Tuesday, October 28, 2008

Batuhan mo man ako ng eewww, titirahin lang kita ng blehh.

Nasa ikalawang taon ako ng high school nang matanggap ko ang pinaka-una kong tres. Math 3. Intermediate Algebra. Teacher ko ang sumalangit nawang si G. Alex Alix.

Sa mga hindi nakaka-alam, ang tres sa Pisay ay bagsak. Dalawang hakbang mula sa pagiging pasang-awa. Mahirap siyang lunukin. Obvious ba? Masakit sa damdamin dahil first quarter 'yun. Mapait sa panlasa 'yung katotohanang bagsak ka, 2 steps pa nga, at sila'y pasado, namamayagpag pa.

Pero ganoon talaga siguro ang buhay. Gulong ng palad ika nga. Minsan, ikaw ang nasa ilalim at ang pagmumukha mo ang siyang sumasalubong at nakakatikim ng tae, dura, putik, at bubblegum ng kakalsadahan. Minsan nama'y nasa taas, at naka-"beh!" ka na lang sa mga nasa ibaba. Siyempre, hindi ito nag-aapply sa ilang taong hindi bumabagsak, na kahit ano pa ang gawin nilang katamaran ay papasa pa rin sila, with flying colors pa. Seryoso, ang sarap nilang patayin.

Nakalulungkot mang isipin, ngunit hindi ako nabibilang sa ilang porsyentong 'yun, at naranasan kong magkaroon ng nakayayamot na tres.

Minsan ang "tadhana" ay nauubusan ng ideya sa kung anong gagawin niya sa buhay mo, at uulitin niya na lang ang nakaraan. Napabilang ako sa isang Math54 class ngayon sem. Inay ko po. Math na naman. At hindi lang siya basta-basta Math. Siya ay Elementary Analysis na math. Pero hindi pa natatapos diyan dahil siya ay part II! omg. hahaha

Kahit kailan talaga ay hindi ako naging magaling sa math. Nalinlang ko lang siguro si Ms. Conato noong grade 6 at ako ang sinali niya sa Math portion ng National Quiz Bee. Hanggang district lang ako. Kung anong score ko, hindi ko sasabihin. At sinusuggest ko rin sa kahit sinong Lourdesian (kung meron man) na makababasa nito na itikom na ang bibig. Siguro nga 'yun ang naging dahilan kung bakit ako laging nahuhuli sa Math. ehehehe.. hehe.. *kamot sa ulo* Marami rin akong exams sa geom na ang nasa proving ko lang ay ang Given. :)) Hanggang ngayon, sobrang bagal ko pa rin ako maglipat ng log sa isang exponential function. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets ang disk at cylindrical shell method. :)) Haayy buhay. Haayyy math.

Balik sa 54, ang bano ko sa finals. Kaya naman kinabahan ako nang husto sa kung anong kalalabasan ng pangit ko na ngang standing. *inhale exhale* Kaninang umaga ko lang nakita. Hindi ko maintindihan. Napatalon ako sa saya. Dahil kasabay ng 1.25 kong MuL9 at 1.50 kong Comm3 ay ang Math 54 kong three point zero.

I think I shall never see
A grade as lovely as a three,
A three that's earned by blood and sweat
When failing is a serious threat,
A three that I've asked God all day
Knowing that praying is the only way,
Exams are taken by fools like me
But only God can give a three.


Iyan ang nasa likod ng mga nakasuot ng shirt na 'yun. In fairness sa kanila, ang sarap pala talaga sa pakiramdam na makapasa sa totoong buhay. XD Ganito 'yun.

Kahapon ay gusto ko nang sumabog kasi INC ako sa cwts at wala pa rin 'yung math grade sa crs. Hindi ko alam kung kailan ang removals. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya habang hindi mapakali sa paghihintay, nagmuni-muni ako. May bahagi sa akin na nagsasabing kwatro ako at magreremovals ako at babagsak. May bahagi sa aking 2.50 o 2.75 daw ako. Pero hindi ko iniisip na tres ang makukuha ko... Kasi ayoko. Ang pangit naman talaga tingnan eh. Pangit sa records. Pangit na number. Pangit talaga. Nagpapakabagsaking grade conscious kumbaga.

