Sunday, September 11, 2011

Sori, tayo'y malabo

Maya-maya lang ay may ilaw na.
Pero sana ay malaman mong
Magka-ilaw man, madilim pa rin.
Magka-ilaw man, madilim pa rin.

Kung wala ka. :(

Saturday, December 25, 2010

Paskong-pasko, Ume-emo

Loner naman kasi talaga ako. May pagka-anti-social. Tahimik lang sa isang tabi. Ipinanganak akong suplado eh. Mahilig akong mapag-isa, kahit 'di ko gusto. May occasional na pag-iingay, pero ewan. Superficial. Ikaw ang lumapit sa akin noon. Nakipagkaibigan. At history na ang lahat. Alam mo na 'yon. Kaya patawarin mo ako kung hindi ako makalimot. Ang tagal na kasi. Pero kahit na. Bawat oras na naaalala ko 'yong pagkakaibigan natin dati, tas makikita ko 'yong ngayon, sobrang sakit. Pagpasensyahan mo na ako.

Sa mga kaibigan ko ngayon, maraming salamat. Maraming salamat dahil hindi niyo ako iniiwan kahit parang hindi ko pinapansin ang mga payo't encouragement niyo sa akin. Nakikinig naman ako. Pero ang hirap talagang limutin 'yong nakaraan namin kahit sobrang gusto ko na 'yong mabura sa isip ko. Dahil dun, sobrang sorry. Sana maintindihan ninyo kung bakit ako umeemo ngayon. At kahit cheesy na at gasgas, sasabihin ko pa ring pinapalakas niyo ako nang tunay sa mga sinasabi niyo. Maraming maraming salamat. Mahal ko kayong lahat.

Maligayang Pasko.

Friday, October 29, 2010

Alam mo 'yong nakakatakot?

'Yong The Grudge, nakakatakot.

Mga mamamatay-tao, nakakatakot din.

Pati 'yong pagpito sa iyo ng isang MMDA ta's ikaw kunwari 'yong nagdadrive.

Nakakatakot mahulog sa balong malalim.

Nakakatakot makagat ng isang asong ulol.

Nakakatakot malunod sa loob ng washing machine. 'Yong gumagana.

Nakakatakot umibig nang husto ta's masasaktan ka lang.

Mukha mo, minsan.

Pero mas nakakatakot ay 'yong makalimot ka ng birthday ng isa mong matalik na kaibigang hinding-hindi naman nakalilimot ng birthday mo. Kasi masakit 'yon para sa kanya. Maraming beses na akong nakasakit at nasaktan ng isang matalik ding kaibigan. At iyon ang pinaka-ayoko nang gawing muli sa buhay ko. Kasi ayoko nang malayo sa isa na namang taong dati pang may puwang sa puso ko dahil sa kapabayaan. O dahil sa aking pagiging makasarili. Patawarin mo ako, kaibigan. Hindi ko sinasadyang hindi ka mabati sa tamang oras.



Pero salamat na rin sa Diyos at nagi namang masaya ang espesyal na araw ng iyong kapanganakan. Pagpalain ka nawa ni Lord ng mas marami pang kaibigang hindi marunong kumalimot.

Friday, September 17, 2010

Friday, September 10, 2010

Madness...

...is kasciyahan cheerdance.

Friday, October 30, 2009

We used to be

best buds
twins
pals
companions
partners in crime

friends...

brothers...

We thanked God for our meeting. We praised Him for the friend we found in each other. We shared stories and secrets and aspirations and plans. We sang songs. We became close. You were closer to me than any of my brothers. We even shared the same bed. We sticked together through everything. We argued. We forgave. We gave gifts. We returned the favor. Whenever I was sad, you got sad as much. We cried hard. We laughed harder. We had fun. We went to places and did a lot of stuff. We did things I never thought I would have done in my existence, things that I am thankful for.

We said that nothing would break the bonds that we had. We were supposed to be buddies for life. Womb to tomb, sperm to worm - remember? But A LOT of things got in the way, and it's sad that we have come to this.

So I'm leaving. You've pushed me hard enough.

Monday, November 10, 2008

That is why

That Is Why - Christ For The Nations Institute

Just to feel Your arms around me
Just to know Your grace has found me
Just to hear Your voice surround me
Calling my name

That is why I live
That is why I move
That is why my heart can not go on without You
That is why I sing
That is why I cry
That is why no other love but You will satisfy

Just to stand beside You knowing
Your promise that You're never going
Never leaving, always holding
Holding my hand



Salamat kuya Mike sa kantang ibinigay mo 'yung lyrics at tono noong fourth year pa ata. Ngayon ko lang siya napakinggan. XD

Salamat Muy sa lyrics at sa link. hahaha ;)

Tuesday, October 28, 2008

Batuhan mo man ako ng eewww, titirahin lang kita ng blehh.

Nasa ikalawang taon ako ng high school nang matanggap ko ang pinaka-una kong tres. Math 3. Intermediate Algebra. Teacher ko ang sumalangit nawang si G. Alex Alix.

