Tuesday, December 27, 2005

touch flicks, tanay, antarctica at si melanie marquez..

hahaha.. nanaginip ako kagabi.. at ang wirdo ng panaginip ko!

may apat na parts un..
basahin yung nasa title

Part I. Touch flicks.

Nagpeperio ang lahat ng tao sa third floor ng shb nang biglang may nagsalita sa PA system.. "Congrats to Sodium, (isa pang 3rd year section) at (dalawa pang 4th year section).. Pumasok kayo sa touch flicks finals!!!" huh? may finals ang touch flicks? basta.. Nagsend ata si pito sa touch flicks ng isang hair story tapos sabi nya sodium.. Ayun, so pumasok kami sa finals at ipepresent namin yun sa public. Tapos sabi sa kin ako raw yung lalaking hahawak ng buhok.. Biglang dumugo yung ilong ko... ha? basta. Tapos kinausap ko si luigi, si jaky at si justin at hindi ko maalala kung ano yung sinabi ko. Tapos nagpapractice na kami the day before the presentation nang biglang... NAWAWALA YUNG SCRIPT! e isa lang yung copy ng script.. oh no.. nasan na??? Yun pala.. Nahalo ni pito yung script sa lugaw na kinain namin. wah? Kaya namroblema ang lahat sabay dating ng isang 06 na nagtatanong kung ano ang ipepresent namin.. Originally, yung sa amin ay isang love story sa greece noong bible times.. Yung sa 06 naman story ni moses.. huh? anlabo talaga. Tapos dumating si ma'am bernal.. Sabi niya kung sa start daw may mamamatay, dapat nakaspotlight tapos pinapakita nya yung suffering nya. Nag-end up yung panaginip ko sa.. hindi ko rin alam. nagising ako e... yey. part 1.

Part II. Tanay.

hahaha.. Isa pa tong malabo. Basta.. Meron daw reunion ang opal sa Tanay, Rizal. Tapos magcocommute lang ako. Di ko alam kung pano. Kaya pagdating ko sa Pasig Palengke, nagload ako ng 30 pesos. Tapos sumakay ako ng jeep. Akala ko tanay, yun pala Taytay. Habang bumabyahe, napansin kong Taytay pala yung nasakyan ko. Kaya bumaba ako sa may Cainta. Tapos nakita ko sina Redg at yung ibang Rosal. huh? anong ginagawa nila dun? Ewan. Nagtanong-tanong ako.. Tapos nagising ako. ...

Part III. Antarctica.

Wala lang to. Naglalakad daw ako sa Antarctica kasama ang isang encantado. Tapos pumasok kami sa isang igloo. May isa pang encantado dun. Nag-usap sila. The end.

Part IV. Melanie Marquez.

Nakulong daw si Melanie Marquez. Ewan ko. Nandun din ako sa kulungan pero hindi ako preso. Hindi rin ako pulis. Baka isa kong.. wala lang.. Tapos tinotorture daw si Melanie. Pinagpapalo. Pinagsasampal. Nirape. Hahaha.. baka isipin nyo ang manyak ko para panoorin yung rape.. Don't worry.. Hindi ko naman pinanood e.. Hahaha.. (pumikit daw..) Pero yung huling torture.. Nandun siya sa isang capsule. Tapos nirape yung papa niya.. huh? ng mga pulis? Tapos hindi naman siya makalabas. Sigaw siya ng sigaw. Tapos nagising na talaga ko. Tapos binuksan ko yung pc. Tapos pumunta ako sa blogger.com. Tapos tinype ko na...

hahahaha.. wala lang.

Sunday, December 25, 2005

merry CHRISTmas!

Calendar. Rubbershoes. Earphones. Slippers. Pens. A cd. A jacket and a shirt. 41 text greetings from friends. Some e-mail greetings. And a lot of offline messages in my YM. These are the gifts I have received (so far.. *wenkwenk*) this Christmas. Masaya na ba ko? Hindi e..

Spaghetti. Barbecue. (yeah. parang children's party.) Kare-kare. Crispy Pata. (huwaw.. cholesterol..) Salad. Brownies. Food prepared for the "noche buena".. bakit walang pampaskong pagkain? i dunno. hahaha.. Anyway.. Masaya na kaya ako sa mga pagkaing to? Guess what. Hindi pa rin.

