Sunday, November 04, 2007

I'm on SMS

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga taong tinamad nang mag-update ng blog sa blogger dahil meron silang nakita sa multiply na nagsabi sa kanilang "'wag na kayong bumalik diyan." Dahil ngayon, naaadik na ako sa pag-update ng multiply ko at parang ayoko na dito. ahahaha.. Jooooke. Siyempre, hindi ko naman buburahin ang site kong ito dahil mahal na mahal ko ang pinaghirapan kong background. :)) At mga posts na rin. :P

Isipin mo na lang, nasa ym ka. At ang stats ng kakausap mo sana ay "I'm on SMS." Pag nakikita mo 'yun, di mo naman na pinapansin 'yung tao 'di ba? :)) Ganun din siguro. Aalis muna ako pansamantala. At pag sawang-sawa na ko sa kakapost at kakatingin sa brown kong mulitply, babalik ako siguro[?] sa orig na orig na http://pinoytsapsuy.blogspot.com/..

sige na..
3.. 2.. 1..
BUZZ!!

Wednesday, October 24, 2007

Di ko na alam..

Why do you call me, 'Lord, Lord,' and do not do what I say?
Luke 6:46

Monday, July 23, 2007

Ang title kung saan ay nandun na ang lahat ng kailangan mong malaman.. Pisay.

oo. July 23 ko naisipang magpost. pero apparently, uhm.. hahaha... :P

at dahil di ko na rin maalala ang sasabihin ko, ganto na lang..

woohooo!!! ang galing galing ng Pisay movie!! nakakatawa! nakakaiyak! nakakaalab ng damdamin! yeh! Pisay spirit! hahaha.. walang kwentang post po ito. para lang talaga matanggal yung title sa drafts. bumalik ka na lang sa mga July/August posts ng mga tao kung interested ka talagang malaman yung details. xD

Congrats pa rin kina Shayne at sa lahat ng mga tumulong sa movie! kahit di ka pa nacredit, ok lang yun. May karamay ka. ;)

Hmmm.. habang ginagawa ko to (today is 20 October 2007 9:56am), nagsearch ako ng pisay sa google. And I ended up reading this page. Luma na yung topic pero interesting pa ring basahin kasi ang haba ng discussion sa mga comments plus may mga sumisingit na moms asking kung pano makakapasa yung anak nila or kung itutuloy nila yung 2nd screening. Wala lang. Nakakagulat lang na may mga nanay na nagbabasa ng mga comments sa blog. Pasensya na, di kasi ganun yung mom ko. hahaha.. :P At isa pa, nagcomment si Ivan. lol.. Anyway, sharing lang.

Friday, July 06, 2007

Mahiyain. :))

Hahaha.. ang tagal na pala ng last post ko. Di ko naman napansin. Pero malamang, yun ay dahil sa aking hectic schedule. Oo. Hectic talaga. Grabe di ko na alam kung saan ko isisingit ang pagbblog dahil sobrang busy ako with homeworks at mga pag-aaral para sa quiz.. Alam mo na.. schoolwork.

Syempre kalokohan yun. Tinamad lang talaga ako. hahaha..

Speaking of schoolwork [di na to joke], ang dami nila ngayong weekend. May mga reaction papers pa.. Anu ba yun. Push on na nga lang gagawan pa ng reaction paper tapos dapat nakastaple yung ticket na may punit at pirma ng pep sa likod. -_- Tapos yung isa naman ano raw yung meaning o significance ng pagiging ending ng pagkikita ni Priam at Akhilleus ng Iliad.. Ano nga ba? -_- Isingit mo pa yung mga readings at reporting ng Ramayana at mga Math homework..

Puro angal yung post ko. Para tuloy akong high school. Hahaha.. Pero sang-ayon ako sa sinabi ni Rayray na dapat intermediate pad ang gamit sabihin pang panghayskul yun. Kasi mas masaya yun kasi mas maliit. At para pag nagkamali ka, magagamitan mo ng correction liquid kasi puti rin yung papel unlike yung yellow pad na useless gamitan ng correction kasi duh.. dilaw.

Pero feel na feel ko rin naman ang pagiging college ko pag nasa Pisay ako. kamon. Kinukuya ng lahat. Parang ang saya-saya kasi alumni ka na. Pero pag nasa UP, wala lang. Isa akong tahimik na freshman na nakaupo sa isang sulok at walang katabi. Joke. Syempre may katabi ako (at di ko iniimik hahaha). :P Parang bumalik ako sa pagiging Opal ko na di umiimik at suplado kunwari. Hahaha.. Sa Rosal naman kasi ako nagsimulang mag-ingay eh.. Ganun talaga siguro ang Tsapsuy pag first year. Ewan ko ba dun. Ayaw magpakatotoo. -_-

Kaya kung ikaw ay aking "blockmate"(M-5) o kahit classmate na di naman blockmate sa Kas1, Eng12, Lingg1, Math17, Geol11 at isama mo pa ang Modern Jazz na sobrang nakakainis.. ngayon alam mo na. Kausapin mo naman si Andrew.. Gusto ka niya ring maging kaibigan. Pero nahihiya lang siya. Hahaha.. Pag ginawa mo yun, magiging friend ka niya sa YM, sa friendster at magiging contact ka pa niya sa multiply. Gusto mo ilink ka pa dito eh. Hahaha..

Haaayyy buhay.

Onga pala. Happy Birthday Jao.

Saturday, June 16, 2007

Hala?

First week pa lang. Pero pakiramdam ko magtethesis na ako next week. Sobrang nakakapagod. Sabihin mo pang may three-hour break ako every Monday at Thursday, na may break ako every class sa kahit anong araw.. wala rin. Pagod pa rin. >.<

Lakad ng isang kalahating kilometro.

Sakay ng tricycle hanggang sa Mercedes Ave.

Sakay ng jeep na papuntang Ever para bumaba sa Tramo.

Sakay ng jeep na papuntang Marikina Palengke para bumaba sa Ligaya.

Tawid sa kabila ng Marcos Hi-way.

Sakay ng jeep na papuntang Cubao para bumaba sa Katipunan Ave./Petron.

Sakay ng jeep na UP Campus at bumaba sa Shuster St.

Lakad nang kaunti papuntang Palma Hall(AS) para sa Lingg1 o NIGS para sa Geol11.

Umaalis ako nang 6:15 sa bahay kahit 8:30 ang klase ko. Para di ma-late. Hehehe.. Yan lang naman ang ruta ko araw-araw maliban na lang kung Miyerkules dahil malamang wala akong klase. Nakakapagod. Nakakaubos ng pera. Nakakaasar.

Naaasar ako kasi di ako sanay ng nagcocommute araw-araw. Di ako sanay na nakikipag-unahan sa jeep kahit na nasa gitna ito ng kalye para lang makasakay. Bat ba ang daming tao sa mundo? Nakakaasar kasi di na ako sanay na sa bahay kumakain ng almusal at hapunan kasi elem pa ako nung ginagawa ko yun. Di ako sanay na nag-aaral nang mag-isa. Nakakatulog lang ako. Di katulad dati sa dorm na ang saya-saya mag-aral dahil may mga kasabay kang nag-aaral/nagccram at pareho kayo ng pinag-aaralan/cinacram. Namimiss ko na talaga ang dorm at ang mga tao sa loob nun (e.g. Corre, Norada?!?!!). Hahaha..

Tapos naiinis din ako kasi wala akong magawa sa mga tatlong oras kong walang klase kundi maglakad, tumambay sa sunken at umasa na may makakasalubong akong kilala ko (at effective siya ah.. hahaha..). At para saan ang mga blocks kung di mo rin kaklase yung ibang mong kablock sa supposedly block subjects mo? Hahaha.. At dahil mayabang ako parang si J*o (lol), wala pa akong bagong kaibigan hanggang ngayon..

Pero maiba naman tayo. Yung light side naman. Puro galit at poot na yung nasabi ko eh. hahaha.. Masaya din naman ung ibang subjects (sana nga masaya ang Eng12 at Kas1). Masaya ring may makakasalubong kang Bagani maya't maya. Masaya akong kalbo at di ko na kailangang mag-ayos ng buhok. At mag-eesbi fellowship ako sa Friday! yeh. kamon.

Pero parang mas gusto kong gumraduate kesa magstay sa UP.. Not the same effect na ininstill sa kin ng Pisay na ayokong gumraduate muna kasi masaya dun. hahaha Pero malamang naman (at sana lang) magbabago yun. Pero graduate man o stay muna, gusto ko pa ring magdissect ng pusa!

Ang bano ko magkwento hahaha..

Saturday, June 02, 2007

Pagang Paa

Mamaga man ang mga paa ko..

Sumakit man ang buong katawan ko..

Kahit magkaroon pa ako ng 0.8inch Na hiwa sa aking left bicep region [kung meron nga akong bicep hahaha..]..

Ok lang. Kasi Naman.. Ilang taon Na ba tayong hindi Nagkasama? joke. hahaha.. Basta. Matagal. Kaya kahit hindi Natuloy yung Matuod at ang konti ng Nagawa Natin as usual, sobrang saya pa rin.

Kahit yung mga hintay-hintay sa MGA mcdo.. yung mga oras Na Naliligaw tayo at di Na Natin alam kung anong sasakyan.. yung mga tambay-tambay at stroll-stroll Natin dahil pare-pareho tayong walang pera.. yung mga pagpapautang at pangungutang ng pamasahe sa jeep at LRT at ng ice skating [salamat ah. hahaha..].. woohh ang saya.

Salamat sa isang araw Na Nakakapagod. at masaya. Di ko kayo malilimutan. hahaha.. Nagdrama. >.<





Monday, May 28, 2007

Nakakamiss...

Hindi ako makatulog kagabi.. alam mo kung bakit? Kasi nung matutulog na ako, biglang pumasok sa isip ko...

Tae. Nasan na yung labgown ko???

Naghanap ako nang naghanap... sa cabinet ko.. sa cabinet ng mga kuya ko.. sa attic.. sa bundok ng mga di pa plantsadong damit.. Wala. Hindi ko nakita.

Apat na taon kong kasama yung labgown na yun. Sa lahat ng activities ng IS.. sa mga Bio labwork at dissection ng hito.. sa mga Chem at EnSci experiments at sa tatlong oras na practical exam kakahanap ng tamang cation at anion.. sa LabTech na halos araw-araw kong suot.. Kupas. Nisnis. At walang pangalan. Yan ang labgown kong kasama ko sa mga masasaya't nakakatakot at minsa'y nakaka-amaze na mga araw ko sa Pisay..

Hoy ikaw. kung hiniram mo pala yung labgown ko at di mo pa binabalik.. ibigay mo na sa kin please.. namimiss ko na siya. may balak pa kong gamitin siya sa college no..

o namimiss ko lang talaga ang pisay.. ahuhuhu.. T.T grabe..

Monday, May 21, 2007

Mag-asawa sa loob ng LRT

Dahil nakasakay na ako sa LRT, nawawalan na ko ng ganang sumakay pa sa MRT. Walang-wala eh! Sobrang maintained ng LRT. Malinis. Malawak yung tren. Malamig. Tahimik ang takbo. Mas hi-tech tingnan. May mga nakakaaliw na vending machine ng mga tickets. Mas kaunti naman di hamak yung mga tao dun. Yung mga hawakan nilang nakasabit, nakascrew. Kaya pag biglang pumreno ang tren, nakatayo ka pa rin kasi.. nakascrew nga. Tapos may countdown pa for the next train. San ka pa? Xp

Tapos yung mga guards dun, hindi yung tipong masungit na nagpapalayas ng mga taong nakapasok sa linya ng for ladies, children at elderly kasi gustong umupo dun sa bench na halos isang foot lang naman ang nilagpas (try niyo sa Ortigas. :p). Sana talaga magkapalit na ng tren ang EDSA at uhm.. Aurora Blvd ba lahat yun? ewan. Xp

Anyway, nung nakasakay na ako sa loob.. nakatayo lang ako.

