karz: drew... tampo ako.....
drew: o.. bakit ka tampo?
Yun pala.. kasi puro sodium daw ang posts ko. kaya eto na.. *teden* eto na ang aking OPAL POST *echo*
8:00 ang meeting time sa pisay. Nagising ako ng 5:30 nang umaga. Umalis ng 7:10. At dahil 7:10 ako umalis.. traffic. Dumating ako 8:40. Suot ko ay maong na shorts at t-shirt. Ibibigay ko pa dapat ung clearance sheet ko kay pito.. Kaso ayaw akong papasukin ni kuya guard. Nakita ko na sila. Sumakay na sila sa sasakyan. Sinundo na nila ako sa gate. Hindi ko nabigay clearance ko.
Opal.. "Ang saya pa rin talaga."-krishna. Oo nga. Ang saya saya saya saya saya. At according to class number.. Bercero. Bernabe. Caparoso. Cruz. Depedro. Lavin. Sumagang. Sumaya. Tamayo. Torres. Andan. Astronomo. Borjal. Chan. Eugenio. Lacap. Matibag. Morante. Ma'am Gumihid at si.. ehem ehem. Hahaha.. Di pa rin kumpleto pero masaya! Pagdating dun.. labas ang baraha! pati na ung uno! hahahaha.. di talaga mapigilan. Tapos lumangoy. Kumain. Lumangoy pa. Sige lang. Langoy! Tapos nag-agawan ng bola. Tapos bahay ni lara. Kanta kanta. Inom ng juice. 123 pass na may truth or truth. Tinanong nga ko. Di pa ako sumasagot. Tumuloy lang bigla yung laro.. Aliw. Tapos langoy ulet! Hanggang gabi na yun. Tapos laro ng mga kung anu-ano. agawan base. dragon tail. (insert name here) in the middle. at ang walang kamatayang ferris wheel. Pero may variations ung ferris wheel a.. (1)ung traditional. (2)nakahiga lahat. (3)nakahiga lahat pero compressed. (4)compressed at nakadapa. Hahahaha... Tapos may bago! ANG RITUAL! *dundundun*
"It's a different kind of experience!"
"Pwedeng umulit?"
"Masaya!"
"Masarap!"
"Naaarouse ako!"
Hahahaha.. kung pano ginagawa? sikreto na namin yun. Tapos sa bahay na nina Jovi.. Nagpc. Nagsampay. Nanood na ng dvd. Nag-uno habang nagchichismisan. Tapos nagsiksikan sa tapat ng tv at natulog. Anong oras nga ba un? 3? basta. mga ganun. Tapos gising. Ligo. Kain. Nood ulit ng isa pang dvd. Tapos Pisay na.. aawww...
Pagdating ko sa bahay.. natulog ako. Mga 4:15 yun. Tapos nagising ako ng 11:20. Saya. Kaya ngayon di ako makatulog. Naisipan kong magpost. E di nagpost ako. Ito yun. Ito na ung post. Post. Post. post. Hahahaha.. bangag.
Anyway.. salamat sa pamilya ni Jovi! ang sarap ng pagkain! sa sambahayan ni Lara! At sa mga nakatira sa FilinvestII! Sa pagtiis sa ingay ng opal. Hahahaha...
pssst. Baguio raw o.. go!
No comments:
Post a Comment