Sunday, December 24, 2006

Cliché

Una kong narinig ang salitang cliché nung mga grade four yata.. sa I Am Weasel.. [baka kayo rin. hahah..] Lagi kong pinapanood kasi.. nasa Cartoon Network. Ano nga pala yun? Cartoon Cartooooonsss... hahaha.. At di pa kasi uso ang Nickelodeon at Disney nun.. Ang galing nga e. Ang tali-talino ni I Am Weasel. Isa siyang mabuting halimbawa ng pagiging isang tunay na siyentipiko at mamamayan ng isang bansa. [?] Tapos lagi pa siyang nananalo kay Red guy at kay I.R. Baboon.. Pero hindi talaga sa kanya ang spotlight ngayon. XD
cli·ché [noun]
a phrase or word that has lost its original effectiveness or power from overuse

Lagi na nating naririnig o nababasa sa lahat ng klase ng media pag ganito na ang panahon.. Huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko.. Hehe.. Sa mga tao minsan nga nakakasawa na. Paulit-ulit e. Kumbaga di na tumatalab 'yung mga sinasabi nila.. Lagi na lang siyang binabanggit sa mga commercial, pagkatapos ng mga news ni Mel Tiangco, ni Bernadette Sembrano, ni Kris Aquino... sa mga ads sa Libre, sa kung anumang tabloid o dyaryo.. kay Kukurukuku, kay Sexy-terry at sa lahat na ng staff ng Love Radio.. [ay. nagrrhyme..] Pero alam mo ba... May point sila.

Pwede nga nating pagsawaan ang "Huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko" na 'yan.. Hehe.. Pero sa 'kin ni minsan, di naging cliché ang isang sobrang dakilang sakripisyo.. Wala ngang nakakaalam kung anong iniisip Niya nung pinanganak siya. Malamang, kasi baby lang siya nun at hindi naman siya si Lam-ang na woah! nagsalita! [Pero alam naman nating ginawa lang si Lam-ang.] Pero siguro iniisip na niya ang kanyang mga gig at preaching service para sa 'tin.. hehe..

Pinanganak sa kalagitnaan ng mga hayop kasama ng kanilang mga kahayupan.. pinanganak sa isang hamak na sabsa- Washu.. 'yan na naman.. E kung kayo kaya! Imagine ninyo ang sarili niyong ipinapanganak sa isang kainan ng baboy. Kung meron na siguro tayong isip nun, siguro icacancel natin yung panganak at papasok ulit sa loob... Yung iba pa nga sa 'tin nandidiri nang tumapak dun nang nakasapatos na't lahat.. Pano pa kaya kung may umbilical cord ka pa... Hindi naman talaga ganun kawell-maintained ang sabsaban noon tulad ng pagpoportray ng mga belen.. Hindi siya approved para sa pagpapanganak. And still... doon isinilang ang isang hari... pero di lang siya basta isang hari.

Pero puro panganak na. Ganto na lang. Isa lang naman ang purpose niya in mind. Ang mamatay at magbayad ng utang ng mundo.. para sa taong wala namang inatupag sa mundo kundi ang magkasala.. para di na natin pagdaan ang sasapitin (sinapit) niya.. At alam Niya na yun sa simula pa lang. Ngayon... umangal ba siya? Hindi. Alam mo kung bakit? Hindi? Oo. Alam mo yun. Narinig mo na 'yun nang maraming-maraming beses...

We Are the Reason. Avalon. [gusto ko yung sa avalon e. Xp]

As little children we would dream of Christmas morn
Of all the gifts and toys we knew we’d find
But we never realized a baby born one blessed night
Gave us the greatest gift of our lives

As the years went by we learned more about gifts
The giving of ourselves and what that means
On a dark and cloudy day a man hung crying in the rain
All because of love
All because of love

We are the reason that He gave His life
We are the reason that He suffered and died
To a world that was lost He gave all He could give
To show us the reason to live

ano.. cliché pa rin ba?

merry CHRISTmas everyone. hope you have a meaningful one. XD

No comments: