Sa mga hindi nakaka-alam, ang tres sa Pisay ay bagsak. Dalawang hakbang mula sa pagiging pasang-awa. Mahirap siyang lunukin. Obvious ba? Masakit sa damdamin dahil first quarter 'yun. Mapait sa panlasa 'yung katotohanang bagsak ka, 2 steps pa nga, at sila'y pasado, namamayagpag pa.
Pero ganoon talaga siguro ang buhay. Gulong ng palad ika nga. Minsan, ikaw ang nasa ilalim at ang pagmumukha mo ang siyang sumasalubong at nakakatikim ng tae, dura, putik, at bubblegum ng kakalsadahan. Minsan nama'y nasa taas, at naka-"beh!" ka na lang sa mga nasa ibaba. Siyempre, hindi ito nag-aapply sa ilang taong hindi bumabagsak, na kahit ano pa ang gawin nilang katamaran ay papasa pa rin sila, with flying colors pa. Seryoso, ang sarap nilang patayin.
Nakalulungkot mang isipin, ngunit hindi ako nabibilang sa ilang porsyentong 'yun, at naranasan kong magkaroon ng nakayayamot na tres.
Minsan ang "tadhana" ay nauubusan ng ideya sa kung anong gagawin niya sa buhay mo, at uulitin niya na lang ang nakaraan. Napabilang ako sa isang Math54 class ngayon sem. Inay ko po. Math na naman. At hindi lang siya basta-basta Math. Siya ay Elementary Analysis na math. Pero hindi pa natatapos diyan dahil siya ay part II! omg. hahaha
Kahit kailan talaga ay hindi ako naging magaling sa math. Nalinlang ko lang siguro si Ms. Conato noong grade 6 at ako ang sinali niya sa Math portion ng National Quiz Bee. Hanggang district lang ako. Kung anong score ko, hindi ko sasabihin. At sinusuggest ko rin sa kahit sinong Lourdesian (kung meron man) na makababasa nito na itikom na ang bibig. Siguro nga 'yun ang naging dahilan kung bakit ako laging nahuhuli sa Math. ehehehe.. hehe.. *kamot sa ulo* Marami rin akong exams sa geom na ang nasa proving ko lang ay ang Given. :)) Hanggang ngayon, sobrang bagal ko pa rin ako maglipat ng log sa isang exponential function. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets ang disk at cylindrical shell method. :)) Haayy buhay. Haayyy math.
Balik sa 54, ang bano ko sa finals. Kaya naman kinabahan ako nang husto sa kung anong kalalabasan ng pangit ko na ngang standing. *inhale exhale* Kaninang umaga ko lang nakita. Hindi ko maintindihan. Napatalon ako sa saya. Dahil kasabay ng 1.25 kong MuL9 at 1.50 kong Comm3 ay ang Math 54 kong three point zero.
I think I shall never see
A grade as lovely as a three,
A three that's earned by blood and sweat
When failing is a serious threat,
A three that I've asked God all day
Knowing that praying is the only way,
Exams are taken by fools like me
But only God can give a three.
Iyan ang nasa likod ng mga nakasuot ng shirt na 'yun. In fairness sa kanila, ang sarap pala talaga sa pakiramdam na makapasa sa totoong buhay. XD Ganito 'yun.
Kahapon ay gusto ko nang sumabog kasi INC ako sa cwts at wala pa rin 'yung math grade sa crs. Hindi ko alam kung kailan ang removals. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya habang hindi mapakali sa paghihintay, nagmuni-muni ako. May bahagi sa akin na nagsasabing kwatro ako at magreremovals ako at babagsak. May bahagi sa aking 2.50 o 2.75 daw ako. Pero hindi ko iniisip na tres ang makukuha ko... Kasi ayoko. Ang pangit naman talaga tingnan eh. Pangit sa records. Pangit na number. Pangit talaga. Nagpapakabagsaking grade conscious kumbaga.
Ngunit ngayon, ako ay naabsorb na ng UP community. :)) Hindi na ako mag-iinarte sa dos at 2.25 tulad ng iba dyan dahil naranasan ko na ang 3.0. Bwahahaha At naniniwala naman akong hindi patapon ang buhay ko, kahit may tres. dibadiba? ;) Amen.
Ngayong malaya na ako (sa math, at least), masaya na ang buhay (pag kumain nagkakamay. jooooke). At dahil natuto na ako (supposedly) sa dalawang math kong tinamaan ng ano, isinusumpa ko, huling tres na 'yan. :))
source ng tula: multiply ni Jao
No comments:
Post a Comment