"ilang ahit pa ba ang aahitin? o giliw ko... "
-kitchie..
mabuhay ka kitchie! nakakaaliw ka!! bwahahaha!!!
hmm.. nagvveet kaya si kitchie? hahahaha... okay.. balik tayo sa katinuan.. ayun.. so nakabili na ko nung cd.. bumili rin ako ng rechargeable battery..at nakabili rin ako ng pang-exchange gift ko sa aking pamilya..
yun ang dahilan kung bakit parang di na matutuloy ung task 4 ko sa aking task list.. siguro sobrang close friends na lang.. haayy.. tatlong taon ko nang pinaplano yung pagbibigay ng regalo sa lahat ng kaklase.. pero di talaga matuloy-tuloy. dahil na rin sa parehong rason. nauubos ang pera ko!!! pero definitely next year.. hindi pwedeng hinde! priority ko un! wahahaha!!!
tapos bigla na lang pumasok sa isip ko yung goal na kailangan before mag end ang 2006 meron akong isang matatawag na sariling iPod... kahit anong iPod basta hindi shuffle! ewan ko ba.. bigla ko na lang nagustuhan ang iPod.. sisihin lahat kay Joy Astronomo.. haayy.. BI! jok. :p ewan ko nga lang kung pano ako magkakapera ng ganung kalaki! ayaw ng tatay ko. di pwede nanay ko. kaya walang choice kundi mag-ipon.. haayy.. buhay.
tapos may math pa!!! math math math!!! lahat na lang ng stats sa ym may kaugnayan sa math project!!! ayoko pa e!! pero kailangan!! bukas nga aalis kami dahil may overnight party yung F/Paner family.. saka ko na ikekwento kung bakit Paner at Faner.. complicated e...:D dyan muna! matutulog na ko! yeah!
No comments:
Post a Comment