Sunday, January 01, 2006

Happy New Year?

saka na muna ang kabangagan..

senti mode: on.
hahaha.. ehem..

So.. What can I say? Happy new year everyone.. *sigh* 2005's gone and hello 2006.. yeah.. Paigsi na ng paigsi ang oras natin sa pisay. fourth year na tayo.. ang bilis *sigh ulit* Just can't imagine na ganun na pala karami yung mga nagawa ko sa pisay.. haha..

Inisa-isa ko kaninang umaga yung mga events this year and woah! ang dami pala! Didn't think I could do all those... things. Haha.. gayahin ko yung ibang tao.. inisa-isa.. *ubo luigi ubo*..

Let's start with the first month.. hmmm.. ymsat. Aww.. Rosal days.. I miss those guys.. kahit mas gusto ko ang sodium.. :p Pero wag magalit dahil di naman talaga significant yung difference sa ranking e.. mga 0.87 lang naman yung lamang ng sodium e.. hehe.. kinompute daw.. ayun.. Grabe naaalala ko yung comics na yun! First time kong iniyakan ang isang project! It was three in the morning at four pages pa lang yung nakukulayan ko sa adobe.. e kinabukasan na yung deadline nun di ba? oh no.. grade yun ng buong rosal.. haha.. The comic book ended up being colored by the wonderful people of rosal para sa pansariling interes.. hahaha.. you figure it out.

Next. February. oh yeah.. the concert. December pa dapat yung concert na yun di ba? Kaso namove ng namove kaya naging Feb 10 yung sa rosal. Carwash. Gary V. Haayy.. no word can express what I feel dun sa concert na yun.. (o tinatamad lang ako.. haha) Basta! Yung concert na yun ang favorite part ng second year ko sa pisay! yeah. Ano ba! Next na!

March! Hmmm.. Batch Intrams? yeah. Ang galing ng AMAG-LUMOT combination! woohoo! Ang galing galing. champion. (champion ka dyan.. di ka naman naglaro e.) Ayun. Hahaha.. Tapos yung fair na di ko naman pinuntahan.. Kasi nag-outing ang rosal sa bahay nina Ivy.. naghain. kumain. nagvideoke. nagtruth or truth sa dilim. nagpicturan. nag-ice breaker. nagpuyat. nanood ng madeline at mr. bean. nagswimming. tapos ang dami kong natuklasan.. hahaha.. kausapin nyo na lang ako tungkol dito..

April na! Ang iniiiittt!!! Ayun. summer e. wala namang nangyari.. Aa! I'm not sure if the MDC was in April pero ilalagay ko pa rin dito. yeah. iscf. Because He first loved us.. MDC2k5 sa.. saan yun? sa Antipolo! yeah. tapos nagmission mission kami sa Manila.. Tapos meron kaming theme song na isa or dalawang beses lang kinanta.. yung Testify to love. hahaha.. Tapos nagcamp ulit ako. sa Antipolo na naman. Pero Church naman namin yung nagcamp. E di may katuturan naman yung summer ko. hahaha..

May. Enrolment. SODIUM ako. Woohooo! *bow* (tinatamad talaga pero gustong tapusin)

June. Pasukan. Hmmm.. Okay lang ako sa sodium dito.. Nag-aadjust adjust pa.. Di lang siguro sanay na may mga DL sa paligid.. hahaha.. Pero naastigan naman ako sa sodium e! Ang.. ang.. astig. Basta. There was something that tells me that this year will be great. At oo. totoo yun. yeah.

The seventh month. Haayy.. usual Pisay month. ayoko na.

August. Isa pa to. Pero ewan ko. Wala akong maalala e.. :p

September. Hahaha.. ang pinagpaguran at pinagpawisang family daY! woohoo! hinakot! At hindi yun niluto! yeah. Sabihin "nyo" na lang ang gusto nyong sabihin pero.. tama na.. hahaha.. Tapos humanities week. Yeah. ANg galing ng o7! Lalo na yung tumugtog ng kapayapaan! Hahaha.. People's choice naman e.. ok lang. :p Pero magaling naman talaga lahat e.. Galing galing galing. Tapos Karera. Galing talaga. Tapos meron pang Rivermaya! Ako nga pala yung tagakolekta nung mga papel na may stickers.. Hahahaha.. yeah. Tapos birthday ko! Hahaha.. Pero mamaya na yung details. You'll know why.

October.. Malapit na.. Hahaha.. Uh.. Retreat? Yeah. the Retreat. Saya. Lalu na yung huling praise and worship. at yung basaan. at yung mga opal reunion. bwahahaha!!! At syempre.. yung mga palanca ko na kinolekta ng sponsor kong si.. sino yun? si HENSON! hoy henson! yung symbol ko! wahahaha.. ay.. senti mode nga pala ko.. Ayun. Siguro mga kalahati lang yung natapos ko sa mga gagawan ko dapat ng palanca.. tsk tsk tsk. Haayy.. tapos yung tungkol sa birthday.. mga one week ata.. or two weeks after ng birthday ko tsaka ko natanggap yung shell notebook na may mga dedix. hahaha.. aliw.

November and everyone's busy.. busy? basta. busy with their Ramayana. Nakakapagod din yun! Hahaha.. I'm blue.. I'm so blue that day.. Haayyy.. Napanood ko.. Tapos ang pangit ng acting ko. Hahaha.. Sumabit sa damit ko si surphy. Yung ahas. Hahaha.. ayoko na.

Christmas month! yeah! Bininyagan tong blog na tinatypan ko ngayon ng mga walang kabuluhang bagay. Pero masaya pa rin ako kasi may blog na ko. yey. At isa pa. Pasko! at isa pa. Bakasyon! Woohooo! Merry CHRISTmas ulet!

Ang dami pang kulang. obvious ba? hahaha.. at kahit sipagin ako.. hinding hindi pa rin matatapos ang pagpipindot sa keyboard na to dahil sa sobrang daming nangyari noong 2005. Haayy.. God bless 2006!

HAPPY NEW YEAR!!!

No comments: