Wednesday, March 29, 2006

Dalumat.

Note: di ako maglalagay ng kahit anong related sa UPCAT. Promise.

Gumising ako ng 8:30. kasi magkikita-kita kami sa Ihaw1 *dundundun* ng 11:00. Ang normal na time sa biyahe pag commute ay 1.5 hours. e di balak kong umalis ng 9:30 para eksakto. E ung kuya kong si kuya Marc (sikat!), may klase siya ng 9:00. pero, may kinacram siyang paper na sobrang haba. 9:30 na, aalis na ko.. Aalis din naman siya ko ng 9:30. may dala siyang kotse. e di sabay na ko. Take note: 9:00 ang klase niya. hahahaha... ang time para makarating sa philcoa pag sumabay ako sa kuya ko hanggang shaw blvd ay 1 hour. so 9:30 hanggang 10:30. hala. napaaga tuloy ako. kaya tumambay muna ko sa mrt. Hahaha.. wala lang. wala akong ginawa sa quezon ave station. nakatunganga. kumain ng waffle. uminom ng iced tea. nagload ng 30 pesos. pinagmamasdan ang mga taong nagmamadaling makawala sa loob. ewan ko ba.. kung bakit ung iba tumatakbo pa.. parang katapusan na ng mundo pag di sila ang nauna dun sa mga.. um... ticket collector. yeah.. ticket collector. syempre. ginawa ko yun para maubos ang oras...

Pagdating sa ihaw1, 11:01 am. o diba.. nagpalate pa nang konti.. nauna ko. yeah! nauna ko! first time yun! Tapos sa kabilang table may dalawang nag-uusap para sa renovation ng isang kusina/resto/hotel.. ewan ko. kaya laro muna ko ng bowling pati ng sky diver. hehe.. maya-maya, dumating na si dixie. tapos si ate nika. tapos si pito. tapos kain kami. akala niyo natakot ako? hindi. ako'y nagpakasafe. Xp umorder na lang ako ng chicken barbeque. tapos deretso na sa bahay ni ate nika. bake bake ng cookies!

Ako yung nagtakal ng fluor. kaya pala kulang e. haha.. tapos halo. halo pa. sige halo lang! tapos lagay ng choco chips. tapos sinet-up na namin sa tray. maliit ung kay dixie. malaki at mataba ung kay pito. ung kay dixie, as expected, nagspread. ung kay pito, naconscious. nahiya. nagpigil. hahahaha... ung akin? no comment. tapos, 2:30 na. punta kaming pisay ni pito.

Pagdating sa pisay.. wala. E di nagpractice na kami.

Tapos ng practice, punta sa sm north. Kami nina... pito jerome nave dixie ate nika at sir mike, ay nanood ng ice age 2. ang kyut kyut niya. aliw. at jaki, kung inaakala mong manonood kami ng moments of love at makikita ka namin dung nagsasampay ng pisay blouse at skirt.. nagkakamali ka.. hahahaha...

Tapos nun, uwi na kami. Una kong ginawa pagdating sa bahay, binuksan ang tv. nilipat sa starworld. inabutan ko pa ung recap ng american idol. haayyy.. results bukas. tapos sa computer. nagtype type ng konti.. konti??? tapos kakain na ko ngayon. kasi di pa ko nagdidinner.

kaya...

paalam! God bless! ingat!

p.s. kung bakit dalumat ung title? wala lang. wala kong maisip e.. hahaha...

Tuesday, March 28, 2006

How will you be defined in the dictionary?


Andrew --

[adjective]:

Sexually stunning



'How will you be defined in the dictionary?' at QuizGalaxy.com


Hahahahaha... joke ka naman e.

Monday, March 27, 2006

Blogger na.. Multiply pa!

Hahaha.. New blog layout. Or should I say, former blogskin na inedit edit lang ang colors, sizes ng tables at background. Hahaha..

Pero oi! pinagpuyatan ko rin yung background! Ang hirap kayang pagpilian, magopen, magresize, magfree transorm at magblending options ng 70 pics!! Xp

Iba pala talaga kung ikaw ung gumawa.. or atleast maghirap ka sa pamimirata sa blogskins para magawa yung balat ng blog mo.. Hahaha.. Iba yung fulfilment.. *wenkwenk*

Haayyy... isa lang ang ibig sabihin nito.. sobrang bored na ko at nakagawa ako ng ganitong bagay. *sigh* Oh no... March pa lang... Tagal pa!!!!! waaaaaa!!!!

(eto na naman.. ieend ko na naman ang aking post sa upcat) Pero malapit na yung UPCAT!!! Ayoko pa!! (pansinin ang number of exclamation points mula sa previous paragraph... 5.. 4.. 3.. 2..) ! (1..)

Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?

Sunday, March 26, 2006

Spicy Squid Sisig.

It's over. Na-clear na ko nung Thursday. It means official na ang aking bakasyon! yaaaaaaaaaho! (oo. yaho yan.) Pero... ang init. di na nakakatuwa. e march pa lang ngayon.. pano na kaya kung april? o may? haayyyy...

At kasabay ng mainit na panahon... ang aking mainit na ulo. Ewan ko ba.. lahat na lang ng bagay inaaway ko na. Eee... kasi naman e..

Nung Friday.. pumasok pa rin ako. Hoping na makakapag-auditions for the upcoming musical play ng Acts. ANG TESTIGO. *dundundun* At mabigay na rin kay Pito ung prom pic ko for Ma'am Hipol. Pero... Halos walang katao-tao sa pisay. di ko nakita si Ivan. Di ako nakapag-auditions.

Sir Mike: Kain tayo sa labas.

Pito/Sir Mike: Ihaw1!

Ma'am Annelle: Libre mo? Go go go! Teka.. bili lang ako ng pakwan.

Ako: Huh? ok lang... -_- (experience to!)

Note: ang mga linyang inyong nabasa ay hindi accurate. gawa-gawa lang pero parang ganun na rin.

E di kumain kaming apat sa ihaw1 sa may philcoa. Si Ma'am Annelle ay bumili muna ng ice craze sa jaliboy. Si Pito at Sir Mike ay umorder na ng Spicy Squid Sisig (SSS). Naman.. the pressure. Wala akong idea sa mga binibili dun kaya go go go. SSS na rin. Tapos may isang parang... umm.. vase.. basta.. tapos may iced tea. tapos kaming tatlo, dun umiinom. Saya. :D

Ngayon.. Sori po Sir Mike kung di ko nasaid ung SSS... Sori po talaga.. Nahihiya na ko... E puro sili at sibuyas na lang un e... Pero kahit na.. Sori po talaga. (yak parang nababasa to ni sir..) >_<

Tapos kay Pito.. Sori din! Tinawagan ako bigla ng nanay ko. Mainit din ang ulo.. (may pinagmanahan talaga ako..) Alam niyang cleared na ko. Umuwi na raw ako. Marami raw gagawin. Ganun naman lagi pag darating ang aking ama. Magpapaalam na sana ko.. Wala ka sa hell room. tutulungan pa dapat kita dun sa year end report db? Sori talaga.. >_<

Haayyy.. ayun. Narelease ko na ang kabigatan sa aking damdamin... nyak. Xp Darating tatay ko. Actually mamaya na. Mamayang 1:30 pm. Moving on..

So, it has been decided.. LSC.. april 3-29.. 8-12 pm.. sa may katips.. Kasama sina pito at jaki at iba pang tao na magrereview rin sa mga araw na yun na hindi ko pa alam kung sino.. Tapos lcdc sa may 7-13. Tapos isa pang camp. Tapos enrolment. Tapos senior na ko! nyaaaaaa!!!

Bilis no? yup. Malapit na pala. And up to now, di ko alam kung anong second choice course ko sa second choice campus! Naplano ko na.. Yun na lang talaga e.

I. UP Diliman

MBB

Bio

II. UP Los Banos

Bio

?????

Haayyy.. bakit kailangan laging matapos ang post ko with UPCAT??? ano ba?!!

Thursday, March 23, 2006

More Than The Ritual.

karz: drew... tampo ako.....
drew: o.. bakit ka tampo?

Yun pala.. kasi puro sodium daw ang posts ko. kaya eto na.. *teden* eto na ang aking OPAL POST *echo*

8:00 ang meeting time sa pisay. Nagising ako ng 5:30 nang umaga. Umalis ng 7:10. At dahil 7:10 ako umalis.. traffic. Dumating ako 8:40. Suot ko ay maong na shorts at t-shirt. Ibibigay ko pa dapat ung clearance sheet ko kay pito.. Kaso ayaw akong papasukin ni kuya guard. Nakita ko na sila. Sumakay na sila sa sasakyan. Sinundo na nila ako sa gate. Hindi ko nabigay clearance ko.

