Thursday, October 23, 2008

Incohirrent

Ayy.. wrong spelling.
START!



Minsan nasabi ko kay Kuya John (CS Chorale), "grabe ang igsi ng sembreak. Two weeks laaaaang.. D:"

Sabi niya naman, "nagsummer ka no?"



Ngayon ko lang na-realize na ang tanging pahinga ko (at karamihan sa inyo) lang ay ang kakapiranggot na sem break (na binawasan pa ng enrolment) at Christmas vacation (na malamang ay babawasan pa rin ng mga nagpapaka-major na subjects). Tapos ang lakas pa pala ng loob ko na magsummer ng Chem40 (biochem) ngayong subra-subra na ang ka-haggardan ko sa buhay + meron pa akong tapdance ng alas siete ng umaga ngayong second sem. Kasi naman crs eh.



Lima kasi ang inenlist kong PE. Skin diving. Scuba diving. Ten-pin bowling. Walking for fitness. Tapdance. Joke lang talaga 'yung tapdance. Siningit ko lang siya kasi kasya sa sked ko. Conflict sa isa't isa 'yung tatlong nauna. Si walking ay nasa hapon; si tapdance na least priority, sa umaga. Eh ganun talaga 'pag hindi nag-iisip. Ayan tuloy ang napala ko. 'Yung walang ka-conflict na joke lang dapat ang nakuha. Ang pangit, alas siete 'yun ng umaga. o_o Mas malala pa, kasunod niya ay Bio12. D: Ang maganda lang, kumpleto na subjects ko! :P Pero naniniwala akong hindi na ako ma-lelate kasi naniniwala akong sa susunod na sem ay may bahay na kaming malapit sa up.



Sa kasamaang palad, wala pa rin kaming nahahanap na bahay. Nag"hanap" kami minsan, ngunit ang naratnan lang namin ay mga apartment na pangmag-asawa at mga duplex na pang-isang barangay. Utang na loob, apat kami. Ako. Ben. Greggy. Mikael. Wala ba diyan na pang-apat? Kahit saan basta "Ma-" ang simula ng street name. O kaya sa may katips.. Kahit saan basta gusto namin. hahaha O tapos uuwi pa 'tong si Panget sa Leyte.



Gusto ko ring sumakay ng eroplanong mapapadpad sa isang lokal na paroroonan. Gusto kong makarinig ng Bisayang wika. Gusto kong maka-tikim ng itim na sinigang. Gusto kong masilayan ang Pilipinas na hindi Region IV o III. Gusto kong malibing sa beach. Gusto kong maghike at pagpawisan. Gusto kong matapilok sa kweba. Gusto kong magpadaloy sa rapids. Gusto kong magswing sa isang baging at magpahagis sa isang sapa na malinis. Parang awa niyo na alisin niyo ko sa Maynila para magamit ko naman 'tong camera ko!



Bumili ako ngayong linggo ng isang slr camera. 'Yung film. Nung kinausap ko nga si Ms. Naomi Quimpo ('yung may-ari dati, oo second hand) na nakita ko sa sulit.com, una niyang sinabi sa akin, "film 'to ah." Sabi ko naman, "oo nga. :D" Bakit hindi dslr? Kasi wala naman akong perang ganun kalaki. hahaha At parang mas rewarding kasi kapag hindi mo nakikita 'yung pictures pagkakuha mo tapos malalaman mo na lang na may nakuha kang matino. Hindi ako nagpapaka-plastik ah. Hahaha Magastos nga lang pero ok naman. Kesa naman sa beer at yosi. :P



Beer at yosi na parehong nasa Gerry's grille kung saan kami ay kumain para i-celebrate ang buhay ni Mich. Sarap ng food. Nag-iceskating din kami nang todo-todo at ngumiti at naghi sa mga fans hanggang sumakit ang aming mga paa at ma-misplace ang mga pelvic girdle. :P Belated happy birthday Greggy! Advanced happy birthday Mich! pero...



Happy birthday Shayne! muna!




Ang dami talagang may birthday ng October. Ang saya. Sobrang salungat sa nararamdaman ko nung Sabado. Dapat kasi, ang pinoproblema ko noong Sabado ay kung pupunta ako sa IFL para sa sisterhood, o sa retreat ng batch 2010 sa Angels' Hills. Pero hindi. Dahil ang pinoproblema ko ay ang Chem 26 finals! -____- Pagkatapos ng finals ko, ang lungkot-lungkot. Dark. Lonely. Wala akong makausap. Natulog lang ako buong araw kung kailan hindi ko naman kailangan ng tulog. Gusto kong makipaglaro. Gusto kong magcounselor. Pero wala akong nagawa. Acads talaga oh.



Ang pangit ng performance ko this sem. As in sooooobrang pangit. Ang pangit pangit pangit pangit. Bakit ganun? Haggard naman ako ah.. Bakit hindi narereflect sa grades 'yung effort ko??? Nakaka-asar!!! X( Aynako ayoko na magdwell sa hindi happy thoughts.



Henson, obviously hindi pa ito 'yung sampung happy thoughts (hahaha ang pilit). Pero kung may nakita kang happy, i-count mo na 'yun. hahaha

END.

Tuesday, October 14, 2008

Woooh!

Ok na.

Whattamoodswing. :))

Gulung-gulo na 'yung

Baguhin mo ko. Ayoko nang ganito. Sawang-sawa na ko. Araw-araw na lang. Linggu-linggo na lang.

Lagi na lang.

Bakit ba ako nagkaganito? Bakit ba siya nagkaganun?

Ano bang nangyari? Bakit kami nagkaganito?

Kung pwede ko lang siyang kalimutan, Lord. Kung pwede lang talaga..

Pagod na ko. Namamaga na naman ang mata ko. Paano na ko mag-aaral ng bio? Magffinals pa ba ko?

Pero hindi pa ako handang bumitaw. Nangako ako. Baka mamaya siya naman pala 'yung gusto nang lumayas. Ano pang silbi?

At nangako Ka rin 'di ba? Nangako Ka rin...

Ikaw naman ang bahala eh. Ikaw. Bathala.

Kahit sinungaling na siya. Kahit wala na siyang pakialam. 'Di naman kasi siya ganun dati eh. Martir na lang ako. Naniniwala pa rin ako Lord. Babaguhin mo kami. Hindi Ka pa tapos eh. As usual.



*telon*

O ayan.

OA? Over-Acting? Enough na ba 'yung pagka-OA? Bawas nang konti? Ikaw? 'Di ka OA? Tama ka lang? Sige na. Ikaw naman 'yung tama lagi eh. Siyempre mas magaling ang double quota. Kahit anong gawin ko OA pa rin ang lalabas. Innate na siguro sa akin.

Siyempre 'yung reply ng isa dyan, Whatever. Ang OA. Whatever Ang OA mo mukha mo. Akala mo kung sinong mabait na tao.



Tanggapin mo na nga lang daw kasi eh. Ano bang problema mo Andrew? Hahaha...

Monday, September 29, 2008

Labingwalo

Nais kong ipadala sa bawat isang bumati sa aking kaarawan ang aking taos-pusong pasasalamat. Tunay ninyo akong napaligaya sa araw ng aking pagsilang.

Ako'y nagpapasalamat sa Panginoon para sa labingwalong taon ng aking pagkabuhay. Tunay ngang Siya ay matapat at mabuti. Walang ibang bagay ang makapaglalawig ng aking buhay kundi ang GRACE Niya para sa akin, para sa ating lahat. Sa Kanya lang nagmula ang bawat hiningang nailabas, ang bawat luhang naipatak, at ang bawat kaligayahang ating natamo. Ang bawat karanasan ay may katumbas na aral. At nagpapasalamat ako sa Kanya dahil sa mga ipinaranas Niya sa akin upang ako'y maging kung sinoman ako ngayon.

Ako'y biniyayaan ng isang pamilyang walang katulad at ng mga dakilang kaibigan tulad niyo. Pisay. Bio. SVCF. UP. Bagama't ako ay nagkukulang, kayo'y nandiriyan pa rin at nakaantabay sa aking likuran. Nakakatuwa kayo. Salamat.

Sa mga nagtext at nagYM, sa mga tumawag sa telepono at selfown, sa mga nag-email, sa mga nagsulat sa guestbook ng Multiply, sa mga bigla na lang umawit bago magpractical exam sa Chem26.1, sa mga "ay oo nga birthday mo ngayon happy birthday," malaking bagay para sa akin ang mga iyon. Maraming salamat.

Sa lab instructor na mininusan ako dahil wrong washing daw ng glass probe, salamat na rin dahil nai-equilibriate mo 'yung sobra kong kaligayahan sa araw na ito. At sa aking lab instructor, salamat din at minove mo ang problem set. Napatalon talaga ako sa tuwa. Hehehe

Sa CS Chorale na nakakantahan ko nung hapon, nakatanggal kayo ng aking stress. Salamat.

Sa mga bigla na lang sumulpot sa Trinoma para manggulat, natuwa ako na kahit sa maigsing panahong tayo ay nagkatipun-tipon, nagkaroon tayo ng oras para makapaglabas ng galit sa mundo kasabikan sa pagkanta at makahabol sa buhay ng kung sinuman. Lubus-lubos ang aking kaligayahan. Maraming salamat.

Mahal ko kayong lahat. :D



At dahil Labingwalo ang pamagat ng post na ito, dapat labingwalong beses niyo ring mababasa ang salamat. Kulang pa. Kaya...

Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat. Salamat.

Ayun lang. XD Legal na 'ko! :))

Saturday, August 30, 2008

Ang pangit tuloy ng 99th post ko.

When you're down and troubled
And you need a helping hand
And nothing, whoa nothing is going right.
Close your eyes and think of me
And soon I will be there
To brighten up even your darkest nights.

You just call out my name,
And you know wherever I am
I'll come running, oh yeah baby
To see you again.
Winter, spring, summer, or fall,
All you have to do is call
And I'll be there, yeah, yeah, yeah.
You've got a friend.

If the sky above you
Should turn dark and full of clouds
And that old north wind should begin to blow
Keep your head together and call my name out loud
And soon I will be knocking upon your door.
You just call out my name and you know wherever I am
I'll come running to see you again.
Winter, spring, summer or fall
All you got to do is call
And Ill be there, yeah, yeah, yeah.

Hey, ain't it good to know that you've got a friend?
When people can be so cold.
They'll hurt you and desert you.
Well they'll take your soul if you let them.
Oh yeah, but don't you let them.

You just call out my name and you know wherever I am
I'll come running to see you again.
Oh babe, don't you know that,
Winter spring summer or fall,
Hey now, all you've got to do is call.
I'll be there, yes I will.
You've got a friend.
You've got a friend.
Ain't it good to know you've got a friend.
Ain't it good to know you've got a friend.
You've got a friend.



Sinungaling.

Monday, August 25, 2008

'Yung 50 things survey

Tinag ako nina Belle at Mich (at Ben... joke).

1. Do you like cheese?
--- i like cheese.

2. Have you ever smoked heroin?
--- i have always smoked heroin since grade two. :)) joke

3. Do you own a gun?
--- marami akong glue gun.. (weh)

4. Your favorite song?
--- dami eh!

5. Do you get nervous before doctor appointments?
--- hindi naman. except nung sa infirmary.. nung ako'y pinatuwad nang naka-hubad. =))

6. What do you think of hotdogs?
--- masarap ang hotdog. almusal namin 'yun kanina. xD

7. Favorite Christmas song?
--- 'yung may "o come let us adore Him" :))

8. What do you prefer to drink in the morning?
--- tubig.

9. Can you do push-ups?
--- 500 a day. :)) jooooke. oo naman, kahit papaano. :))

10. Favorite superhero?
--- si safety queen.

11. What's your favorite piece of jewelry?
--- wala.

12. Favorite hobby?
--- magpakasenti. hahaha

13. Secret weapon to get the opposite sex?
--- uhm, that would be unnecessary. =))

14. Do you have A.D.D.?
--- tinatamad akong mag-google eh. wala ata? ano ba 'yun? :P

15. What one trait do you hate about yourself?
--- moodiness.

16. Middle name?
--- fanerrrrrr

17. Name three thoughts at this exact moment.
--- anong magandang speech topic? ano na kaya mangyayari sa chem grade ko? bakit wala pa 'yung mga offer sa 'kin ng gma at abs?

18. Name three things you bought yesterday.
--- wala akong binili kahapon. nasa camp ako eh. :D

19. Name three things you regularly drink.
--- tubig. iced tea. neskape.

20. Current worry?
--- walang dapat ipangamba. walang dapat ikatakot. dahil Matthew 6:25-34.

21. Current hate?
--- 'yung 26.1 instructor ko! :))

22. Favorite place?
--- 'yung titirhan namin nina ben at mikael. kung saan man 'yun. please magpakita ka na.

23. How did you bring in the New Year?
--- uhm.. usual. :) nanood sa mga fireworks ng kapitbahay.. hahaha

24. Where would you like to go?
--- sa Sagada. :D

25. Name thirty-seven people who will complete this and return.
--- @reader: gusto mo? go lang.

26. Do you own flip-flops?
--- yep

27. What shirt are you wearing?
--- shirt na pinabili ko sa nanay ko sa sonicflood concert.

28. Do you like sleeping on satin sheets?
--- 'di ko pa nararanasan. kahit 'di na.

29. Can you whistle?
--- obcors

30. Favorite colors?
--- mga earth/tae colors

31. Would you like to be a pirate?
--- oh yeh

32. What songs do you sing in the shower room?
--- lagi akong nagvovocalize sa shower. vocalize lang. kaya walang sense. =))

33. Favorite girl's name?
--- Ma. Eliza.. (kapatid ko. xD)

34. Favorite boy's name?
--- Andrew.. =))

35. What's in your pocket right now?
--- wala akong bulsa ngayon.

36. Last thing that made you laugh?
--- ka-normalan ni Shayne kaninang pauwi. :))

37. Best bed sheet as a child?
--- pokemon!

38. Worst injury you've ever had?
--- nung nalaglag ako sa upuan?

39. Do you love where you live?
--- ok lang. ang layo lang talaga sa up.

40. How many computers do you have in your house?
--- dalawa.

41. Who is your loudest friend?
--- :)

42. How many dogs do you have?
--- sa bahay, meron kaming anim. sa probinsya, meron pa kaming walo. 13/14 sa mga 'yan ay asong pilipino. :))

43. What is your favorite book?
--- Bibliya.

44. What is your favorite candy?
--- skittles na rin. hahaha nakigaya

45. Favorite Sports Teams?
--- UP Fight!

46. What song do you want played at your funeral?
--- I can only imagine ng Mercy Me (Jao, pasend nung magandang version :D)

47. What were you doing 12 AM last night?
--- sumali sa kwentuhan ng mga may lovelife. =)) (mga counselors na 'to oh!)

48. What were you doing before you answered this?
--- kumain ng illegal na dinner. pagi.

49. Who is the person you want to talk to right now?
--- marami eh.

50. What is the first thing you thought of when you woke up?
--- pinatay ko 'yung alarm. natulog ulit. sorry na sa mga nairita sa alarm ko. hahaha

Tuesday, August 12, 2008

May liwanag ang buhay

Isipin mong ikaw ay nasa isang maliit na kwarto. Sa gitna ng kwarto'y may isang napakaliwanag na puting ilaw. Isang higanteng ilaw na hindi mamatay-matay. Sa sobrang ningning nito'y masisilaw ka't 'di mo ito makakayanang tingnan. Ang mga dingding at sahig at kisami naman ay pinuno rin ng mga ilaw. Daan-daan. Libu-libo. Milyun-milyong maliliit na bumbilyang sinlaki ng mga munggo. Magkakatabi. Lahat ay may isinasabog na liwanag dahil sa ilaw na ipinapasa ng yaong malaking bumbilya na sa gitna ng kwarto.

Iba't iba sila ng lakas ng liwanag. May unti-unting lumiliwanag. Merong tuluy-tuloy lang ang pag-ilaw. May mga bigla-biglang humihina. Meron ding biglaang lumalakas. Iba't iba rin sila ng laki. May maliit. May malaki. Iba't iba ng hugis. Iba't iba ng konsumo sa kuryente. Pero siyempre, isa lang ang tawag mo sa kanilang lahat. Ilaw. At kung may ilalagay kang kahit anong bagay sa kwarto, o kahit ipwesto mo pa ang sarili mo sa gitna, wala... wala kang makikitang anino.

Kaibigan. Kapatid (Kuya nga eh). Huminay ka. 'Wag aanu-ano. 'Wag tayo masyadong magpadala.

We know better.



Salamat Lord sa peace. :) Pwede na akong gumawa ng FR. XD

Friday, August 08, 2008

Para sa mga nagddrive sa Katips

Pwede ba?!!? Anim na late / dalawang absent na lang at maddrop na ako sa bio11!!! X( 7:00 ang class ko. Ang aga-aga ko namang umaalis ng bahay. Pero lagi pa rin akong nalelate. Kanina lang ay 1 hour 10 minutes akong stranded sa jeep. 'Di na 'yan makatarungan! :((

Sana lang talaga 'di na lang kayo natutong magdrive! Ibenta niyo na 'yang mga sasakyan niyo! Traffic lang naman ang idinudulot niyo eh! Asaaaarrrrrr...

