"He was delivered over to death for our sins and was raised to life FOR OUR JUSTIFICATION..." -Romans 4:25
Ang galing-galing talaga ng timing ni God. 'Yan ang na-qt ko kanina, at kumusta naman, sabay pa sa Easter. :P At ito ang aking reflection.
Ang resurrection ni Jesus Christ ay ang isa sa mga main reasons kung bakit nag-eexist ngayon ang Christianity. We all know that He died to present Himself as a sacrifice for atonement, through faith in His blood (Romans 3:25), and that whosoever believes in Him shall not perish but would have everlasting life (John 3:16). Pero ano na lang ang mangyayari kung 'di naman Siya nagresurrect at nanatili na lang Siyang nakalibing doon at inagnas na lang at naging kalansay? Eh 'di siguro, nagmukmok na lang 'yung mga disciples doon at 'di na sila magsspread out dahil hindi naman sila nabigyan ng The Great Commission (Mt 28). Hahaha.. ang dami ko nang verse na nagamit. X) But no. Lo and behold. Nabuhay Siya.
Wala naman nga kasing silbi kung maniniwala tayo at tatanggapin na si Hesus ay Lord and Savior kung nandun naman 'yung remains Niya, probably sa isang museum. Paano tayo majujustify? Paano tayo masesave? Paano natin matatanggap 'yung gift of eternal life? At alam din natin na ang Christianity ay hindi isang religion inasmuch as ito ay isang personal relationship with Jesus Christ. At nakakatakot magkaroon ng personal relationship sa isang taong patay na. :))
Sabi nga ni Ate Jana ('05) sa isa naming FG session, "eh ano ngayon kung malaman mong nagresurrect si Jesus Christ? Ano naman 'yung implication noon sa buhay mo?"
-Eh 'di ang faith natin ay hindi isang blind faith dahil alam na nating ang pinaniniwalaan natin ay alive and kickin' pa at iniimply na rin noon na lahat-lahat pa ng iba pang nasa doctrine ng Christianity ay ang absolute truth dahil ang pinakabasic sa lahat ay ang existence ng isang buhay na Diyos. Praise God. :)
No comments:
Post a Comment