Fine.. Baka sabihin nyo masyado na kong patalo.. Paskong pasko e.. Sure. Masaya naman talaga e.. with the family.. eating a lot of food.. the presents.. (yeah. the presents.) family reunions.. the Christmas specials in almost every channel.. the unknown people and their sudden interruption with the doorbell and their "angelic" singing.. and later, the unknown people and their sudden interruption with the doorbell and their "NAMAMASKO PO!!!!!!".. di ba? masaya naman eh kahit papano.. naubos nga yung mga barya naming nasstock sa mga cabinet.. hahaha..

But still, I think and I feel that almost everybody on this planet doesn't really realize that the true meaning of Christmas is in the very word itself. And no, it's not mas.. it's not ristma.. or whatever... Guess what.. It's Christ. The true essence of Christmas is the ultimate sacrifice, the King, Jesus.. who was born on Christmas day.. and no one really knows when this was, do we? ... and later, die on the cross, to be alive again on the third day to save us from eternal suffering.. Christmas is not about giving gifts.. it's not about the noche buena.. and it's definitely not about winning the Paskorus finals.. (sodium: it's okay..Paskorus lang yan.) And i wanna quote some words nung nangangareer ng blog dyan.. haha.. si Pito Magno. (hope you won't mind. :p).. hahaha..

Sometimes we get too caught up and preoccupied with the celebration itself that we tend to forget what it is we're celebrating.

Kanino bang birthday 'to? Hindi naman atin, di ba?

Jesus was born in a manger. Some historians think that the nativity scene didn't actually take place in a barn-like structure, but most probably in something more like a small cave. Imagine getting born (or even in Mary's PoV, giving birth) in a damp, smelly place surrounded by animals. Come on, I bet the animals didn't really stare at Jesus like most belens portray it; they probably did their usual animal stuff, walking around, snorting and drooling all over the place. Did Jesus complain? Of course not, he was only a few seconds old. But here's the clincher: before His birth Christ knew that he was going to be born for one purpose: to die. He was born to die for you. To take your place. Did He complain?



haha.. galing talaga.. nakakabless. yun lang muna.

merry CHRISTmas! yeah. God bless!

Friday, December 23, 2005

December Birthdays

waaaa!!! december birthday celebrants sa 'king phone... some of them nabati ko.. yung iba hindi ko nabati.. yung iba naman hindi pa nagbbday... kaya, babatiin ko ulit/pa lang/na yung mga taong yun sa entry na to.

jess at emil (iscf) - 01

anjo (iscf) - 04

rob (pisay) - 05

mico (iscf) - 06

robert at erika (pisay) - 08

kevin (pisay) - 09

mari (pisay) - 12

ben (pisay) at jacob (iscf) - 13

redg (pisay) - 21

warner at sir mardan (pisay) - 22

samuel (sibol) - 24

ma'am hipol (pisay) - 25

mervin (pisay) - 27

louie (pisay) - 30

yun lang.. Xp

Wednesday, December 21, 2005

Ultraelectromagnetic Jam

waaaahhh!!! sa wakas!! nakabili na ko ng ultraelectromagnetic jam 88.3!!! wahahaha... ang astig grabeh! astig astig astig!!

"ilang ahit pa ba ang aahitin? o giliw ko... "
-kitchie..

mabuhay ka kitchie! nakakaaliw ka!! bwahahaha!!!

hmm.. nagvveet kaya si kitchie? hahahaha... okay.. balik tayo sa katinuan.. ayun.. so nakabili na ko nung cd.. bumili rin ako ng rechargeable battery..at nakabili rin ako ng pang-exchange gift ko sa aking pamilya..

yun ang dahilan kung bakit parang di na matutuloy ung task 4 ko sa aking task list.. siguro sobrang close friends na lang.. haayy.. tatlong taon ko nang pinaplano yung pagbibigay ng regalo sa lahat ng kaklase.. pero di talaga matuloy-tuloy. dahil na rin sa parehong rason. nauubos ang pera ko!!! pero definitely next year.. hindi pwedeng hinde! priority ko un! wahahaha!!!