Sana lang talaga 'yang mga Atenista at Miriamista(?) na 'yan ay marunong magcommute. AT PINAPAYAGAN. (oo na. 'yung iba naman nagcocommute. pero ano ba.) -__- Nakakaasar na 'yung mga sasakyan na ang laki-laki pero isa lang naman ang ihahatid. Sayang sa kalye! Matatanda na kayo! Magcommute na kayooo!!! Grade4 pa nga lang ako nagcocommute na ako eh! O kaya magservice na lang! At least marami kayong nakikinabang sa isang sasakyan! Maawa kayo sa mga taga-UP na wala namang kinalaman sa mga U-turn slots sa Katipunan na masyado niyong pinupuno!! Ang dami-dami niyong dinadamay. Ang daming absent kanina sa first class nila.

O kaya kung nahatid mo na rin naman 'yung kailangan mong ihatid, dun ka na lang sa loob! 'Wag ka nang lumabas! 'Wag ka nang umuwi! Magtipid ka na lang ng gasolina! O kaya maghintay ka ng 10:00 bago ka lumabas! =))

HOY MGA TAGA-LA VISTA NA ANG ALAM LANG GAWIN AY MAGPATRAFFIC! WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAYAMAN KAYO MASYADO! DUN NA LANG KAYO SA LOOB NG VILLAGE NIYO! MARAMI NAMAN KAYONG PERA! MABUBUHAY NA KAYO NIYAN! GAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!

Ngayon, iba na prof namin sa Bio11 kasi nasa zoo na kami. Nagbibigay siya ng surprise quiz sa simula ng class at kung wala ako dun, hindi ako makakakuha ng quiz. gets? Kaya kung ayaw mong masapatusan dahil na-late ako't 'di ako nakakuha ng mga quiz na 'yun, 'wag na 'wag kang haharang sa dadaanan ko sa Katipunan! GRRR...

PS. Nangangagat din ako.

Monday, July 28, 2008

Sana lang talaga

Sana may ctrl+f ang bio notebook ko. Pati na si campbell. Sige na.

Sana may undo 'yung mga quiz ng chem.

Sana napprintscreen ang math sa utak ko.


Dahil ako'y napapagod na. At bibigay na ang katawa't utak ko. :(

Loooooorrrdddd!!!!

Sunday, July 06, 2008

Gusto ko nang mag-

Exactly one month ago, I posted my class schedule here in my blog. For a moment I tried to evaluate my acad performance, ATP consumption, etc during the last month of full load without Wednesday breaks (o kahit Monday pa man). I realized that I can't fight this feeling any more. KAILANGAN KO NANG MANGIBANG BAHAY! XD

Four hours of each day are dedicated to jeepney and tricycle rides. Madalas, mas mahaba pa 'yun sa tulog ko. At ang laki rin ng ginagastos ko sa pagcommute.

I'll arrive at home about 7pm (maaga na ito), then I'll rush dinner, and force myself to finish all my requirements so I could still snore my day off for at most five hours. Kapag nagising ako ng 5:30, lagot na. Absent na kay Ma'am Roderos (at bigla na lang nila akong makikita sa lab)!

I can't focus much on my studies. Can't really get into war with a dead tired body, right? Nalawayan ko na nga pala sina Campbell at Silberberg. >_< Leithold!! Humanda ka na! :))

I've tried and tested the dorm life for four years in high school, albeit I admit that renting and living in an apartment/condo/boarding house (whichever we would find) would be a lot different than the former. But why the heck should I care, I need that apt/condo/bhaus now! :)) Plus, I need some people to work with. I'm not used to studying alone. Naaalala ko sa dorm dati, tahimik sa kwarto kasi nag-aaral lahat. Remember? Study hours.. :P I guess the fact that some people are around doing the same thing (kahit iba-iba naman ng course) helps me concentrate. Sa point na ito, na-realize ko rin na ang dami ko nang parenthesis. :))

Kaya kung may alam kang apartment, condo, o boarding house na nasa may Katips o UP village, na sulit naman (at hopefully ay kaya namin), 'wag mag-alinlangan na ito'y sabihin sa amin. Medyo wala kasi kaming ibang oras bukod sa tuwing Saturday para maghunting ng bahay.



Bago ko i-publish 'tong post na ito, nireread ko muna. Napatingin ako sa isang word. Tapos naisip ko lang, 'yung chorva ba ay nanggaling sa chever na nanggaling sa whichever? XD