Nakakahiya.
Hindi! Tingnan mo nga 'yun oh!
At nakita ko ang isang table na may mga studyanteng mas marami pa sa amin at lahat sila'y may hawak na parang Ec-Ex.. Hahaha...
Nagsurvive ang grupo namin hanggang 1:30. Sinita na kasi kami ng guard. Sabi niya, kainan lang daw ang lugar na 'yun at hindi gawaan ng project. Ahh.. Kaya pala foodcourt! hahaha.. Ayun. Tinamad na kaming magtrabaho. Pinasa namin ang lahat kay Vincent! hahaha.. joke. Nagdecide na lang kaming magliwaliw.
At halos nilibot lang namin ang buong SM. Napunta sa kung anu-anong floor... sa kung anu-anong building.. pumasok sa isang store para lumabas lang din. [wala lang. ahahaha.. lakas kasi ni pito eh..Xp] Pero masaya pa rin kasi nakita namin sa may sinehan si Gorilla ng Solmux na namamalo ng likod ng bata para lumabas ang plema. Tapos Nagcerealicious kami. At labs ko na ang jumango. Maya-maya, kailangan ding maghiwa-hiwalay...
And as usual, dumaan ako sa Megamall.. kasi nandun ang FX ng Pasig.. At dahil parang isaw ang pila ng FX pag 7:00 na ng gabi, medyo nangawit ang aking mga binti. Pero ok lang din. Di lang dahil nakita ko ulit si Gorilla ng Solmux sa may Timezone sa Megamall...
Pero dahil may nakita akong mag-iina.
Sila yung mga nasa harapan ko sa pila. Isang inang may dalawang babaeng anak.. isang parang 6 at isang parang 1 year old. Buhat-buhat ng nanay ang kanyang baby, samantalang tumutulong naman si 6-year old sa pagbuhat ng grocery.. Si bunso'y may hawak-hawak na Tommy ng Rugrats na tumatambol sa pen na binili sa Jollibee [grabe akala ko walang papatol nun.. hahaha..].. Nalaglag 'yun. Pero 'yung baby lang ang nakakaalam... [syempre kung alam ko 'yun pinulot ko na. pero hindi.. too late nung nakita ko..] Umiyak siya. Humagulgol. Sabay tanong naman ni ate kung bakit siya umiiyak... Nakita niya rin naman sa wakas ang nalaglag na laruan ng Kiddie Meal.. Pinulot niya. At binigay sa kapatid. Tumahan na ang baby. At nilambing-lambing ito ng mag-ina na tila nagsasabing wala nang mangyayari pa sa Tommy niya.. na parang kahit anong mangyari, nandoroon lang sila at nakabantay para magpatahan ng isang inulila ng kanyang laruan...
Medyo mababaw... Hahaha... Pero ganto kasi 'yun..
For the past week,
Kilala niyo ba si Wengweng?
Lahat ng tao'y nagtawanan. At kung anu-ano na ang kinwento sa mga pelikula ni Agent Double Zero. Kung paano siya naging mabangis na detective.. kung paano siya naging matinik sa chicks.. kung paano niya naging kamukha si Kokey... Hahaha..
At kahit sa kaunting panahon na 'yon, narealize ko kung gaano ako kablessed na magkaroon ng pamilyang ganto. Kahit na halos araw-araw akong umaangal sa pag-iinom nila't pagyoyosi, alam kong sila ang mga taong maggguide sa kin [at igguide na rin for that matter] at kahit kailan hindi ako tatalikuran at pababayaan kahit na anong karumal-dumal na bagay ang magawa ko.. [thank God wala pa naman.. Xp] Sa sandaling iyon, naramdaman kong may nakakaintindi sa 'kin... Go wengweng. Hahaha..
Kaya nakakatuwa pag may nakasama kang mag-iina sa pila ng sakayan papuntang Pasig at makakatabi mo pa sa FX mismo.. Nakakatuwa talaga... XD
PS. Kung di ka makarelate kay Wengweng... panoorin mo na lang ang kanyang video clips sa youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=NuleHBRAM5k
http://www.youtube.com/watch?v=TVUAnEN-2Qk
http://www.youtube.com/watch?v=l0OL27uT74U
Have fun. grabe... >_<
No comments:
Post a Comment