Friday, December 29, 2006

Mag-iina sa pila ng FX

Kanina, sinubok naming gumawa ng Pinoy comics. Ligaya Cion's Ibong Adarna.. *dundundun* Hahaha.. So pagkabukas pa lang ng SM North, deretso kami sa foodcourt. Pakapalan na ng mukha. Dun kami pumuwesto sa gitnang table at naglabas ng sandamakmak na bond paper, lapis at pambura. Sa isang iglap, napuno ang buong foodcourt. Napuno ang lahat ng table nang wala pang isang oras...

Nakakahiya.

Hindi! Tingnan mo nga 'yun oh!

At nakita ko ang isang table na may mga studyanteng mas marami pa sa amin at lahat sila'y may hawak na parang Ec-Ex.. Hahaha...

Nagsurvive ang grupo namin hanggang 1:30. Sinita na kasi kami ng guard. Sabi niya, kainan lang daw ang lugar na 'yun at hindi gawaan ng project. Ahh.. Kaya pala foodcourt! hahaha.. Ayun. Tinamad na kaming magtrabaho. Pinasa namin ang lahat kay Vincent! hahaha.. joke. Nagdecide na lang kaming magliwaliw.

At halos nilibot lang namin ang buong SM. Napunta sa kung anu-anong floor... sa kung anu-anong building.. pumasok sa isang store para lumabas lang din. [wala lang. ahahaha.. lakas kasi ni pito eh..Xp] Pero masaya pa rin kasi nakita namin sa may sinehan si Gorilla ng Solmux na namamalo ng likod ng bata para lumabas ang plema. Tapos Nagcerealicious kami. At labs ko na ang jumango. Maya-maya, kailangan ding maghiwa-hiwalay...

~*~*~*~


And as usual, dumaan ako sa Megamall.. kasi nandun ang FX ng Pasig.. At dahil parang isaw ang pila ng FX pag 7:00 na ng gabi, medyo nangawit ang aking mga binti. Pero ok lang din. Di lang dahil nakita ko ulit si Gorilla ng Solmux sa may Timezone sa Megamall...

Pero dahil may nakita akong mag-iina.

Sila yung mga nasa harapan ko sa pila. Isang inang may dalawang babaeng anak.. isang parang 6 at isang parang 1 year old. Buhat-buhat ng nanay ang kanyang baby, samantalang tumutulong naman si 6-year old sa pagbuhat ng grocery.. Si bunso'y may hawak-hawak na Tommy ng Rugrats na tumatambol sa pen na binili sa Jollibee [grabe akala ko walang papatol nun.. hahaha..].. Nalaglag 'yun. Pero 'yung baby lang ang nakakaalam... [syempre kung alam ko 'yun pinulot ko na. pero hindi.. too late nung nakita ko..] Umiyak siya. Humagulgol. Sabay tanong naman ni ate kung bakit siya umiiyak... Nakita niya rin naman sa wakas ang nalaglag na laruan ng Kiddie Meal.. Pinulot niya. At binigay sa kapatid. Tumahan na ang baby. At nilambing-lambing ito ng mag-ina na tila nagsasabing wala nang mangyayari pa sa Tommy niya.. na parang kahit anong mangyari, nandoroon lang sila at nakabantay para magpatahan ng isang inulila ng kanyang laruan...

Medyo mababaw... Hahaha... Pero ganto kasi 'yun..

For the past week, ginambala binisita kami ng pitong Indonesians na dating ka-church ng tatay ko. [Nasa Africa na kasi siya ngayon..] At biglang nagmukhang five-star hotel ang aming bahay.. Nagkaroon bigla ng mga comforter, ng mga bagong kurtina, ng kung anu-anong decoration na magpaparamdam sa mga foreigners na nasa Pinas na sila. Araw-araw ay parang sila'y nasa buffet.. At kami ay inevict sa sarili naming kwarto. Pina-evacuate kami sa Masters.. na nagmukhang bodega naman dahil dun tinambak 'yung mga dating "basura" ng kwarto namin. Hahaha.. So kaming lahat ay magkakasama sa isang kwarto.. but for some unknown reasons, isang gabi lang kami nagkasabay-sabay matulog sa kwartong 'yon... Patulog na kaming lahat... Nang biglang may humirit...

Kilala niyo ba si Wengweng?

Lahat ng tao'y nagtawanan. At kung anu-ano na ang kinwento sa mga pelikula ni Agent Double Zero. Kung paano siya naging mabangis na detective.. kung paano siya naging matinik sa chicks.. kung paano niya naging kamukha si Kokey... Hahaha..

At kahit sa kaunting panahon na 'yon, narealize ko kung gaano ako kablessed na magkaroon ng pamilyang ganto. Kahit na halos araw-araw akong umaangal sa pag-iinom nila't pagyoyosi, alam kong sila ang mga taong maggguide sa kin [at igguide na rin for that matter] at kahit kailan hindi ako tatalikuran at pababayaan kahit na anong karumal-dumal na bagay ang magawa ko.. [thank God wala pa naman.. Xp] Sa sandaling iyon, naramdaman kong may nakakaintindi sa 'kin... Go wengweng. Hahaha..

Kaya nakakatuwa pag may nakasama kang mag-iina sa pila ng sakayan papuntang Pasig at makakatabi mo pa sa FX mismo.. Nakakatuwa talaga... XD


PS. Kung di ka makarelate kay Wengweng... panoorin mo na lang ang kanyang video clips sa youtube.

http://www.youtube.com/watch?v=NuleHBRAM5k
http://www.youtube.com/watch?v=TVUAnEN-2Qk
http://www.youtube.com/watch?v=l0OL27uT74U

Have fun. grabe... >_<

Sunday, December 24, 2006

Cliché

Una kong narinig ang salitang cliché nung mga grade four yata.. sa I Am Weasel.. [baka kayo rin. hahah..] Lagi kong pinapanood kasi.. nasa Cartoon Network. Ano nga pala yun? Cartoon Cartooooonsss... hahaha.. At di pa kasi uso ang Nickelodeon at Disney nun.. Ang galing nga e. Ang tali-talino ni I Am Weasel. Isa siyang mabuting halimbawa ng pagiging isang tunay na siyentipiko at mamamayan ng isang bansa. [?] Tapos lagi pa siyang nananalo kay Red guy at kay I.R. Baboon.. Pero hindi talaga sa kanya ang spotlight ngayon. XD
cli·ché [noun]
a phrase or word that has lost its original effectiveness or power from overuse

Lagi na nating naririnig o nababasa sa lahat ng klase ng media pag ganito na ang panahon.. Huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko.. Hehe.. Sa mga tao minsan nga nakakasawa na. Paulit-ulit e. Kumbaga di na tumatalab 'yung mga sinasabi nila.. Lagi na lang siyang binabanggit sa mga commercial, pagkatapos ng mga news ni Mel Tiangco, ni Bernadette Sembrano, ni Kris Aquino... sa mga ads sa Libre, sa kung anumang tabloid o dyaryo.. kay Kukurukuku, kay Sexy-terry at sa lahat na ng staff ng Love Radio.. [ay. nagrrhyme..] Pero alam mo ba... May point sila.

Pwede nga nating pagsawaan ang "Huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko" na 'yan.. Hehe.. Pero sa 'kin ni minsan, di naging cliché ang isang sobrang dakilang sakripisyo.. Wala ngang nakakaalam kung anong iniisip Niya nung pinanganak siya. Malamang, kasi baby lang siya nun at hindi naman siya si Lam-ang na woah! nagsalita! [Pero alam naman nating ginawa lang si Lam-ang.] Pero siguro iniisip na niya ang kanyang mga gig at preaching service para sa 'tin.. hehe..