*tayo*

*tayo*

*tayo*

Tapos biglang may nagsalita. Arriving at the Betty Go-Belmonte Station. Paparating na sa Betty Go-Belmonte Station. woah! Nagsasalita! Ang galing! XD

Pero ang mas magaling ay yung nakita kong sumakay. Yung guard na mabait ng LRT ay may akay-akay na mag-asawa. Tapos umupo sila. Woohooo!! Buti pa sila nakaupo. -_- Pero actually, ok lang sa kin. Kinikilig naman ako sa kanila eh. Hahaha.. Ayeeee!!!

Kinilig ako hindi dahil ang sweet nila pareho. Hindi dahil terno yung suot nila.. nakayellow na pantaas.. nakamaong.. tapos parehong may dalang bag. hahaha.. Hindi dahil nakaakbay si lalaki kay babae. Hindi dahil naglabas si babae ng pamaypay at pinaypayan niya si lalaki kasi nandun sila sa mainit na side. Hindi. Well.. Siguro kinilig ako partly dahil dyan sa mga yan. Pero kinilig kasi talaga ako dahil sa pareho silang bulag.

Uu. Pareho silang bulag. [di ko nga lang alam kung paano sila nagkapareho ng damit. pero ang point, terno sila. lol..] At nakakatuwang tingnan na may mga mag-asawang ganyan na magkasama silang dumanas sa ganung klaseng kahirapan.. na hindi sila tulad ng ibang mga artista ngayon na highlight ng showbiz central at ng the buzz na parehong nakakarindi by the way.. -_- Dahil lang ayaw ni babae sa intriga hiwalay na.. o kaya dahil sa kaunting differences hiwalay na rin.. nakakainis. But not this couple. nope. Ayaw nila ng ganun. Hahaha.. ang saya ko. XD

Thursday, May 17, 2007

Joke

Galing akong Pisay noon kasi ibabalik ko kay Ma'am Edulan yung susi ng bulletin board ng ACTS at ACTS na tinanggalan ng T at binaliktad, SCA. o SCA at SCA na binaliktad at nilagyan ng T between C at S, ACTS. hahaha.. para fair. XD Anyway, ayun. pauwi, sumakay ako ng MRT. Tapos..

Ako: Miss, isa pong Quezon Ave.

Babae: Ha?

Ako: (lumapit sa bilog na butas at mas malakas na boses) Quezon Ave po. Quezon Ave.

*2 seconds*

Ako: JOOOOOOOKE!!! Joke lang po. Isa pong Shaw.


Hahaha.. ang saya.

Monday, May 14, 2007

Bitin?

Ang Pilipinas ay minsang kinainggitan ng mga bansang nakapaligid dito dahil sa taglay nitong likas yaman at mamamayan. Ito lang naman ang tahanan ng mga taong nagbuwis ng buhay, nakipaglaban para sa kasarinlan at nagtagumpay. Mangyari ma'y magkaroon ng isang diktador, ang alab ng puso sa bawat Pilipino'y patuloy na nagliyab, sumigaw, lumaban at muli, nagwagi. Kaya't hindi na nakakagulat kung ang Pilipinas ay gawing inspirasyon para sa kaunlaran ng mga karatig bansa nito.

Ngunit ngayon.. Pilipinas. Isang bayang magiliw. Isang perlas sa dulong silangan. Ang minsa'y inspirasyon, ngayo'y isang alaala na nga lang ba?

