exactly yung pagkasabi ko e.. more convincing kanina.. hahahaha...) Kuya pedeng umuna na ko.. Kasi kalalabas lang naman namin ng sine e..

Pangit: Kasi binastos kanina yung kapatid ko e.. sa escalator.. (huh? bakit sa escalator?) Hindi man lang nagsorry.. Umayos ka pag kinakausap ka a.. Dito ka nga.. *Tinuro yung sahig sa tabi niya*

Ako: *walang imik* *walang kibo* *natatakot kasi baka kidnapin ako* E kuya.. di naman kami nagescalator e.. dun lang kami sa hagdan.

Pangit: p*t*ng *n* mo! umayos ka. p*t*ng *n* mo may anim akong kasama dun nakapwesto. (yeah right) subukan mo lang tumakas. pag nag-ingay ka dito kayang kaya ka naming patayin. ayoko ng skandalo a.. sumunod ka lang sa kin hindi ka mapapahamak. *sabay labas ng malaking parang nailcutter na kutsilyo pala.* vinavalue naman namin ang buhay mo e.. yun naman ang importante diba?(wow.)

Ako: *tungo na lang*

Tapos moment of silence...

Pangit: *nakatingin sa kasama* Oi nakakasa ba? baka pumutok yan a.. (sakay ka na lang! hehehe..)

Pangit: May id ka ba? Patingin ng wallet mo.

Ako: Kuya kinuha na po ng school e.. *bigay ng wallet*

Pangit: *kalikot ng wallet* *balik* *kinapa ang bulsa ko* *kinuha ang aking phone* *hiningi ulit ang wallet*

Dito kinuha na niya ang pera ko. Ang phone ko. Pati na rin ang relo.

Pangit: Isasakay ka namin sa bus a.. baba ka na lang sa MRT.

Ako: *tiningnan ang wallet* (may natirang P20. ambaet naman ni Pangit.) Kuya pwedeng akin na lang yung sim card? (Wahahahaha!!!!)

Pangit: Sige.. *bigay ng sim card* Wag kang maingay a.. Pag may kumausap sa yo sa bus sabihin mo nakuha na.. Wag kang maingay papatayin ka namin.

Ako: Kuya magkano po pamasahe sa bus?

Pangit: Eight pesos. eto o..*bigay ng sampung piso* (ambaet talaga! Hahahaha...)

Ako: *silence*

EPILOGUE

Ano ba.. Hindi yan yung exact words. Sobrang igsi pa niyan kumpara kanina. Traffic kasi dun sa may SM e. Nandun pala yung kapatid niya.. nakasakay sa bus. Ayun.. mga 15 minutes akong iniinterrogate. Hahaha.. sumakay na lang ako sa gimik nila. Baka ano pang mangyari e..

Bigla kong narealize.. Nanood kami ng Bandidas.. Isang movie tungkol sa dalawang babaeng nagnanakaw ng mga bangko para sa mahihirap na tao. hahaha.. anyway.

Sinakay nila ako sa bus. Tinanong ako ng isa pang mas pangit na lalaki. Sabi ko.. "nakuha na po." Tapos umupo ako sa likod. Tiningnan ko yung wallet ko. isang P20 bill. Natakot ako.. Pano ako uuwi? NANG BIGLA KONG NAPANSIN ang isang "secret pocket" na hindi naman talaga secret kasi ang obvious obvious niya. E ang alam ko.. ang laman lang nun ay P5 bill at yung $1 bill na napulot ko. Nagulat na lang ako.. Nandun pa yung P1000. yeah. go Lord! ang galing galing talaga. Ate Nika buti na lang! Hahahaha..

So pagdating ko sa MRT sakay ako papuntang shaw. Pasok sa megamall para mapabaryhan yung P1000. At nakauwi ako sa bahay nang matiwasay.

Ang galing talaga ni Lord. Ang saya-saya ko. Kasi...

1. Buhay pa ko.

2. Hindi nakuha ni Pangit ang lahat ng aking pera.

3. Nasa kin pa yung sim card ko kaya di ako mapapagod mangolekta ng numbers.

4. May extra phone dito sa bahay kaya yun muna yung gagamitin ko.

5. Maganda yung napanood naming sine.

6. I learned something. I learned na dapat wag kang magmukhang mahina at lalampa-lampa pag naglalakad sa EDSA. Wag madiscourage sa pagcommute. Kasi part yan ng life. You NEED to learn from it kasi yan ang huhubog sa iyong survival skills na kakailanganin mo sa future. Hahahaha.. At wag kakalimutang tanggalin ang relo kasi nakakadraw ng attention sa mga mata ng mga.. *ehem* pangit.

7. And I remembered Romans 8:28.

...in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.


yeah. favorite ko na yan. wataday. mag-eexplain pa ko sa parents ko! haayyy..

Sunday, April 09, 2006

Word Cloud.



bakit ngayon ko lang naisipang gumawa? ewan.

Friday, April 07, 2006

Tapos na First Week!

First time kong magcommute PAPUNTA sa katips! woohoo!! buhay pa rin ako!! at guess what.. HINDI AKO LATE. wahahahaha!!!!

Nagdala ba naman si jaki ng isang supot ng indian mango.

"jaki may dala kang bagoong?"

"wala."

"may dala kang kutsilyo?"

"wala."

nice. hahahaha... tapos nagtanong din kami sa mga tao kung meron silang bagoong. wala rin daw. hahahaha...

So naka one week din kami. nakakapagod. (refer to previous post). English kanina. inubos ng isang 100-item quiz ang oras namin. oo rayray. perio un. at kahit kailan talaga hindi nakakatuwa ang vocab. sinong matinong tao ang nakakaalam kung ano ang isang sycophant?!?!?! Hahaha.. pero anyway.. pumasa pa rin ako. nyahahaha.. ambaba.. ayokong sabihin yung score. nakakahiya. basta over 100 siya.

*ehem ehem* *hinga nang malalim* Pagkatapos ng review.. Diretso kami sa mcdo. Kasi kakajollibee lang. alternate lang naman yun e. Tapos kain kami dun. Medyo napatagal kasi.. wala lang.. Nakipagkilala yung iba dyan. *ehem ehem* Hahahaha!!! tapos si pito.. maraming nakitang.. ano pa ba.. kundi mga atenista. Tapos kwentuhan hanggang sa nagdecide kami na balik kaming lsc para tingnan ang grupo ng mga pm. tiningnan namin/nila kung meron dung... hot. at meron nga. tapos.. since istorbo lang kami sa kanila.. alis na kami. punta kaming starbucks.

nyak. second time ko pa lang tumapak sa loob ng starbucks. sa aming pito (ako mich pito jao mithi eski krisha) si eski lang ung bumili ng kape. so nakatunganga kami habang inuubos ni eski ang kanyang kape.

"ayoko ng ganto. nakakahiya."

*sinubsob ang mukha sa table na may chess board*

"kunyari na lang, tapos na tayo."

tapos maya-maya, umalis bigla si eski. naiwan kaming mga hindi bumili ng kape sa starbucks. gets? alis na rin kami. hahaha..

Mahaba tong post na to a.. Ayaw naming umuwi kasi mainit at wala rin namang gagawin sa bahay. may biglang lumabas na idea.. pasok tayong ateneo! go naman kaming anim. Nagstroll stroll kami sa loob. Napadpad sa ateneo grade school kung saan sila ay binadbaran ng mga basketbol courts. andami talaga. andamidamidami... tapos meron din silang parang nature walk. may malalaking bato na nilulumot. tapos pwedeng maghiking. Hahaha... tapos ang ganda ng playground nila. gusto ko ng ganun. Tapos... in short.. maganda ang ateneo grade school.

Tapos si krisha naman.. aalis na kasi raw ung pinagpaparkingan nila, may humuhuli.. kaya balik kami sa kabilang side ng katipunan. sa may national bookstore.

Pasok kaming lima. deposit ng bags. deretso sa may books. browse browse.. tapos maya-maya..

"basahin mo to."

"alin? yan? 'Ligawan mo ko, mamang sorbetero.'"

