Ginastusan ng milyon-milyon.
Bumuhos ang pawis. Dumanak ang dugo.
Nagsayang ng kuryente. Nagtiis ng luho.
Lahat ay ginawa para lang sa isang uno ni Ma'am Oblepias.
Walang iba kundi... ang... *tantananantantan*
Truth 07's
THE WIZARD OF OZ
THE WIZARD OF OZ
Ito ang kwento ng isang batang babaeng nagngangalang Dorothy (Maramba) na hibang na hibang naman sa aso niyang si Toto (stuffed toy) na parehong napadpad sa isang mahiwagang kaharian ng mga unano, mga bruhang lumilipad, at ng mga taong nakaberde na sumasayaw-sayaw habang ginugupitan ka ng kuko. Sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong niya ang isang korning taong dayami na lalampa-lampa at walang utak (Torres); isang kinakalawang na taong kalan na 'di naman nabigyan ng puso (Rapallo); at ang duwag na leon na hindi na dapat isinasama pa sa script dahil wala namang aral na mapupulot sa kanya (Catalan). Sa kanilang pagtungo sa dakila't makapangyarihan kunong Wizard ng Oz (Bona, Camiling), ay marami namang nakabantay na panganib at mga patibong na pakana naman ng isang magaling na Masama't Pangit na Bruha ng Kanluran (Gonzalo).
Samahan sina Dorothy, Scarecrow, Tin Man, at Cowardly Lion sa kanilang pagtatalon-talon sa Kalyeng Gawa sa Dilaw na Briks at sabayan silang matuto ng mga aral tungkol sa buhay at sa iba't ibang aspeto nito na hindi ko na babanggitin pa dahil 'di ko naman alam kung meron talaga. Makiiyak, makitawa at magpaka-isip-bata sa panonood ng VCD ng taon.
Walang katumbas na ligaya.
Hindi mabibiling karanasan.
Pero para sa 'yo.
Php 50 na lang.
Bili na!
Alam ko kakapalan ng mukha pero seryoso 'yan. Marami na ang bumili. Baka nahuhuli ka na! Order na lang sa akin. :))

No comments:
Post a Comment