Sunday, March 30, 2008

Ang Pisay Survey na Hindi Lang Talaga Pang-Pisay. :)

1) ano sec. mo nng 1st yr high ka?
OPAL [ui mineraloid lang daw tayo dahil amorphous ang ating structure. bat 'di pa natatanggal ang opal? :))]

2) eh nung 2nd yr?

ROSAL [nakawin niyo na lang 'yung class pics sa multiply]

3) 3rd yr?

SODIUM [nakakamiss. reunion! ulit! overnight naman!]

4) 4th yr?

TRUTH [bili na ng wizard of oz vcd! :))]

5) anong best year for u?
kailangan talagang sagutin? ang hirap eh. :P

6) baket? marami ka bang friends nun?

ok lang. :D labs na labs ko lahat ng section ko eh. ewan ko ba kung bakit. :))

7) san kau kumakain kapag lunch?

sa caf. pag may iccram na labrep o project, sa dorm. o minsan wala nang kainan. kailangang magsacrifice. pagkain lang 'yan. =))

8) san tumatambay after skul?
MTh - sa dorm at nagpapahinga o nagccram/sa lib kasi kailangang mag-internet/sa oval at nagsstroll.
T - may tuesday fellowship ang acts.
W - may cell group ang core group ng acts.
F - uwi na galing dorm. :)

9) lagi ka ba late pag morning?
uhm... hindi eh. korni ko no?

10) nasuspend ka na ba?
hindi.

11) Bakit?
kasi ako ay huwarang iskolar. naks! :))

12) masaya ba pag foundation day?
uhm.. boring. kasi 'di naman ako na-dl ni minsan, eh recognition day 'yung foundation day. ayun. hahaha bitter.

13) have u ever danced on stage?
yep. at gagayahin ko si ate abby. i-coconsider kong stage ang gym floor at ang field na rin.
1st year - conan. sayaw ba 'yung kilos-awit? :))
2nd year - humanities week [katutubong sayaw]. rosal concert. cheering.
3rd year - ramayana battle scene? :)) cheering.
4th year - humanities week [sayaw interpretasyon]. inferno? cheering.
alumni :)) - homecoming!

ay. 'di pala tinanong kung anu-ano. =))

14) nagka bf/gf ka ba nong highschool days?
wala eh.

15) sinong all time crush mo nun?
:)

16) would u go back?
uunaman. pero bilang kuya na lang sa acts. pupunta nga ako dun bukas eh. =))

17) ano lagi mong binibili sa canteen?
noong may jollibee pa, bumibili ako palagi ng peach mango pie. footlong/hungarian. red lemon. BLUE BAY TUNA.

18) overpricing ba ang canteen nyo?
dati feeling ko oo. Pero nang mapunta sa UP. mura na pala. :))

19) u ever sang on stage pag may program?
hanggang paskorus lang eh. :P

20) fave subj?
bio1, bio2, at bio3. Hulaan mo course ko. :))

21) nagkabagsak k n ba?
math3. :(

22) have u ever been sent out?
uhm.. inutusan? hahaha

23) feel mo ba malau ang HS bldg till canteen?
nagjojoke ka ba?

24) have u ever ran in the court?
kapag may PE. hehehe

25) varsity? of what?
hindi eh.

26) do u miss ur school?
sobra.

Ang dami kong emoticon. :))

Friday, March 28, 2008

Grade sa Math at ang Pilay sa Kanang Galanggalangan

Hindi ako bagsak sa Math53. Exempted din naman sa Chem16. Pero 'di rin ako kontento sa grade ko. 'Di ako masaya. Sobra. Na-ben ako kanina sa scical. :)) [Siyempre, 'di ko magagawang magpaalam sa laude. Kailangan. Babawi ako!] At grabe talaga. Hindi ko inakalang ganoon ang magiging grade ko. Dahil alam kong nag-aral naman ako. Ngayong sem, nagpractice-practice pa ako sa TC7, bumili pa ng Brown LeMay at Silberberg ('di ako bumili ng whitten :P), at bihira kong gawin 'yun sa buhay ko. Pero kahit kailan talaga, ayaw sa akin ng math at chem. -_- ['di ba Ma'am Dinah? Ma'am Happy? Sir Mardan? Sir Segs? Sir Nat? Sir G? Ma'am Butaran? Ma'am Dinah ulit? :))]

At isabay pa natin 'tong pilay sa aking kanang galanggalangan. [galanggalangan = wrist. ginoogle ko pa 'yan kanina]

Pinaghakot kasi kami ng tilapia. Eh ayun. Meron kaming binaba na 65 kg, at na-twist nang konti ang aking galanggalangan. At dahil sumasabog ang aking epinephrine, siyempre, di ko ramdam. Maramdaman ko man, 'di ko rin naman agad mabibitawan 'yung icebox, kasi kawawa naman 'yung paa ng kuya ko. At malapit na rin kasi sa bababaan, kaya para saan pa ang pahinga? Noong nababa na, ayan. Ayan kasi. :)) Ang sakit-sakit niya ngayon. Pilay. 'Di ako makasulat. Paano ako mag-eexam sa Chem bukas? :((



Tinanong ko si Itay sa lahat ng nangyayaring 'to. Ang gulu-gulo. Pababa ng pababa. Pabagsak ng pabagsak. Ano bang gusto Niyang iparating? Ano bang gusto Niyang sabihin? Anong gusto Niyang ipamukha?! Lagi ko na lang bang papangarapin ang pagtaas ng grade ko? Mga munsterrr naman ang mga kasama ko. Bakit 'di nahahawa 'yung grade ko sa grade nila?? Baket?!?!!

Tapos naalala ko. 'Di pala ako nakapagquiet time kaninang umaga paggising ko. Naisip ko, baka magreply si God. Malay natin 'di ba? :)) Nag-end ako kahapon sa Romans 8:27. Eh 'di ang next ay Romans 8:28 onwards.

Ang title ng passage ay... More Than Conquerors. Ang first three verses ay dati ko pang na-highlight. Binasa ko 'yung verse 28. Tapos sabi ko, "ang bilis naman."



"And we know that in all things God works for the good of those who love Him, who have been called according to His purpose." -Romans 8:28



"...If God is for us, who can't be against us? ...Who shall separate us from the love of Christ?" -Romans 8:31,35

Wala. :P Kahit math at chem grade pa 'yan!



Ang galing-galing Niyo po talaga. Kahit time ng pagQT ko naplano Niyo. And if all these things would glorify Your name, then let Your will be done. Amen. :)

Wednesday, March 26, 2008

Plug

Ang pinakahihintay na pelikula ng taon.
Ginastusan ng milyon-milyon.

Bumuhos ang pawis. Dumanak ang dugo.
Nagsayang ng kuryente. Nagtiis ng luho.

Lahat ay ginawa para lang sa isang uno ni Ma'am Oblepias.

Walang iba kundi... ang... *tantananantantan*

Truth 07's
THE WIZARD OF OZ

Ito ang kwento ng isang batang babaeng nagngangalang Dorothy (Maramba) na hibang na hibang naman sa aso niyang si Toto (stuffed toy) na parehong napadpad sa isang mahiwagang kaharian ng mga unano, mga bruhang lumilipad, at ng mga taong nakaberde na sumasayaw-sayaw habang ginugupitan ka ng kuko. Sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong niya ang isang korning taong dayami na lalampa-lampa at walang utak (Torres); isang kinakalawang na taong kalan na 'di naman nabigyan ng puso (Rapallo); at ang duwag na leon na hindi na dapat isinasama pa sa script dahil wala namang aral na mapupulot sa kanya (Catalan). Sa kanilang pagtungo sa dakila't makapangyarihan kunong Wizard ng Oz (Bona, Camiling), ay marami namang nakabantay na panganib at mga patibong na pakana naman ng isang magaling na Masama't Pangit na Bruha ng Kanluran (Gonzalo).

Samahan sina Dorothy, Scarecrow, Tin Man, at Cowardly Lion sa kanilang pagtatalon-talon sa Kalyeng Gawa sa Dilaw na Briks at sabayan silang matuto ng mga aral tungkol sa buhay at sa iba't ibang aspeto nito na hindi ko na babanggitin pa dahil 'di ko naman alam kung meron talaga. Makiiyak, makitawa at magpaka-isip-bata sa panonood ng VCD ng taon.

Walang katumbas na ligaya.
Hindi mabibiling karanasan.

Pero para sa 'yo.
Php 50 na lang.

Bili na!



Alam ko kakapalan ng mukha pero seryoso 'yan. Marami na ang bumili. Baka nahuhuli ka na! Order na lang sa akin. :))

Monday, March 24, 2008

We will dance in Your freedom, dance in Your liberty

Napapansin ko lang na ang aking blog ay unti-unting nagiging QT journal. :)) Ang saya. Ayos.



"Therefore, since we have been justified through faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ, through whom we have gained access by faith into this grace which we now stand. And we rejoice in the hope of the glory of God. Not only so, BUT WE REJOICE IN OUR SUFFERINGS, because we know that suffering produces perseverance; perseverance, character; and character, hope. And hope DOES NOT DISAPPOINT US, because God has poured out His love into our hearts by the Holy Spirit, whom He has given us." -Romans 5:1-5




There is peace.
There is love.
There is jooooooooyyy... :))

Sunday, March 23, 2008

Ako ay Alive-alive dahil Alive-alive ang Diyos ko. :)

"He was delivered over to death for our sins and was raised to life FOR OUR JUSTIFICATION..." -Romans 4:25



Ang galing-galing talaga ng timing ni God. 'Yan ang na-qt ko kanina, at kumusta naman, sabay pa sa Easter. :P At ito ang aking reflection.

