Monday, May 21, 2007

Mag-asawa sa loob ng LRT

Dahil nakasakay na ako sa LRT, nawawalan na ko ng ganang sumakay pa sa MRT. Walang-wala eh! Sobrang maintained ng LRT. Malinis. Malawak yung tren. Malamig. Tahimik ang takbo. Mas hi-tech tingnan. May mga nakakaaliw na vending machine ng mga tickets. Mas kaunti naman di hamak yung mga tao dun. Yung mga hawakan nilang nakasabit, nakascrew. Kaya pag biglang pumreno ang tren, nakatayo ka pa rin kasi.. nakascrew nga. Tapos may countdown pa for the next train. San ka pa? Xp

Tapos yung mga guards dun, hindi yung tipong masungit na nagpapalayas ng mga taong nakapasok sa linya ng for ladies, children at elderly kasi gustong umupo dun sa bench na halos isang foot lang naman ang nilagpas (try niyo sa Ortigas. :p). Sana talaga magkapalit na ng tren ang EDSA at uhm.. Aurora Blvd ba lahat yun? ewan. Xp

Anyway, nung nakasakay na ako sa loob.. nakatayo lang ako.

*tayo*

*tayo*

*tayo*

Tapos biglang may nagsalita. Arriving at the Betty Go-Belmonte Station. Paparating na sa Betty Go-Belmonte Station. woah! Nagsasalita! Ang galing! XD

Pero ang mas magaling ay yung nakita kong sumakay. Yung guard na mabait ng LRT ay may akay-akay na mag-asawa. Tapos umupo sila. Woohooo!! Buti pa sila nakaupo. -_- Pero actually, ok lang sa kin. Kinikilig naman ako sa kanila eh. Hahaha.. Ayeeee!!!

Kinilig ako hindi dahil ang sweet nila pareho. Hindi dahil terno yung suot nila.. nakayellow na pantaas.. nakamaong.. tapos parehong may dalang bag. hahaha.. Hindi dahil nakaakbay si lalaki kay babae. Hindi dahil naglabas si babae ng pamaypay at pinaypayan niya si lalaki kasi nandun sila sa mainit na side. Hindi. Well.. Siguro kinilig ako partly dahil dyan sa mga yan. Pero kinilig kasi talaga ako dahil sa pareho silang bulag.

Uu. Pareho silang bulag. [di ko nga lang alam kung paano sila nagkapareho ng damit. pero ang point, terno sila. lol..] At nakakatuwang tingnan na may mga mag-asawang ganyan na magkasama silang dumanas sa ganung klaseng kahirapan.. na hindi sila tulad ng ibang mga artista ngayon na highlight ng showbiz central at ng the buzz na parehong nakakarindi by the way.. -_- Dahil lang ayaw ni babae sa intriga hiwalay na.. o kaya dahil sa kaunting differences hiwalay na rin.. nakakainis. But not this couple. nope. Ayaw nila ng ganun. Hahaha.. ang saya ko. XD

2 comments:

Joji said...

awwwww. >__< na-touch ako. ang galing. ever. ang saya. :)

sana nga lang may upuan habang naghihintay ka sa LRT. pero aliw talaga ako dun sa.. "next station, katipunan. ang susunod na istasyon ay katipunan." hanep!! :p

Andrew said...

3 days later, nagreply ako kay joji. hahaha.. XD

ayos lang kaya yun. masaya kayang umupo sa sahig. naaalala ko ganun yung mga nakita ko sa singapore. mga nakaupo sa sahig ng mall. yeh. malapit nang maging singapore ang pinas.. hahaha..