Opal.. "Ang saya pa rin talaga."-krishna. Oo nga. Ang saya saya saya saya saya. At according to class number.. Bercero. Bernabe. Caparoso. Cruz. Depedro. Lavin. Sumagang. Sumaya. Tamayo. Torres. Andan. Astronomo. Borjal. Chan. Eugenio. Lacap. Matibag. Morante. Ma'am Gumihid at si.. ehem ehem. Hahaha.. Di pa rin kumpleto pero masaya! Pagdating dun.. labas ang baraha! pati na ung uno! hahahaha.. di talaga mapigilan. Tapos lumangoy. Kumain. Lumangoy pa. Sige lang. Langoy! Tapos nag-agawan ng bola. Tapos bahay ni lara. Kanta kanta. Inom ng juice. 123 pass na may truth or truth. Tinanong nga ko. Di pa ako sumasagot. Tumuloy lang bigla yung laro.. Aliw. Tapos langoy ulet! Hanggang gabi na yun. Tapos laro ng mga kung anu-ano. agawan base. dragon tail. (insert name here) in the middle. at ang walang kamatayang ferris wheel. Pero may variations ung ferris wheel a.. (1)ung traditional. (2)nakahiga lahat. (3)nakahiga lahat pero compressed. (4)compressed at nakadapa. Hahahaha... Tapos may bago! ANG RITUAL! *dundundun*

"It's a different kind of experience!"

"Pwedeng umulit?"

"Masaya!"

"Masarap!"

"Naaarouse ako!"

Hahahaha.. kung pano ginagawa? sikreto na namin yun. Tapos sa bahay na nina Jovi.. Nagpc. Nagsampay. Nanood na ng dvd. Nag-uno habang nagchichismisan. Tapos nagsiksikan sa tapat ng tv at natulog. Anong oras nga ba un? 3? basta. mga ganun. Tapos gising. Ligo. Kain. Nood ulit ng isa pang dvd. Tapos Pisay na.. aawww...

Pagdating ko sa bahay.. natulog ako. Mga 4:15 yun. Tapos nagising ako ng 11:20. Saya. Kaya ngayon di ako makatulog. Naisipan kong magpost. E di nagpost ako. Ito yun. Ito na ung post. Post. Post. post. Hahahaha.. bangag.

Anyway.. salamat sa pamilya ni Jovi! ang sarap ng pagkain! sa sambahayan ni Lara! At sa mga nakatira sa FilinvestII! Sa pagtiis sa ingay ng opal. Hahahaha...

pssst. Baguio raw o.. go!

Saturday, March 18, 2006

I Love You Na

Summer na.

Ang init! *pssssss*

Onga. Bakasyon na pala. Haayyy... (Senti mode:ON)

Isang taon din pala yun no.. Ang bilis.. Ang bilis bilis bilis bilis bilis... Baket?!!?! Bakit kailangang ganun kabilis??? Hindeeeeeeee!!!! *uulan* *iiyak* *hahabulin ung bus* *tapos madadapa* huh?

Anyway.. Masaya ako sa third year. Bitin nga e. *sigh* Sodium... Grabe ang Sodium... Naalala ko tuloy.. Nung enrolment. Tanghali ako dumating. Naglulunch yung registrar's office. Sumama muna ako kay Pito. Kasama niya ang isang medyo malaking lalaki na hindi ko pa kilala. Nag-usap sila tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ako masyadong makarelate.. Dun kami sa mga tables sa front lob. Sodium daw si Pito. Sodium din daw ung big guy. Hindi ko pa alam yung section ko. Turned out.. Sodium din ako. At si big guy? Si Dom. Maya-maya.. nakilala ko na ang mga Sodium dahil dun sa message na umulit-ulit ng sanlibong beses sa pisay07.. At di ko akalain na ganun ko mamahalin yung section na yun. *naks* Pero seryoso.. Hindi ko ipagpapalit ang Sodium.. There's something with Sodium that you won't trade for anything. Basta. iba talaga.

Ang dami rin palang nangyari this school year no? Eto na naman e.. iisa-isahin ko pa ba? Wag na.. Dami e.. Isang bagsakan na lang. Hmmm... re-orientation. "field trip." humanities week. di-kumben. intrams. family day. cheering. retreat. ramayana. paskorito. ymsat. jrev. achievement test? prom. asia week/day/hours/moments/glance/memories of asia. str. last perio. clearance... haayyy... *teardrop* Malamang kulang pa yang mga yan.. Andami talaga e..

Weh?!?!! Tapos na third year?!?!!? Fourth year na!!!! Mommy!!!! Ayoko pa!!!!! Isa pa yun! Natatakot na ko sa UPCAT. Salamat kasi sa nagkwento sa kin kung pano gumagana ang sistemang un. First choice campus. first at second choice course. Second choice campus. first at second choice course. Pag naubusan.. lagot. Ayoko na!!!! Last year na sa Pisay... Ayoko pa talaga!!!!!

Kasiiiii......

Sunday, March 05, 2006

Sobrang lapit na!!!!

This week..

Last perio na ng third year lyp ko!!! woohoo!!!

Ano ba.. punta na kong dorm. saka na lang yung matinong post. babay.