Ang resurrection ni Jesus Christ ay ang isa sa mga main reasons kung bakit nag-eexist ngayon ang Christianity. We all know that He died to present Himself as a sacrifice for atonement, through faith in His blood (Romans 3:25), and that whosoever believes in Him shall not perish but would have everlasting life (John 3:16). Pero ano na lang ang mangyayari kung 'di naman Siya nagresurrect at nanatili na lang Siyang nakalibing doon at inagnas na lang at naging kalansay? Eh 'di siguro, nagmukmok na lang 'yung mga disciples doon at 'di na sila magsspread out dahil hindi naman sila nabigyan ng The Great Commission (Mt 28). Hahaha.. ang dami ko nang verse na nagamit. X) But no. Lo and behold. Nabuhay Siya.

Wala naman nga kasing silbi kung maniniwala tayo at tatanggapin na si Hesus ay Lord and Savior kung nandun naman 'yung remains Niya, probably sa isang museum. Paano tayo majujustify? Paano tayo masesave? Paano natin matatanggap 'yung gift of eternal life? At alam din natin na ang Christianity ay hindi isang religion inasmuch as ito ay isang personal relationship with Jesus Christ. At nakakatakot magkaroon ng personal relationship sa isang taong patay na. :))

Sabi nga ni Ate Jana ('05) sa isa naming FG session, "eh ano ngayon kung malaman mong nagresurrect si Jesus Christ? Ano naman 'yung implication noon sa buhay mo?"
-Eh 'di ang faith natin ay hindi isang blind faith dahil alam na nating ang pinaniniwalaan natin ay alive and kickin' pa at iniimply na rin noon na lahat-lahat pa ng iba pang nasa doctrine ng Christianity ay ang absolute truth dahil ang pinakabasic sa lahat ay ang existence ng isang buhay na Diyos. Praise God. :)

Saturday, March 22, 2008

Nag-aral ka na?

Sa mga magmamath53 finals sa monday, ito ang para sa inyo.

I-CLICK MO 'KO.

Makakapag-aral kayo niyan. 'Di kayo maaadik. pramis. -_-
Pahamak ka Jao. =))



Ayun. 'Di pa kasi ako nakakapag-aral. For one, na-adik talaga ako sa bloxorz na 'yan. Buti na lang at tapos ko na. [wooohh biglang nilipad 'yung sinampay niyo. :))] At imbes kasi na mag-aral, nagawa ko pang magmarathon ng Kyle XY sa studio 23 (na hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin tapos kaya mabuti na lang at nakayanan kong umalis bago ako ma-adik).

So for now, to kickoff my review, I tried to list the topics covered for the exam para mamaya alam ko na 'yung pagsusunud-sunurin ko sa TC7. At woooohhooo!!! Ang dami-dami-dami-dami palang topics. Nakagigimbal talaga. At kahit gustuhin ko mang huwag nang mag-aral, 'di ko rin naman pwedeng sabihin na "Sus stock knowledge na lang 'yan!" dahil wala pong na-stock sa utak ko. :)) Lalung-lalo na 'yang washer at cylindrical shell na 'yan!

Grarrr puro na 'ko :)) at =)) at -_- at rants sa math. :))



Praise God nga pala at lalabas na ngayon si Shayne ng ospital. Ipagpray na rin natin siya dahil Intarmed siya at lima ang iffinals ata nila at kumusta naman 'yun. Ang tagal niyang absent. Ayun lang.



"...no one will be declared righteous in His sight by observing the law; rather, through the law we become conscious of sin." -Romans 3:20

Tuesday, March 18, 2008

Maliligo Muna Ako

...dahil 'di ko na talaga kaya ang init. -__-

Baket ba ang init? Ang init-init-init...

Dahil ba may varied exponential increase sa ating global climate? Dahil March na at normal lang na mainit? Dahil ba "duh andrew summer na mag-isip ka nga.."?

O DAHIL KASI MERON AKONG TAYONG MATH LONG TEST BUKAS TUNGKOL SA SANDAMAKMAK NA HYPERBOLIC AT TRIGONOMETRIC DERIVATIVES AT INTEGRALS, ISAMA MO PA ANG MGA INVERSE NILA AT 'YANG MGA INDETERMINATE FORMS NA 'YAN!?!!?!


grarr. hahaha..

Kayo po'ng Bathala.

mag-aaral pa ko. makaligo na nga. :P

Monday, March 17, 2008

Ako'y nagbabalik. Buhay at sumisipa-sipa pa. :))

Pagkatapos kitang patayin.. bubuhayin kitang muli.

Hello ulit, pinoytsapsuy.blogspot.com. Sana 'di ka masyadong kinalawang. Hahaha...