Pinanganak sa kalagitnaan ng mga hayop kasama ng kanilang mga kahayupan.. pinanganak sa isang hamak na sabsa- Washu.. 'yan na naman.. E kung kayo kaya! Imagine ninyo ang sarili niyong ipinapanganak sa isang kainan ng baboy. Kung meron na siguro tayong isip nun, siguro icacancel natin yung panganak at papasok ulit sa loob... Yung iba pa nga sa 'tin nandidiri nang tumapak dun nang nakasapatos na't lahat.. Pano pa kaya kung may umbilical cord ka pa... Hindi naman talaga ganun kawell-maintained ang sabsaban noon tulad ng pagpoportray ng mga belen.. Hindi siya approved para sa pagpapanganak. And still... doon isinilang ang isang hari... pero di lang siya basta isang hari.

Pero puro panganak na. Ganto na lang. Isa lang naman ang purpose niya in mind. Ang mamatay at magbayad ng utang ng mundo.. para sa taong wala namang inatupag sa mundo kundi ang magkasala.. para di na natin pagdaan ang sasapitin (sinapit) niya.. At alam Niya na yun sa simula pa lang. Ngayon... umangal ba siya? Hindi. Alam mo kung bakit? Hindi? Oo. Alam mo yun. Narinig mo na 'yun nang maraming-maraming beses...

We Are the Reason. Avalon. [gusto ko yung sa avalon e. Xp]

As little children we would dream of Christmas morn
Of all the gifts and toys we knew we’d find
But we never realized a baby born one blessed night
Gave us the greatest gift of our lives

As the years went by we learned more about gifts
The giving of ourselves and what that means
On a dark and cloudy day a man hung crying in the rain
All because of love
All because of love

We are the reason that He gave His life
We are the reason that He suffered and died
To a world that was lost He gave all He could give
To show us the reason to live

ano.. cliché pa rin ba?

merry CHRISTmas everyone. hope you have a meaningful one. XD

Wednesday, December 20, 2006

Ewan.

You are my rock, on You I stand
Safe from the storms that surround me
You're my only rock, in You I can
Don't have to rely on my own strength
-"You are My Rock" Hillsong London

Pagkatapos ng yearbook thing sa Repro, nagSM kami nina Pito, Rob, Nico at Rayray. Nagbalak bumili ng mga libro at palanca paper sa National pero nauwi lang kami sa kakatawa sa isang Feng Shui calendar na may prospects every month. Si Rob lang ata ang may nabili. Dekada 70. Hindi na kami nakabili ng palanca paper.. E kaysa naman mga pad ng resibong may table ng product, description, qty at price ang gamitin namin sa paggawa ng mga palanca di ba.. heheh.. We decided to cut the costs at magtipid. It just means na di namin kayo mahal kaya di namin kayo gagastusan. beh. :P joke. Naisip lang namin na it's the thought that counts. Hahahaha.. [kuripot.] Xp wooshhoo..

Tapos, umalis na si Rob at kami'y bumaba't nanood kung paano finafry ang ice cream. Malabong proseso. Tingnan niyo na lang sa SM. At dahil di rin namin gets kung pano siya pinrito, nagcerealicious na lang kami.

And yep. Nutting Hill pa rin. Sarap talaga. Pero naeLDMU na rin ako [nabuhay nang muli ang acronym]. Iba na lang ako sa susunod... Hmmm... Ayun. Usap-usap. Tas pasok ang 06. Tas usap-usap pa rin. At narealize namin (salamat kay Nico) kung gaano kabigat ang fourth quarter ng isang fourth year student sa Pisay kahit sabihin mo pa kung gaano ka kaaverage. [wala kayanag average na student sa pisay. :P]

We've got a month and three fourths of it to finish everything. Ilagay mo na sa cart ang YMSAT, isang gabundok na lessons na pagkakasiyahin nila sa isang quarter, mga stage presentation ng math, pinoy at english, paperworks ng kinakatakutang *STR, prom na rin, achievement tests, perio, graduation, etc...

*STR intermission.
Jayvee: Ma'am Caintic, ano pong gagawin sa fourth quarter?

Ma'am Helen: Anong gagawin? Anong 'anong gagawin'?!? Por que't may final paper na kayo akala nyo tapos na kayo? Ha! Matakot kayo. Pinakamahirap ang STR sa fourth quarter! Marami kaming ipapagawang paperworks, mga revise-revise at kung anu-ano pa! *evil laugh* [ok. exagge na.]

Pero kahit na. Salamat po Ma'am sa napakainspiring at tunay na encouraging na message.
*end of intermission

Yung iba, meron pang legacy na kailangang mapush through.. di ba Shayne? [yeah! kaya nyo yan!] Hahaha.. Yung iba naman, magsisimula ulit ng rebolusyon [abangan. hehe..].. Yung iba naman, talagang nabibitin pa at kailangan pa talagang magkaroon ng bonding time with friends at extension para maabuso na nang todo ang Pisay, ang kanyang "facilities" at ang kanyang resources..

Wala lang.. Nagpapakasenti ba ko o natatakot lang? Hehehe.. ewan. Ang dami pang kailangang gawin... With so little time... Ni hindi ko nararamdamang nasa bakasyon ako e.. Siguro kayo rin.. Haayyyy...



Para maiba naman.. Bukas ay Christmas party ng Lourdes. Punta ako. Tanggapin naman kaya ako? Hahahaha.. Ewan.



At isa pang 'para maiba naman'.. Kanina.. walong beses kong narinig ang sobrang nakakatuwang kantang... BOOM TARAT. at di pa kasama sa walo yung busina ng bus sa kanto ng edsa at north ave... Yes. In the tune pa rin of... boom tarat... -_-

Monday, December 18, 2006

Happy Birthday!

Because it's the 18th of December...

Happy 1st Birthday PinoyTsapsuy!!!



Ayeee... One year old na siya.. Hahahaha.. So isang taon na rin pala since my first post. Isang taon na rin pala akong nagdadadaldal dito... Alam kong meron din akong mga pagkukulang sa yo... Minsan di na kita nabibisita dahil sa kabusyhan.. Minsan di na kita naaalagaan.. Minsan di na kita napapansin.. Pero despite all that, you remained strong.. nandito ka pa rin... Salamat... Ahuhuhuhu... Sana, ipagpatuloy mo ang iyong pagiging matatag.. Walang iwanan... *grouphug*


Hahahaha.. ang aga-aga naooti.. Yeah!

Saturday, December 16, 2006

Vekeyshun!

Ang Christmas to-do list ni tsapsuy.

[x] blog birthday bash - new skin
[x] improved and organized tsapsuy filing system
[x] organized handouts
[x] i kissed dating goodbye
[ ] regalo. ayeee..
[x] regalo - exchange gift
[*] ACTS fellowship tarp
[*] JREV Poster
[x] yearbook write-ups
[ ] palanca letters
[x] compsci optional project
[x] viscomm late plates
[x] english les miserables
[x] pinoy maganda pa ang daigdig

Bring it on! C'mon! Out of 14 tasks for Christmas vacation, five seven twelve down! Well, isa dun yung compsci optional project na calculator or sudoku na hindi ko naman talaga ginawa pero tapos na rin naman ang deadline at wala na 'kong magagawa dun kaya sinama ko na rin! Ehehehe..

I Kissed Dating Goodbye. Uso e no? joke. Ewan. May nag regalo e. Binabasa ko na rin. And yes, dun ko kinuha ang swerver cart. woohoo! :D

Yung iba sa acads pa rin... Yung iba naman, kaOChan lang.. ahehehe.. ewan. Kasi naapektuhan nang todo ng pagkareformat ng computer namin ang aking school performance e.. Buti nga narecover yung ibang files. Ang problema, lahat sila, pare-pareho ng filename.. "RECOVERED_Digital_9576.jpg" o kaya "RECOVERED_0765.mp3"... Kahit pics at mp3s lang yan, pag hindi siya nakaayos, nadadamay ang aking pag-iisip.. Hehehehe.. yes. my files and I are one... joke. basta. Kaya inayos ko na silang lahat... isa-isa... >_<

15 days na lang para gawin lahat yun... Pasukan na namaaaaaan!!! (behlat sa mga di pa nagbabakasyon. :P) Di kasama ang Jan 2 kasi practice namin yun for Math. Haaayyyy... Pero sige na nga. ok lang. Last quarter na rin naman e... :(

Wednesday, December 13, 2006

HU! HU! SUBRA SUBRAH!!

