It's been quite a while eh? Hindi na naman ako nag-update. Yeah haggard talaga ang summer classes. Araw-araw worksheet (well, at least tapos na 'yung part na 'yun) sa lab. Araw-araw two quizzes sa lec. I like it more this way though. One month lang and there's nothing to lose. :P Nagbeach na kami bago magclass. At ayoko rin namang mabulok sa bahay at nakatunganga sa tv. Naka-advance pa ako ng 5 units. Hehehe..
Took the second long exam sa lec last week. At grabeeee... Babagsak ata ako. >_< 'Di ko alam kung bakit. Nag-aral naman ako. Pero ang dami ko pa ring shinotgun (pero mabuti nga wala akong nilaser). Ang daming problems na wala sa choices 'yung sagot ko, tapos 'di ko na alam kung paano na isolve. T_T Buti na lang cancel the lowest test (finals included) pero sayang naman 'yung pagrereview ko. :)) Haayyyy...
Ok. So kaya lang naman ako nagpost ay dahil tinag ako ni Homer. :P
Instructions:
Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
SA. Mahilig ako sa kulay lupa. :)) I don't know why but recently, I tend to buy brown (and green and other "earth" colored) stuff. Kahapon nasa Megamall kami kasi nga last day na ng 3day sale. Tapos nung magbabayad na ako, napansin ko, brown pala lahat ng hawak ko. Hahaha
WA. Dahil sa Ru Guerra ng Gluon, naadik ako sa Pinikpikan. Hala. Download lang ng download. Dahil wala naman sila sa torrent at dahil wala naman akong makitang rapidshare nila at dahil wala rin akong pera pambili ng cds nila, nagtiyaga ako sa limewire! 3 albums 'yun mehn... At hanggang ngayon 'di ko pa rin kumpleto. Try ko ngang magsearch mamaya. At grabe 'di ko alam na Pinikpikan pala ang tutugtog sa Orosman at Zafira. Kaya naman tuwang-tuwa ako dahil part pa pala ng cast si Miss Carol Bello. ^__^ At ngayon gusto ko nang bumili ng rainmaker at 'yung nilalagay sa bibig tapos toing toing toing.. :))
LO. Gusto kong matuto ng maraming Filipino dialects. Ang saya kaya noon. You'll get to speak with other pinoys, o kaya naman pag nag-uusap 'yung mga kasambahay mo nang Bicolano, akala nila 'di mo sila naiintindihan pero marunong ka rin pala. Tapos malalaman mo na may balak silang magconspire sa inyo. Hahaha joke. Pero gusto ko talaga. I find knowing the roots of one word fun, especially sa Filipino. 'Di rin alam kung bakit. :P At para maintindihan ko na rin 'yung mga kanta ng Pinikpikan! yeah
PAT. Gusto kong maging doktor dahil ang daming pasyenteng nangangailangan. At dahil nauubos na ang mga magagaling na doktor ng Pinas dahil sila ay nasa abroad na, kung hindi man sila nagnursing. [interview na ba 'to? :))]
MA. Kilala na ako ni Manong sa Sizzler sa CASAA. Last two weeks kasi, dun ako palagi umoorder. First week, grilled beef teriyaki lang palagi, na triple rice, kung hindi man apat na kanin. Second week, 'yung grilled footlong na cheesedog naman. 2-4 rice. :D Kaya naman nakakakuha na ako ng discount sa kanila. Hahaha
NIM. I should've been named Emmanuel. Pero 'yung lola kong si Andrea, biglang nagsuggest. hmmm..
TO. Gusto kong matutong magbutterfly. :)) Pero 'di ata kaya ng katawan ko eh. eh? hahaha
LO. Natuto akong dumilat sa tubig noong isang araw lang. Sabi ko nga sa multiply, ang secret pala talaga sa pagdilat sa tubig ay dapat subukin mong buksan ang mata mo... nang malaki. Kasi mukha ka na ngang singkit sa picture, masakit pa lalo sa mata pag maliit 'yung pagbukas mo. Mervin post na. Yeah parang mababasa mo 'to. :))
YAM. 'Di ako marunong mag-***e. :(
PU. Gusto ko nang maging tatay! =)) Hahaha.. Gusto ko ng dalawa hanggang tatlong anak, isang perfect na asawa, tapos titira kami sa isang desenteng lugar sa Pasig o sa QC. At magpapayaman. :P Tapos siyempre pipilitin kong ipasok ang anak ko sa Pisay.. hahaha joke. Tas magiging artista, doktor at architect 'yung mga anak ko. Oh no anong klaseng tatay ako. May plano na. joke lahat 'yan ah. :)) Siyempre bago ang pamilya may kasal muna. >_< Naeexcite naman ako sa love story ko. Hahaha kinikilig mag-isa. Bahala na si Lord. :P
Hmm.. sinong itatag ko? Wala. Bahala na kayo. Kung gusto niyo ring sumagot, go lang. =]
No comments:
Post a Comment