Ngunit ngayon, ako ay naabsorb na ng UP community. :)) Hindi na ako mag-iinarte sa dos at 2.25 tulad ng iba dyan dahil naranasan ko na ang 3.0. Bwahahaha At naniniwala naman akong hindi patapon ang buhay ko, kahit may tres. dibadiba? ;) Amen.

Ngayong malaya na ako (sa math, at least), masaya na ang buhay (pag kumain nagkakamay. jooooke). At dahil natuto na ako (supposedly) sa dalawang math kong tinamaan ng ano, isinusumpa ko, huling tres na 'yan. :))

source ng tula: multiply ni Jao

Thursday, October 23, 2008

Incohirrent

Ayy.. wrong spelling.
START!



Minsan nasabi ko kay Kuya John (CS Chorale), "grabe ang igsi ng sembreak. Two weeks laaaaang.. D:"

Sabi niya naman, "nagsummer ka no?"



Ngayon ko lang na-realize na ang tanging pahinga ko (at karamihan sa inyo) lang ay ang kakapiranggot na sem break (na binawasan pa ng enrolment) at Christmas vacation (na malamang ay babawasan pa rin ng mga nagpapaka-major na subjects). Tapos ang lakas pa pala ng loob ko na magsummer ng Chem40 (biochem) ngayong subra-subra na ang ka-haggardan ko sa buhay + meron pa akong tapdance ng alas siete ng umaga ngayong second sem. Kasi naman crs eh.



Lima kasi ang inenlist kong PE. Skin diving. Scuba diving. Ten-pin bowling. Walking for fitness. Tapdance. Joke lang talaga 'yung tapdance. Siningit ko lang siya kasi kasya sa sked ko. Conflict sa isa't isa 'yung tatlong nauna. Si walking ay nasa hapon; si tapdance na least priority, sa umaga. Eh ganun talaga 'pag hindi nag-iisip. Ayan tuloy ang napala ko. 'Yung walang ka-conflict na joke lang dapat ang nakuha. Ang pangit, alas siete 'yun ng umaga. o_o Mas malala pa, kasunod niya ay Bio12. D: Ang maganda lang, kumpleto na subjects ko! :P Pero naniniwala akong hindi na ako ma-lelate kasi naniniwala akong sa susunod na sem ay may bahay na kaming malapit sa up.



Sa kasamaang palad, wala pa rin kaming nahahanap na bahay. Nag"hanap" kami minsan, ngunit ang naratnan lang namin ay mga apartment na pangmag-asawa at mga duplex na pang-isang barangay. Utang na loob, apat kami. Ako. Ben. Greggy. Mikael. Wala ba diyan na pang-apat? Kahit saan basta "Ma-" ang simula ng street name. O kaya sa may katips.. Kahit saan basta gusto namin. hahaha O tapos uuwi pa 'tong si Panget sa Leyte.



Gusto ko ring sumakay ng eroplanong mapapadpad sa isang lokal na paroroonan. Gusto kong makarinig ng Bisayang wika. Gusto kong maka-tikim ng itim na sinigang. Gusto kong masilayan ang Pilipinas na hindi Region IV o III. Gusto kong malibing sa beach. Gusto kong maghike at pagpawisan. Gusto kong matapilok sa kweba. Gusto kong magpadaloy sa rapids. Gusto kong magswing sa isang baging at magpahagis sa isang sapa na malinis. Parang awa niyo na alisin niyo ko sa Maynila para magamit ko naman 'tong camera ko!



Bumili ako ngayong linggo ng isang slr camera. 'Yung film. Nung kinausap ko nga si Ms. Naomi Quimpo ('yung may-ari dati, oo second hand) na nakita ko sa sulit.com, una niyang sinabi sa akin, "film 'to ah." Sabi ko naman, "oo nga. :D" Bakit hindi dslr? Kasi wala naman akong perang ganun kalaki. hahaha At parang mas rewarding kasi kapag hindi mo nakikita 'yung pictures pagkakuha mo tapos malalaman mo na lang na may nakuha kang matino. Hindi ako nagpapaka-plastik ah. Hahaha Magastos nga lang pero ok naman. Kesa naman sa beer at yosi. :P



Beer at yosi na parehong nasa Gerry's grille kung saan kami ay kumain para i-celebrate ang buhay ni Mich. Sarap ng food. Nag-iceskating din kami nang todo-todo at ngumiti at naghi sa mga fans hanggang sumakit ang aming mga paa at ma-misplace ang mga pelvic girdle. :P Belated happy birthday Greggy! Advanced happy birthday Mich! pero...



Happy birthday Shayne! muna!




Ang dami talagang may birthday ng October. Ang saya. Sobrang salungat sa nararamdaman ko nung Sabado. Dapat kasi, ang pinoproblema ko noong Sabado ay kung pupunta ako sa IFL para sa sisterhood, o sa retreat ng batch 2010 sa Angels' Hills. Pero hindi. Dahil ang pinoproblema ko ay ang Chem 26 finals! -____- Pagkatapos ng finals ko, ang lungkot-lungkot. Dark. Lonely. Wala akong makausap. Natulog lang ako buong araw kung kailan hindi ko naman kailangan ng tulog. Gusto kong makipaglaro. Gusto kong magcounselor. Pero wala akong nagawa. Acads talaga oh.



Ang pangit ng performance ko this sem. As in sooooobrang pangit. Ang pangit pangit pangit pangit. Bakit ganun? Haggard naman ako ah.. Bakit hindi narereflect sa grades 'yung effort ko??? Nakaka-asar!!! X( Aynako ayoko na magdwell sa hindi happy thoughts.



Henson, obviously hindi pa ito 'yung sampung happy thoughts (hahaha ang pilit). Pero kung may nakita kang happy, i-count mo na 'yun. hahaha

END.

Tuesday, October 14, 2008

Woooh!

Ok na.

Whattamoodswing. :))

Gulung-gulo na 'yung

Baguhin mo ko. Ayoko nang ganito. Sawang-sawa na ko. Araw-araw na lang. Linggu-linggo na lang.

Lagi na lang.

Bakit ba ako nagkaganito? Bakit ba siya nagkaganun?

Ano bang nangyari? Bakit kami nagkaganito?

Kung pwede ko lang siyang kalimutan, Lord. Kung pwede lang talaga..

Pagod na ko. Namamaga na naman ang mata ko. Paano na ko mag-aaral ng bio? Magffinals pa ba ko?

Pero hindi pa ako handang bumitaw. Nangako ako. Baka mamaya siya naman pala 'yung gusto nang lumayas. Ano pang silbi?

At nangako Ka rin 'di ba? Nangako Ka rin...

Ikaw naman ang bahala eh. Ikaw. Bathala.

Kahit sinungaling na siya. Kahit wala na siyang pakialam. 'Di naman kasi siya ganun dati eh. Martir na lang ako. Naniniwala pa rin ako Lord. Babaguhin mo kami. Hindi Ka pa tapos eh. As usual.



*telon*

O ayan.

OA? Over-Acting? Enough na ba 'yung pagka-OA? Bawas nang konti? Ikaw? 'Di ka OA? Tama ka lang? Sige na. Ikaw naman 'yung tama lagi eh. Siyempre mas magaling ang double quota. Kahit anong gawin ko OA pa rin ang lalabas. Innate na siguro sa akin.

Siyempre 'yung reply ng isa dyan, Whatever. Ang OA. Whatever Ang OA mo mukha mo. Akala mo kung sinong mabait na tao.



Tanggapin mo na nga lang daw kasi eh. Ano bang problema mo Andrew? Hahaha...