Hindi ako bagsak sa Math53. Exempted din naman sa Chem16. Pero 'di rin ako kontento sa grade ko. 'Di ako masaya. Sobra. Na-ben ako kanina sa scical. :)) [Siyempre, 'di ko magagawang magpaalam sa laude. Kailangan. Babawi ako!] At grabe talaga. Hindi ko inakalang ganoon ang magiging grade ko. Dahil alam kong nag-aral naman ako. Ngayong sem, nagpractice-practice pa ako sa TC7, bumili pa ng Brown LeMay at Silberberg ('di ako bumili ng whitten :P), at bihira kong gawin 'yun sa buhay ko. Pero kahit kailan talaga, ayaw sa akin ng math at chem. -_- ['di ba Ma'am Dinah? Ma'am Happy? Sir Mardan? Sir Segs? Sir Nat? Sir G? Ma'am Butaran? Ma'am Dinah ulit? :))]
At isabay pa natin 'tong pilay sa aking kanang galanggalangan. [galanggalangan = wrist. ginoogle ko pa 'yan kanina]
Pinaghakot kasi kami ng tilapia. Eh ayun. Meron kaming binaba na 65 kg, at na-twist nang konti ang aking galanggalangan. At dahil sumasabog ang aking epinephrine, siyempre, di ko ramdam. Maramdaman ko man, 'di ko rin naman agad mabibitawan 'yung icebox, kasi kawawa naman 'yung paa ng kuya ko. At malapit na rin kasi sa bababaan, kaya para saan pa ang pahinga? Noong nababa na, ayan. Ayan kasi. :)) Ang sakit-sakit niya ngayon. Pilay. 'Di ako makasulat. Paano ako mag-eexam sa Chem bukas? :((
Tinanong ko si Itay sa lahat ng nangyayaring 'to. Ang gulu-gulo. Pababa ng pababa. Pabagsak ng pabagsak. Ano bang gusto Niyang iparating? Ano bang gusto Niyang sabihin? Anong gusto Niyang ipamukha?! Lagi ko na lang bang papangarapin ang pagtaas ng grade ko? Mga munsterrr naman ang mga kasama ko. Bakit 'di nahahawa 'yung grade ko sa grade nila?? Baket?!?!!
Tapos naalala ko. 'Di pala ako nakapagquiet time kaninang umaga paggising ko. Naisip ko, baka magreply si God. Malay natin 'di ba? :)) Nag-end ako kahapon sa Romans 8:27. Eh 'di ang next ay Romans 8:28 onwards.
Ang title ng passage ay... More Than Conquerors. Ang first three verses ay dati ko pang na-highlight. Binasa ko 'yung verse 28. Tapos sabi ko, "ang bilis naman."
"And we know that in all things God works for the good of those who love Him, who have been called according to His purpose." -Romans 8:28
"...If God is for us, who can't be against us? ...Who shall separate us from the love of Christ?" -Romans 8:31,35
Wala. :P Kahit math at chem grade pa 'yan!
Ang galing-galing Niyo po talaga. Kahit time ng pagQT ko naplano Niyo. And if all these things would glorify Your name, then let Your will be done. Amen. :)
2 comments:
Di mo lang alam na sobrang nalungkot ako nung nakita ko yung grade mo sa finals. Sobrang nadepress ako dahil di ko naman ma-estimate ang final grade mo sa math. Ang nakita ko lang kasi ay yung finals at yung fifth long exam mo e. Kanina, muntik na akong maiyak dahil ako at si Joy ay pinoproblema na dapat makauno kami, samantalang ang iba pala, nasa edge na. Seryoso, akala ko talaga mag-reremovals ka (dahil sa finals mo). Mabuti naman at di pala. :D
sshhh. :)) nagbigay ka pa ng clue eh. =))
Post a Comment