Monday, May 14, 2007

Weird

Hahaha.. dahil ngayon na ang national at local elections, sasagot ako ng isang survey. :P yeh. I got tagged. twice. thrice. Hi Rob, Jane at Krishna. Yung person na itatag ko.. sa huli na ng post. wag kang sumilip. kahit di ko malamang sumilip ka, hahabul-habulin ka naman ng konsensya mo. kaya wag na lang. heto na.

Each player of this game starts with 6 weird things about you. People who get tagged need to write a blog of their own 6 weird things as well as state the rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog.


THE SIX.

1. Nung bata ako, prep ata ako nun, naglealead na ko ng praise and worship. Yes, noon pa. Nakakatuwa nga e kasi bata pa lang ako, talagang sobrang mmphhf! Galing talaga. Grabe mga six years old pa lang ako nun tapos nagkakakanta-kanta't sumisigaw-sigaw na ko sa harapan ng maraming... aso. -_-

2. Sumisipol ako ng pahigop. Weird ba yun? >.<

3. Mahilig akong kumuha ng mga bato bato sa iba't ibang lugar na napuntahan ko na - sa ibang bansa, sa mga beach, sa mga outbound at field trip, sa mga historical places sa pinas, at sa mga bahay niyo. XD Kaya kung nakapunta na ko sa bahay niyo at kinulang kayo ng isang pebble sa garden niyo, alam niyo na kung bakit. hahaha..

4. Nung baby raw ako.. nalaglag ako sa hagdan. As in yung pagulong-gulong mula sa second floor. Ang saya ko no? Xp But then di naman daw ako nagalusan o nasugatan. galing no..

5. Adik akong magdrawing ng sponge. Hindi si spongebob. At hindi rin yung sponge na pinanghuhugas ng pinggan o ng kotse kundi yung sponge na phylum Porifera. yung nakikita sa dagat. XD At isama mo pa ang planarian. kasi nakakaaliw silang tingnan. Ha? hahaha.. basta. :p

6. Katawan ko! Wirdo! oo na.. -_- a. sobrang tambok ng mga ankles ko. b. sobrang talas ng adam's apple ko. hahaha.. talas daw. XD c. may isang stand out na buhok sa braso ko na sobrang haba kasi ten times yung rate ng paghaba niya sa normal. at puti pa siya. hahaha... d. di pantay ang paa, binti at mata ko at iba pang parte ng katawan na baka di ko pa lang napapansin. e. etc... XD

And I tag...

*drumroll*

my Mom, my Dad, yung dalawa kong kuya, si ate thess(yung kasambahay namin) at yung kapatid niya. Hahaha.. beh XD

No comments: