Hmmm.. kailan yung huli kong post? January 7. Naaalala ko pa.. Yun yung pinost ko habang nagpapanic yung mga groupmates ko sa math. hahaha... Uhhh.. Marami-rami na rin ang nangyari.. Iisa-isahin ko na naman.
Math Project. Ito na ang project na pinakamatagal kong pinagpaguran. Natalo niya yung record ko sa SocSci na 8.5 hours kong ginawa. Ito.. Nagsimula ng 3:20 pm ng Jan. 10.. Tinapos ng 4:30 am ng Jan. 11. Syempre may mga breaks din yan. Pero kahit na. Natalo niya yung SocSci record ko. hahaha.. Anyway, nasubmit naman yung project na pinangalanang "Bawar Sumirip" on time at nakakuha naman kami ng 94.86%. not bad.. :D
My Mom left for Indonesia. Hindi ko alam. I didn't have any idea. Nasabihan lang ako the night before. At gumagawa pa kami ng Math project noon.. E di lalong nakakaiyak. Haayyy..
[zoobix]3. The 06 fair. zoob=2006. aaahh... ganun pala yun. Btw, booth ng Sodium yung may water gun at suka.. Kung di nyo lang alam.. Hehe.. Di malakas yung kita. Be lang naman ata e yung malakas e.. Di naubusan ng tao. Yung fair. Nagkaroon ng wall climbing, rappelling, booths, bouncy stuff, bikes, variety show, botb, concert. Sa mga yan.. booths, bikes at botb lang yung naranasan ko sa fair. Kasi naman.. may oral report sa str. may labrep sa chem. may kung anu-ano pang requirements. Whaw.. fair nga.
Narnia. Nanood kami nina Irish Mich at Reynard sa Gateway ng C.S.Lewis' Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch and the Wardrobe (kinumpleto!). Ganda. Astig. Nakakakilabot. Syempre kung anu-anong mga event yung pinagpapattern ko sa Bible. Ayun.. Para akong nanood ng Passion pero lion nga lang yung bida. Hahaha.. si Aslan. Lion of Judah.
Other Acads Stuff. Alam mo na yan. Alam ko namang problema mo rin yan e. Hahaha..
YMSAT Week preparations. Wala lang. Trip ko lang sabihin. Kasi darating yung president ng India sa Pisay for the YMSAT. O baka naman.. pupunta siya kasi narinig niya na magbebenta ng kandila ang Sodium at interested siyang bumili...
Asia Week Preparations. Uhh.. So far, wala pang accomplishment ang Arts&Crafts and Culinary Arts groups. Problema to.
Prom preparations. Hahaha.. aliw yung prom etiquette talk. Si Miss Universe.. Hahaha.. May date ka na ba? yep. May naiisip ka na bang susuotin mo sa prom? yep. May panggastos ka ba? waaaaaahhh!!!! Magastos ang prom. Namumulubi na raw yung ibang tao. And for the others, nakakapagod pa. Oh how I wish I'm one of them.. Spending my 4:30-6:00 pm dancing.. Pero wala nang slots.. So wala na pala akong pag-asang magcotillion forever.. haaayyy..
JREV preparations. yeah. Malapit na. Nagfast na ang iba. Everybody's on the move. At natataranta na ang iba sa min. It's the JREV Night sa Pisay! I'll be posting the details later.
Narealize ko lang.. Tapos na pala ang 75% ng buhay ko sa pisay. Haayyy... Fourth quarter na ng pinakaimportanteng year sa high school (dahil 3rd year grades daw ang tinitingnan sa college).. Oo.. Fourth Quarter na nga.
*sigh*
No comments:
Post a Comment