Simulan natin ang lahat nung Friday.


Outreach sa umaga. Exchange gift sa tanghali. DotA sa hapon. Yun ang class party ng Truth. Saya. Bonding. Pagkatapos magDotA, balak naming manood ng Paskorus. But it was too late. Nasa jeep kami papuntang Pisay nung nalaman namin kay Ben na nanalo na nga ang Be. Sayang. Bakit kasi... Di tuloy namin napanood ang Gluon at Charm.. May napaiyak pa naman daw sa mga kanta nila.. Sana pala tinuloy na lang namin yung game namin. hahaha.. naadik. Arrgg... joke.

Tapos, nagSM na lang kami kasi kailangan pala ng regalo para sa camp. At para na rin makaderetso kami sa VCF. Eh di kaming tatlo ni Joreb at Revee ay naghanap-hanap ng pwedeng iregalo sa camp. Ayun. Tapos VCF.


Second screening sa Pisay. Naghihintay kami ng masasakyan papuntang Binangonan for the Acts camp. At nanakot kami ng mga parents sa kung anong klaseng paaralan nila binabalak papasukin ang kanilang mga anak. Bwahahaha!!! Ayun lang. Tapos alis na kami. at nandun na kami sa ACTS CAMP! GiG TAYO!


So, kamusta ang camp?

Masaya. Enjoy nga yung night swimming e.

Ang sasaya ng mga activities! May obstacle course... Gagapang ka sa oil na may halong peanut butter... Magdidive ka sa pool para kumuha ng Php17.85... Sisisid ka para maunlock yung padlock sa ilalim... Imamash mo yung saging sa table gamit ung mukha mo tapos kakainin mo rin! Tapos ang sasaya ng mga tao sa presentation nila.

Tapos meron pang Bruce Almighty! Tapos aircon yung rooms! May tv pa! Biruin mo, isang resort sa tabi ng Laguna lake? O di ba? San ka pa?!










Pero siyempre, it's more than that. It's always more than the fun with the people and the place and with the activities. Ano nga bang theme ng camp? Di ba't G.i.G. tayo! Growing in God... in grace... in glory... The whole camp is about maturing in God through an intimate relationship with Him. Of course with a daily devotion to His Word and in prayer. Eventually, we'll be able to live in His grace and his righteousness and be a living testimony of His glory to other people.

He's the vine. We are the branches. And without Him, we are nothing. Oo nga naman. Wala nang vascular tissues na mapagdadaanan ng tubig at ng nutrients. What we need is to be established in Him, to be immersed completely in His Word. Laging bumabalik sa kin tong analogy na to... May isang baso. Ikaw yun. At may isang pitsel ng tubig. It's God. Pupunuin mo ba yung baso sa 1/2? Nope. 3/4? Hindi rin. Pupunuin mo ba hanggang sa umaapaw na? Ehehehe.. Hindi pa rin. You need to put the glass into the pitcher. And that's the way it should be. You should let your whole life (inside and outside of the glass) be filled with God. At dun mo mararanasan ang totoong Growth.


Sa camp, naparetreat ako nang mas maaga sa inyo.. beh. :p joke. Nagkaroon ako ng time para marealize ang mga bagay-bagay sa paligid ko at sa sarili ko na rin.. How they all align and fit perfectly to His Will.. Parang yung grocery cart na hindi swerver.. *wenkwenk* Kung paano ako naging blessed with friends tulad niyo.. ayeee.. Subrang saya yung camp. Subrang nakakabless. Yun na ang huli kong high school camp. Kaya for the last time... isisigaw ko na to...

HOO! HOO! SUBRA SUBRAAAHHH!!!



And yeah. Siyempre di ko to malilimutan. Kalbo rin to e.. Hahahaha..

HAPPY BIRTHDAY BEN!!! yeah. God bless bro!