Humiwalay ako para bumili ng isang collared na shirt. Napapahilig ako sa shirt na may collar eh. Ewan ko kung bakit. Joke. Wala lang talaga kasi akong mga collared na damit. Kawawa naman ako. XD At kaya rin naman ako humiwalay ay dahil gusto ko ng kalayaan 'pag namimili ng damit. Lagi akong pinepressure ni Mama kapag kasama ko siyang mamili. Kadalasan, 'di niya gusto ang mga binibili ko. :)) Kaya ayun. Binigyan ako ng perang pambili ng isang pirasong damit. Bumili naman ako.
Humabol ako kina Papa kasi nasa mga sapatos pa rin sila. Gusto ko ring magpabili ng sapatos o ng tsinelas. Ang problema, kulang na sa oras. 3:30 na noon at kailangang bumalik nina Mae sa church dahil may kanta sila para sa 3rd service na 5:00 nagsisimula. Eh magggrocery pa. Kaya saka na lang siguro. Tapos naggrocery na kami.
Saglit lang kami naggrocery dahil nagmamadali na nga.
Pag dating namin sa bahay, kinuha ko agad 'yung binili kong damit. Sinuot at pinakita ko kay Mama. Sabi niya, "Ayos 'yan ah." Wala lang. Natuwa naman ako. Kahit minsan ay nagustuhan niya ang binili ko. (awww) Hinubad ko na't nilagay ko na sa labahan para malabhan na kaagad at para 'di na amoy "lumang stock". Nagbihis na ako ng pambahay. Naalala ko, 'di pa pala ako nagsisipilyo.
Pagkabihis, dumeretso ako sa banyo. Kinuha ko 'yung toothbrush kong bagung-bago pa, nilagyan ng toothpaste (anong tagalog ng toothpaste?), at nagsimulang magsipilyo.
Ang saya-saya ko pa noon. Habang nagsisipilyo ay naalala ko pa 'yung commercial na "pagkatapos ng agahan chikichikichiki, pagkakain sa tanghali chikichikichiki, chikichikichikichikichik all day..." Basta. 'Yung commercial ng Colgate na may mga sirenang nagsisipilyo ng mukha. :)) [Panoorin niyo na lang. 'Yung buong mukha niya talaga 'yung sinisipilyo niya] Ang saya. Bawat kuskos ng toothbrush sa mga ngipin ko ay may hatid na kapiranggot na ligaya sa aking araw.
Punung-puno pa ng bulang toothpaste ang bibig ko nang biglang nalaglag ang labatoryo.
"Ayy. Nalaglag."
Buti na lang nasalo ko 'yung lababo. Paano ko nasalo? Magaling ako eh. :P Bumuhos pa 'yung dinura kong tubig na may halong toothpaste (at laway) dun sa tubong bumigay na rin dahil sa bigat ng lababo. Oo. Kadiri. Kasi 'di na siya tulad ng dati na kulay puti. Dumaan lang sa tubo, naging brown na. Oo nga pala, 'yung toothbrush ng mga kuya ko shumoot sa basurahan. :))
Sumigaw ako ng saklolo. Joke. "Tulong" pala 'yung sinigaw ko. Sino pa ba'ng sisigaw ng "saklolo"? tss.. Humiyaw ako na may bula-bula pang nakasabit sa paligid ng bibig ko. Nagdala sila ng upuan para mapatungan namin ng labatoryong 'di pwedeng ilapag sa sahig dahil may tubo pa ring nakakonekta at 'di naman namin makalas dahil... mahirap siyang makalas. Nakita na lang namin na 'yung bakal pala na nakasuporta sa lababo ay kinalawang na, kaya bumigay.
Pagkapatong namin ng labatoryo sa upuan ay 'di pa rin ako tapos magsipilyo. Kaya nagtungo ako sa kusina at pinagpatuloy ang kailangang tapusin.
'Yun lang. :P
1 comment:
first year hayskul ako nang nalaglag din ang aming labatoryo. ako nakalaglag.:)) pagkatapos nun, sa butas kung saan dating nakakabit ung tubo, doon lumalabas ang mga ipis. hanggang ngayon wala kaming lababo sa banyo. ;) (siyempre may takip na ung butas. XD)
Post a Comment