tapos bigla na lang pumasok sa isip ko yung goal na kailangan before mag end ang 2006 meron akong isang matatawag na sariling iPod... kahit anong iPod basta hindi shuffle! ewan ko ba.. bigla ko na lang nagustuhan ang iPod.. sisihin lahat kay Joy Astronomo.. haayy.. BI! jok. :p ewan ko nga lang kung pano ako magkakapera ng ganung kalaki! ayaw ng tatay ko. di pwede nanay ko. kaya walang choice kundi mag-ipon.. haayy.. buhay.

tapos may math pa!!! math math math!!! lahat na lang ng stats sa ym may kaugnayan sa math project!!! ayoko pa e!! pero kailangan!! bukas nga aalis kami dahil may overnight party yung F/Paner family.. saka ko na ikekwento kung bakit Paner at Faner.. complicated e...:D dyan muna! matutulog na ko! yeah!

Paskoritooooooo! sa pisay. whooo!

dumating tatay ko from abroad.. ewan ko ba kung ano dapat reaction ko.. eto na lang. yey..? basta. long story. saka na lang. ewan ko talaga.

haayy.. buhay. anong klaseng bakasyon to.. walang ginagawa.. pero ang dami-daming dapat gawin.. paskong pasko ba naman e may math project.. may str portfolio.. may physics written report.. tapos ang dami pang inaalala tulad na lang ng... *ehem* prom... haayy..

pero sa kabila ng lahat.. nagawa ko na ung tasks 1,2,3 at 5 dun sa task list ko! yeah! tapos bukas magsisimula na kong kumilos para sa mga acad stuff.. yeah go andrew! hahaha.. haaayyy..

ang dami daming problema..

ang dami daming inaalala...

kaya ang kantang ito ang biglang pumasok sa utak ko..


PASKORITO

pisay people

pasko'y naritong muli

nasa ihip na ng hangin

sa maliligayang mga ngiti

sa masayang mga awitin

ngunit di ko pa dama

pasko'y narito na..

pagkat physics ko ay singko na

str ay lagpak pa

hiling sa simbang gabi

ay maging promdate ko sya

ngunit sa dami ng gawain

mukhang wala na 'kong pag-asa

labrep ko'y di pa gawa

may econ longtest pa

kanina lang ako'y binasted nya

ang pasko'y paano na?

*ang pasko rito sa pisay

minsan palpak

minsan sablay

at nakalulumbay

ngunit sa lahat ng pagsubok

hinahanap.. pasko rito...

ang pasko rito sa pisay

isang saglit na lumilipas sa ating buhay

kaya't problema mo'y limutin na

makisaya.. makikanta..

pasko rito.. sa pisay!

halina't ating balikan

ang paskong kinagisnan

ang tradisyon ng paskorus

kris kringle at kainan

kahit perio ko na

at kailangang magcram pa

halina't ating ipagdiwang

ang pasko nang sama-sama


*bow*

Sunday, December 18, 2005

Task List!

ipagpalagay na lang muna natin na kasisimula lang ng bakasyon...

sa wakas! bakasyon na! yeah.. at ito ang aking goals bago matapos ang bakasyon..

> punuin ang isang multiply account

> isang matinong blog

> isang malinis at maayos na cabinet

> **CHRISTmas gift sa sodium - rosal - opal - torres

> mapagplanuhan na ang acts bulletin board! yeah!

> matapos ang math project

> str portfolio (oo revee at mich kailangan pa rin nating magsubmit...)

** marami pang pwedeng magbago.. ;p


ayan. ang aking task list.. (yeah str!) sana matapos lahat bago magpasukan sa jan..? kailan nga ba? may nakakaalam ba? ung sigurado?

Ang Aking Ikawalong.. uhm.. Blog.

ok. so finally.. it's time. nakakatamad magtype e.. pero ayan.. hahaha.. ang una kong matinong post sa una kong medyo matinong blog! yeah.

sa wakas. tapos na ang blog na kay tagal tagal kong hinintay.. (hinintay?) basta. nakakapagod pala.. kahit blogskins.. oi tatlong oras din akong namili ng balat a! ayun. so.. first post naman.. wala pang kwenta.. enjoy na lang kayo sa mga susunod na mga kabaliwang mapapaskil sa blog na to..

salamat sa pagbisita. :D