Kahirapan. Kasalanan. Kadiliman. Wala na. Wala nang bukas. Wala nang pag-asa. Sabihin mo mang lumalakas ang piso sa dolyar, pakinggan mo naman ang daing ng mga taong palubog na ng palubog ang estado ng buhay. Di na ito bago sa yo. Malamang paglabas mo ng village mo, o kaya pag bumibiyahe ka papunta sa paaralan mo'y hindi pwedeng hindi ka makakita. Alam mo na ang tinutukoy ko.

Maaaring ito'y isang batang di mo malaman kung buhay pa't nakahilata sa hagdan ng MRT, nakakapit sa kanyang pinakamamahal at pinakaimportanteng gamit sa mundo. Hindi cellphone o laruan. Isang wasak na baso ng Waffle Time na siguro'y tinapon na ng isang mamimili sa Quezon Ave. Yun lang ang lalagyan niya ng baryang ihinulog ng isang aleng malamang ay lito rin kung may pulso pa nga ang bata.

Maaari naman itong isang pamilyang binabaklasan na ng kanilang minsa'y tinawag na tahanan. Ngayo'y di na nila alam kung saan na sila magsasalo-salo sa isang pakete ng pancit canton, o kaya'y kaning panis na sinabawan ng kape. Di na nila alam kung saan sila magkikita-kita pagkatapos nilang mag-iba-iba ng landas sa Pasig para magbenta ng basahan o ng sampaguita dahil ang kanilang bahay ay mga reta-retasong kahoy na lang.

[drama mode: OFF]

Wala? Mukha bang wala na talagang pag-asa? Di pwede. Bawal.

Naniniwala ako na hindi pa tapos ang lahat. Naniniwala akong ang Pilipinas ay isang God's work in progress. Naaalala mo ang mga Israelites nung nandun sila sa Egypt at silang lahat ay mga alila. Di naman bago ang kwentong ito. Moses. Pharaoh. ayun. Ganun din diba? Pero isa nga siyang proseso. Hindi naman naging malaya yung mga Israelitang yun nang ganun-ganun lang. Taon-taon din silang naghirap. At ngayon, naniniwala ako, sa perpektong timing ni God, ang ngayong kinakaawaang bansa nati'y muling mailalagay sa mapa at maididiscuss na rin ang Pilipinas sa SocSci2 ng mga taga-India o Japan. XD

Ang lahat ng ito'y hindi aksidente. Hindi aksidente na tayo'y isang kapuluan. Hindi aksidente na nasa kalagitnaan tayo ng mga bonggang bansa at mga isla at tayo'y hindi tinamaan ng tsunami na yan. Iniingatan tayo eh. Kasi ang Pilipinas ang magiging launching pad ng mga misyonaryong kakalat sa buong mundo. Ngayon pa nga lang nakakarinig na ko ng mga papuntang Africa eh. hehehe.. wenk. Hindi aksidente na Pilipinas ang pangalan ng bansa na to.. na ipinangalan kay Haring Philip ng Espanya.. na ipinangalan naman sa Philip na alagad ni Kristo.

Walang aksidente. Balang araw.. ang Pilipinas pa ang magpapakain ng mga nagugutom na bansa.. dahil sumosobra na tayo sa pagkain at baka mabulok lang ang stock natin dito. Balang araw.. may mag-aapply sa bahay namin na isang taga-ibang bansa para maging DH namin at maglalaba siya ng damit ko. XD Balang araw.. ang Pilipinas ang mangunguna sa pangangampanya ng isang malinis na eleksyon. Hahaha.. Mukha ba tong joke? Hindi ito joke.

Marami sigurong di maniniwala. Marami sigurong magbabasura ng post na to. Pero maniwala ka man o hindi, nasa henerasyon ka na magsisimula ng pagbabago, sa henerasyong gagamitin, sa henerasyong rebolusyonaryo. Di aksidente na Pilipinas lang ang opisyal na Kristyanong bansa sa Asya. Pag-isipan mo. Para saan pa nga ba?