Monday, May 28, 2007

Nakakamiss...

Hindi ako makatulog kagabi.. alam mo kung bakit? Kasi nung matutulog na ako, biglang pumasok sa isip ko...

Tae. Nasan na yung labgown ko???

Naghanap ako nang naghanap... sa cabinet ko.. sa cabinet ng mga kuya ko.. sa attic.. sa bundok ng mga di pa plantsadong damit.. Wala. Hindi ko nakita.

Apat na taon kong kasama yung labgown na yun. Sa lahat ng activities ng IS.. sa mga Bio labwork at dissection ng hito.. sa mga Chem at EnSci experiments at sa tatlong oras na practical exam kakahanap ng tamang cation at anion.. sa LabTech na halos araw-araw kong suot.. Kupas. Nisnis. At walang pangalan. Yan ang labgown kong kasama ko sa mga masasaya't nakakatakot at minsa'y nakaka-amaze na mga araw ko sa Pisay..

Hoy ikaw. kung hiniram mo pala yung labgown ko at di mo pa binabalik.. ibigay mo na sa kin please.. namimiss ko na siya. may balak pa kong gamitin siya sa college no..

o namimiss ko lang talaga ang pisay.. ahuhuhu.. T.T grabe..

3 comments:

superbenlo said...

weh. juuuuuuuuuuuuuuuuuke. dalwa pisay labgown ko. behlat.

Andrew said...

eh no match naman yun sa nisnis at kupas kong labgown. :p makapal pa naman din ung tela nun di tulad ng binebenta ngayon sa caf na manipis na ung tela.. >_<

superbenlo said...

wehdunks. kala mo a. e no match naman yung nisnis at kupas mong labgown sa mahahawakan at magagamit kong labgown. juuuuuuuuuuke. peace. gusto mo?? dadaan pa ako ng pisay. pabili ka na lang. kaso me tubo. hahahha