Hahahaha!!!! tapos kamukha ni sam milby ung nandun sa cover. Tapos ikot-ikot ulit. Akyat sa textbooks. Baba sa may toys. nagdrawing sa may megasketch. kinatakutan ang mata ni dora. nagmagic "date" ball. bangag kaming lahat. kaming lahat ay stupor. Hahahaha.. Tapos tingin sa mga magazines. Tinawanan ang mga pbb housemates. sinabihan ng "hindi na ganun kaganda tulad ng dati" si lindsay lohan. Nagbasa ng horoscope. nandiri sa lalaking sobrang laki ng muscles at ugat. at nagkarate. at nagbake ng cookies. at nakita si axel. oo. si axel. tapos maya-maya.. nagsawa na kami sa national at sa amoy nito.. kaya uwian na.

Nung palabas na kami sa national, bumulong si kuya guard.

"Nagpalamig lang kayo e.."

E ano pa bang gagawin namin? Hahahaha...

Isa pa pala... WALANG PASOK NEXT WEEEEEEEK!!!! Xp

Wednesday, April 05, 2006

Pagod.. at may gagawin pang homework. Xp

si andrew ay pagod. stressed out na. at 3rd day pa lang ng review kanina.

nakakapagod pala. andami dami kasing pinapasagutan e.. sa bagay.. marami naman talaga. bat kasi inuna ung math e... Xp

oo. pagod na ko. nilagnat kaya ako kaninang umaga. *sigh* may sakit ka na nga, tapos circles at equations pa yung sasalubong sa yo... *sigh ulet*

kailangan ko ng... umm.. vitamins. gusto ko complete. kaya gusto ko ay enervon-c. T_T

tapos kanina.. f na f (small letter f yan) namin ang aming pagkapisay.. kasi 7-9 sa min ay nagbatch shirt. lalaki ay black. babae ay red. o diba.. sikat!

ayun. 9:17 PM na sa clock ng pc namin... may recorded quiz pa kami bukas at feeling ko di ako matutuwa. may sasagutan pa kong worksheet at take-home quiz. at ako ay nagbblog. nakakapagod talaga. buti na lang may kasama akong mga pisay sa lsc umaga. ako. pito. jao. jaky. mich. lara. krisha. jira. ziella. adelle. eski. mithi. jerico. lawrenceP. kundi.. siguro nahimatay na ko dun. hahaha..

haayyy... homework na. inequalities.

Monday, April 03, 2006

First Day sa LSC..

Ha? Wala lang. 8:00 ang start. Dumating ako dun mga 7:15. Pero may mas nauna pa sa kin.. si lawrence pamatmat.. tama ba spelling? tapos pangalawa ako. tapos si jira. tapos si lara. tapos ibang tao. tapos si krisha. ibang tao ulet.. maya-maya nakita ko sina jao at si pito at si jaki at si jerico at marami(?) pang ibang pisay. Yun lang..

Nagdiagnostic lang kanina.. nagdala pa ko ng mga libro wala rin pala. Onga pala.. Yung diagnostic na yun dirediretso. Mula 8:00 hanggang 11:50. Malala pa sa pisay yan e! Una math, tapos english, tapos pinoy, tapos science. Nakakaewan yung english at science. maeewan ka talaga. lalu na yung vocab. grrr.. yung vocab. >____<

Tapos exciting yung pag-uwi ko.. kasi first time kong magcocommute mula dun sa katipunan. Instructions sa kin:

1. Sakay ka ng jeep ng katipunan sa tapat ng ls.. ay mali mali.. malapit lang pala sa lsc yung sakayan sa ilalim ng fly over.. lakarin mo na lang. Xp

2. Tawid ka sa kabila. (Huh? anong kabila?)

3. Sakay ka ng jeep papuntang taytay/cainta/junction... mula cubao.. (sinabi pa kasi yung mula cubao e, nalito tuloy lalo ako.. malay ko ba kung saang direction ung cubao..)

4. Baba ka sa ligaya. (crucial part daw. kasi pag hindi.. mapupunta raw ako duuuuuuuuuuuuun sa antipolo.. na sobrang layo sa min..)

5. Sakay ka na ng pasig.

Mula dun, alam ko na. Yey.. buhay pa ko. >_<

saya.