Sa mga hindi nakaka-alam, ang tres sa Pisay ay bagsak. Dalawang hakbang mula sa pagiging pasang-awa. Mahirap siyang lunukin. Obvious ba? Masakit sa damdamin dahil first quarter 'yun. Mapait sa panlasa 'yung katotohanang bagsak ka, 2 steps pa nga, at sila'y pasado, namamayagpag pa.

Pero ganoon talaga siguro ang buhay. Gulong ng palad ika nga. Minsan, ikaw ang nasa ilalim at ang pagmumukha mo ang siyang sumasalubong at nakakatikim ng tae, dura, putik, at bubblegum ng kakalsadahan. Minsan nama'y nasa taas, at naka-"beh!" ka na lang sa mga nasa ibaba. Siyempre, hindi ito nag-aapply sa ilang taong hindi bumabagsak, na kahit ano pa ang gawin nilang katamaran ay papasa pa rin sila, with flying colors pa. Seryoso, ang sarap nilang patayin.

Nakalulungkot mang isipin, ngunit hindi ako nabibilang sa ilang porsyentong 'yun, at naranasan kong magkaroon ng nakayayamot na tres.

Minsan ang "tadhana" ay nauubusan ng ideya sa kung anong gagawin niya sa buhay mo, at uulitin niya na lang ang nakaraan. Napabilang ako sa isang Math54 class ngayon sem. Inay ko po. Math na naman. At hindi lang siya basta-basta Math. Siya ay Elementary Analysis na math. Pero hindi pa natatapos diyan dahil siya ay part II! omg. hahaha

Kahit kailan talaga ay hindi ako naging magaling sa math. Nalinlang ko lang siguro si Ms. Conato noong grade 6 at ako ang sinali niya sa Math portion ng National Quiz Bee. Hanggang district lang ako. Kung anong score ko, hindi ko sasabihin. At sinusuggest ko rin sa kahit sinong Lourdesian (kung meron man) na makababasa nito na itikom na ang bibig. Siguro nga 'yun ang naging dahilan kung bakit ako laging nahuhuli sa Math. ehehehe.. hehe.. *kamot sa ulo* Marami rin akong exams sa geom na ang nasa proving ko lang ay ang Given. :)) Hanggang ngayon, sobrang bagal ko pa rin ako maglipat ng log sa isang exponential function. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets ang disk at cylindrical shell method. :)) Haayy buhay. Haayyy math.

Balik sa 54, ang bano ko sa finals. Kaya naman kinabahan ako nang husto sa kung anong kalalabasan ng pangit ko na ngang standing. *inhale exhale* Kaninang umaga ko lang nakita. Hindi ko maintindihan. Napatalon ako sa saya. Dahil kasabay ng 1.25 kong MuL9 at 1.50 kong Comm3 ay ang Math 54 kong three point zero.

I think I shall never see
A grade as lovely as a three,
A three that's earned by blood and sweat
When failing is a serious threat,
A three that I've asked God all day
Knowing that praying is the only way,
Exams are taken by fools like me
But only God can give a three.


Iyan ang nasa likod ng mga nakasuot ng shirt na 'yun. In fairness sa kanila, ang sarap pala talaga sa pakiramdam na makapasa sa totoong buhay. XD Ganito 'yun.

Kahapon ay gusto ko nang sumabog kasi INC ako sa cwts at wala pa rin 'yung math grade sa crs. Hindi ko alam kung kailan ang removals. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya habang hindi mapakali sa paghihintay, nagmuni-muni ako. May bahagi sa akin na nagsasabing kwatro ako at magreremovals ako at babagsak. May bahagi sa aking 2.50 o 2.75 daw ako. Pero hindi ko iniisip na tres ang makukuha ko... Kasi ayoko. Ang pangit naman talaga tingnan eh. Pangit sa records. Pangit na number. Pangit talaga. Nagpapakabagsaking grade conscious kumbaga.

Ngunit ngayon, ako ay naabsorb na ng UP community. :)) Hindi na ako mag-iinarte sa dos at 2.25 tulad ng iba dyan dahil naranasan ko na ang 3.0. Bwahahaha At naniniwala naman akong hindi patapon ang buhay ko, kahit may tres. dibadiba? ;) Amen.

Ngayong malaya na ako (sa math, at least), masaya na ang buhay (pag kumain nagkakamay. jooooke). At dahil natuto na ako (supposedly) sa dalawang math kong tinamaan ng ano, isinusumpa ko, huling tres na 'yan. :))

source ng tula: multiply ni Jao

Thursday, October 23, 2008

Incohirrent

Ayy.. wrong spelling.
START!



Minsan nasabi ko kay Kuya John (CS Chorale), "grabe ang igsi ng sembreak. Two weeks laaaaang.. D:"

Sabi niya naman, "nagsummer ka no?"



Ngayon ko lang na-realize na ang tanging pahinga ko (at karamihan sa inyo) lang ay ang kakapiranggot na sem break (na binawasan pa ng enrolment) at Christmas vacation (na malamang ay babawasan pa rin ng mga nagpapaka-major na subjects). Tapos ang lakas pa pala ng loob ko na magsummer ng Chem40 (biochem) ngayong subra-subra na ang ka-haggardan ko sa buhay + meron pa akong tapdance ng alas siete ng umaga ngayong second sem. Kasi naman crs eh.



Lima kasi ang inenlist kong PE. Skin diving. Scuba diving. Ten-pin bowling. Walking for fitness. Tapdance. Joke lang talaga 'yung tapdance. Siningit ko lang siya kasi kasya sa sked ko. Conflict sa isa't isa 'yung tatlong nauna. Si walking ay nasa hapon; si tapdance na least priority, sa umaga. Eh ganun talaga 'pag hindi nag-iisip. Ayan tuloy ang napala ko. 'Yung walang ka-conflict na joke lang dapat ang nakuha. Ang pangit, alas siete 'yun ng umaga. o_o Mas malala pa, kasunod niya ay Bio12. D: Ang maganda lang, kumpleto na subjects ko! :P Pero naniniwala akong hindi na ako ma-lelate kasi naniniwala akong sa susunod na sem ay may bahay na kaming malapit sa up.



Sa kasamaang palad, wala pa rin kaming nahahanap na bahay. Nag"hanap" kami minsan, ngunit ang naratnan lang namin ay mga apartment na pangmag-asawa at mga duplex na pang-isang barangay. Utang na loob, apat kami. Ako. Ben. Greggy. Mikael. Wala ba diyan na pang-apat? Kahit saan basta "Ma-" ang simula ng street name. O kaya sa may katips.. Kahit saan basta gusto namin. hahaha O tapos uuwi pa 'tong si Panget sa Leyte.



Gusto ko ring sumakay ng eroplanong mapapadpad sa isang lokal na paroroonan. Gusto kong makarinig ng Bisayang wika. Gusto kong maka-tikim ng itim na sinigang. Gusto kong masilayan ang Pilipinas na hindi Region IV o III. Gusto kong malibing sa beach. Gusto kong maghike at pagpawisan. Gusto kong matapilok sa kweba. Gusto kong magpadaloy sa rapids. Gusto kong magswing sa isang baging at magpahagis sa isang sapa na malinis. Parang awa niyo na alisin niyo ko sa Maynila para magamit ko naman 'tong camera ko!



Bumili ako ngayong linggo ng isang slr camera. 'Yung film. Nung kinausap ko nga si Ms. Naomi Quimpo ('yung may-ari dati, oo second hand) na nakita ko sa sulit.com, una niyang sinabi sa akin, "film 'to ah." Sabi ko naman, "oo nga. :D" Bakit hindi dslr? Kasi wala naman akong perang ganun kalaki. hahaha At parang mas rewarding kasi kapag hindi mo nakikita 'yung pictures pagkakuha mo tapos malalaman mo na lang na may nakuha kang matino. Hindi ako nagpapaka-plastik ah. Hahaha Magastos nga lang pero ok naman. Kesa naman sa beer at yosi. :P



Beer at yosi na parehong nasa Gerry's grille kung saan kami ay kumain para i-celebrate ang buhay ni Mich. Sarap ng food. Nag-iceskating din kami nang todo-todo at ngumiti at naghi sa mga fans hanggang sumakit ang aming mga paa at ma-misplace ang mga pelvic girdle. :P Belated happy birthday Greggy! Advanced happy birthday Mich! pero...



Happy birthday Shayne! muna!




Ang dami talagang may birthday ng October. Ang saya. Sobrang salungat sa nararamdaman ko nung Sabado. Dapat kasi, ang pinoproblema ko noong Sabado ay kung pupunta ako sa IFL para sa sisterhood, o sa retreat ng batch 2010 sa Angels' Hills. Pero hindi. Dahil ang pinoproblema ko ay ang Chem 26 finals! -____- Pagkatapos ng finals ko, ang lungkot-lungkot. Dark. Lonely. Wala akong makausap. Natulog lang ako buong araw kung kailan hindi ko naman kailangan ng tulog. Gusto kong makipaglaro. Gusto kong magcounselor. Pero wala akong nagawa. Acads talaga oh.



Ang pangit ng performance ko this sem. As in sooooobrang pangit. Ang pangit pangit pangit pangit. Bakit ganun? Haggard naman ako ah.. Bakit hindi narereflect sa grades 'yung effort ko??? Nakaka-asar!!! X( Aynako ayoko na magdwell sa hindi happy thoughts.



Henson, obviously hindi pa ito 'yung sampung happy thoughts (hahaha ang pilit). Pero kung may nakita kang happy, i-count mo na 'yun. hahaha

END.

Tuesday, October 14, 2008

Woooh!

Ok na.

Whattamoodswing. :))