Wednesday, December 20, 2006

Ewan.

You are my rock, on You I stand
Safe from the storms that surround me
You're my only rock, in You I can
Don't have to rely on my own strength
-"You are My Rock" Hillsong London

Pagkatapos ng yearbook thing sa Repro, nagSM kami nina Pito, Rob, Nico at Rayray. Nagbalak bumili ng mga libro at palanca paper sa National pero nauwi lang kami sa kakatawa sa isang Feng Shui calendar na may prospects every month. Si Rob lang ata ang may nabili. Dekada 70. Hindi na kami nakabili ng palanca paper.. E kaysa naman mga pad ng resibong may table ng product, description, qty at price ang gamitin namin sa paggawa ng mga palanca di ba.. heheh.. We decided to cut the costs at magtipid. It just means na di namin kayo mahal kaya di namin kayo gagastusan. beh. :P joke. Naisip lang namin na it's the thought that counts. Hahahaha.. [kuripot.] Xp wooshhoo..

Tapos, umalis na si Rob at kami'y bumaba't nanood kung paano finafry ang ice cream. Malabong proseso. Tingnan niyo na lang sa SM. At dahil di rin namin gets kung pano siya pinrito, nagcerealicious na lang kami.

And yep. Nutting Hill pa rin. Sarap talaga. Pero naeLDMU na rin ako [nabuhay nang muli ang acronym]. Iba na lang ako sa susunod... Hmmm... Ayun. Usap-usap. Tas pasok ang 06. Tas usap-usap pa rin. At narealize namin (salamat kay Nico) kung gaano kabigat ang fourth quarter ng isang fourth year student sa Pisay kahit sabihin mo pa kung gaano ka kaaverage. [wala kayanag average na student sa pisay. :P]

We've got a month and three fourths of it to finish everything. Ilagay mo na sa cart ang YMSAT, isang gabundok na lessons na pagkakasiyahin nila sa isang quarter, mga stage presentation ng math, pinoy at english, paperworks ng kinakatakutang *STR, prom na rin, achievement tests, perio, graduation, etc...

*STR intermission.
Jayvee: Ma'am Caintic, ano pong gagawin sa fourth quarter?

Ma'am Helen: Anong gagawin? Anong 'anong gagawin'?!? Por que't may final paper na kayo akala nyo tapos na kayo? Ha! Matakot kayo. Pinakamahirap ang STR sa fourth quarter! Marami kaming ipapagawang paperworks, mga revise-revise at kung anu-ano pa! *evil laugh* [ok. exagge na.]

Pero kahit na. Salamat po Ma'am sa napakainspiring at tunay na encouraging na message.
*end of intermission

Yung iba, meron pang legacy na kailangang mapush through.. di ba Shayne? [yeah! kaya nyo yan!] Hahaha.. Yung iba naman, magsisimula ulit ng rebolusyon [abangan. hehe..].. Yung iba naman, talagang nabibitin pa at kailangan pa talagang magkaroon ng bonding time with friends at extension para maabuso na nang todo ang Pisay, ang kanyang "facilities" at ang kanyang resources..

Wala lang.. Nagpapakasenti ba ko o natatakot lang? Hehehe.. ewan. Ang dami pang kailangang gawin... With so little time... Ni hindi ko nararamdamang nasa bakasyon ako e.. Siguro kayo rin.. Haayyyy...



Para maiba naman.. Bukas ay Christmas party ng Lourdes. Punta ako. Tanggapin naman kaya ako? Hahahaha.. Ewan.



At isa pang 'para maiba naman'.. Kanina.. walong beses kong narinig ang sobrang nakakatuwang kantang... BOOM TARAT. at di pa kasama sa walo yung busina ng bus sa kanto ng edsa at north ave... Yes. In the tune pa rin of... boom tarat... -_-

No comments: