Kahapon. 5:50 ng umaga. Ginising ako ng isang malakas na "Aalis na! Bilisan mooooo!" Nanay ko yun. Wala akong kamuwang-muwang na luluwas pala kami ng Maynila para pumunta sa lupa namin sa Quezon, sa isang agriculturist sa Batangas, at sa lola kong taga-Laguna. o di ba.. san ka pa? XD
Matagal akong di nakapunta sa lupang iyon.. kung saan may mga tupang nagsusuguran (away na to woohoo!!!), mga biik na pa-cute, mga asong pa-cute din, mga pabong papansin (so in a way pa-cute pa rin sila), mga trespassing na baka, sandamakmak na puno ng niyog at dalandan, at isang swing na halos sumayad na yung puwet mo sa sobrang baba. XD At papunta dun, marami rin akong nakitang mukha ng mga kandidato para sa senador, gobernador, congressman, mayor, vice, councilor at board member??? ano yun? nyak. suri na. inosente pa rin. hahaha..
Anyway, kahit di naman pumunta dun marami na rin dito eh.. pero alam mo yun.. para may masabi naman ako sa blog ko. Xp Sa dami na rin ng mga posters nila, di nila naiisip na wala ring sense na magpaskil pa sila ng mga pagmumukha nila kasi wala na ring maiintindihan yung mga tao sa dami. Siguro naman nakita mo na yung circumference ng QC circle diba? Hahaha.. Pag nakasakay ka sa jeep o sa sasakyan niyo, may maiintindihan ka ba? >.< Kung meron.. waw.. keen eyesight. good for you. ako kasi wala eh. hahaha...
Ang saya sa Pilipinas no? Parang nakaPahiyas mode ang buong bansa. Hahaha.. Anyway, habang nasa biyahe, naisip ko lang na may mananalo't matatalo talaga sa halalan. Kung ganun, kawawa naman yung mga gumastos para sa mga posters (at yung mga plywood kung saan pinagsama-sama nila yung posters nga party nila), tarps, banderitas (LOL), MASCOT (hahaha.. pro-pinoy!), mga talent shows and the like. Sayang naman. Kaya naisipan kong dapat may Awards Night itong mga to para sa mga natatangi nilang mga gimik to compensate their loss. Hahaha.. Sulet!
Best picture. Best actor. Best actress. Best supporting actor and actress. Best musical score. Best dance number. The NaeLSS-ako-sa-jingle-mo Award. Best logo. Most photogenic candidate. The Ang-ganda-ng-acronym-niyo-natatandaan-ko-talaga Award. Most friendly. Most unfriendly. Pinakaconservative na poster dahil nag-iisa lang yung poster niya Award. Make-up artist of the year. Pinakapa-cute. at higit sa lahat.. syempre di mawawala ang Best mascot. Waaaahahaha!!XD Pero wag nating kakalimutan ang mga partylist! Best Partylist name. Longest Acronym Ever. Best animal who appeared on a poster tulad na lang ng totoong asong nakangiti ng Bantay. XD At marami pang iba..
Ayan. I'm sure lahat sila makakakuha ng award. Masaya na ang Pilipinas. Magiging maunlad na tayo.
Ay oo nga pala.. Since ang purpose ng recognition na yan ay para malift up ang spirits ng mga natalo, we need results. So sa May 14 pa rin naman ang Awards Night. Pero 2008. XD
No comments:
Post a Comment