Tuesday, August 12, 2008

May liwanag ang buhay

Isipin mong ikaw ay nasa isang maliit na kwarto. Sa gitna ng kwarto'y may isang napakaliwanag na puting ilaw. Isang higanteng ilaw na hindi mamatay-matay. Sa sobrang ningning nito'y masisilaw ka't 'di mo ito makakayanang tingnan. Ang mga dingding at sahig at kisami naman ay pinuno rin ng mga ilaw. Daan-daan. Libu-libo. Milyun-milyong maliliit na bumbilyang sinlaki ng mga munggo. Magkakatabi. Lahat ay may isinasabog na liwanag dahil sa ilaw na ipinapasa ng yaong malaking bumbilya na sa gitna ng kwarto.

Iba't iba sila ng lakas ng liwanag. May unti-unting lumiliwanag. Merong tuluy-tuloy lang ang pag-ilaw. May mga bigla-biglang humihina. Meron ding biglaang lumalakas. Iba't iba rin sila ng laki. May maliit. May malaki. Iba't iba ng hugis. Iba't iba ng konsumo sa kuryente. Pero siyempre, isa lang ang tawag mo sa kanilang lahat. Ilaw. At kung may ilalagay kang kahit anong bagay sa kwarto, o kahit ipwesto mo pa ang sarili mo sa gitna, wala... wala kang makikitang anino.

Kaibigan. Kapatid (Kuya nga eh). Huminay ka. 'Wag aanu-ano. 'Wag tayo masyadong magpadala.

We know better.



Salamat Lord sa peace. :) Pwede na akong gumawa ng FR. XD

No comments: