Saturday, May 31, 2008

Getchingin Getchingin @_@

Kung ikaw ay hindi nagsummer classes at kung walang ibang bagay na nagbibigay aliw sa iyo bukod sa telebisyon kapag tanghali at wala kayong cable (o at least ayaw mo munang manood sa cable channels) at ayaw mo rin naman sa Wowowee, eh 'di malamang ay nanood ka ng Eat Bulaga. At malamang ay kasama mo pa ang buong pamilya mong nakatutok din sa tv habang kumakain ng pananghalian.

Mapapanood mo ang ads ng Osaka, ng Arthro, at ng kung anu-ano pang palatastas ng GMA.

Maririnig mo 'yung ang joke joke, ang joke joke, ang joke ang joke ang joke joke. hayyyyyy!!!!

Maririnig mo 'yung sa pupupupupupu, lalalalalala, sa pupupupupupu, tetetetetete.

Mapapanood at maririnig mo na ang halos lahat ng bagay na pwedeng makita at mapakinggan.

Parang okey lang naman sa akin ang lahat ng napapanood sa Eat Bulaga. Normal naman. Masaya 'yung mga gimik nila. Masaya 'yung mga hosts nila. Usual na noontime variety show na nakakapagpalimot ng problema sa milyung-milyong Pilipinong sumusubaybay nito. Pero may isang part dun, sa Taktak Mo o Tatakbo, sa opening nun, kakanta 'yung EB Babes habang sumasayaw. Pagkatapos nilang sumayaw, apat sa kanila ay magfoform ng dalawang letra (so, two eb babes each).

Getchingin Getchingin Getching-Getching Getchingin
Getchingin Getchingin Getching-Getching Getchingin
Ang mga letra inyo ng makukuha
Ikembot at ipadyak na, EB Babes handa na
Ito ay masaya, halika na't sumama
Letter * letter @, getchingin ang letra
Bilisan ang takbo, pumila sa gusto mo
Umindak, sumayaw
Ayos ka na? Let's go!
Letter *, tumakbo, tumapat sa gusto
Letter getchingin mo
Letter @,dito ang swerte itaas ang kamay
Say Hiiiiii!!
Getchingin ang swerte..Taktak na!


Sa lahat ng tunog ng Eat Bulaga, ito ang pinaka-iba. Narinig ko minsan ang kuya kong habang nagcocomputer ay kumakanta ng kanta nila. Minsan naman 'yung isa kong kuya. Minsan din, ako. :P Nakakatawa. Kasi ang lalalim ng boses nila. At ngayon, umiikot-ikot sa utak ko 'yung kanta nila. Nakakaasar. 'Di maalis (pero malamang pagkatapos nitong post na 'to, wala na 'yun). Ayos ka na let's go letter A tumakbo... Getchingin Getchingin... @_@

Sunday, May 25, 2008

Labatoryo

Pagkatapos kasi ng Sunday service, dumeretso kami sa Megamall para mamili ng mga bagay-bagay. Pero bago kami namili, kumain muna kami sa Tokyo Tokyo. Kumusta naman ang pagkain namin sa Tokyo Tokyo? Eh 'di ayun. Ganun pa rin ang lasa. Red Lemon Iced Tea. California Maki. Sumo Meal. Apat na kanin. Usual. Pagkakain ay dumeretso na kami sa bilihan ng mga sapatos. Gusto kasi ng tatay kong bumili ng rubber shoes para sa kanyang pag-aadventure.

Humiwalay ako para bumili ng isang collared na shirt. Napapahilig ako sa shirt na may collar eh. Ewan ko kung bakit. Joke. Wala lang talaga kasi akong mga collared na damit. Kawawa naman ako. XD At kaya rin naman ako humiwalay ay dahil gusto ko ng kalayaan 'pag namimili ng damit. Lagi akong pinepressure ni Mama kapag kasama ko siyang mamili. Kadalasan, 'di niya gusto ang mga binibili ko. :)) Kaya ayun. Binigyan ako ng perang pambili ng isang pirasong damit. Bumili naman ako.

Humabol ako kina Papa kasi nasa mga sapatos pa rin sila. Gusto ko ring magpabili ng sapatos o ng tsinelas. Ang problema, kulang na sa oras. 3:30 na noon at kailangang bumalik nina Mae sa church dahil may kanta sila para sa 3rd service na 5:00 nagsisimula. Eh magggrocery pa. Kaya saka na lang siguro. Tapos naggrocery na kami.

Saglit lang kami naggrocery dahil nagmamadali na nga.

Pag dating namin sa bahay, kinuha ko agad 'yung binili kong damit. Sinuot at pinakita ko kay Mama. Sabi niya, "Ayos 'yan ah." Wala lang. Natuwa naman ako. Kahit minsan ay nagustuhan niya ang binili ko. (awww) Hinubad ko na't nilagay ko na sa labahan para malabhan na kaagad at para 'di na amoy "lumang stock". Nagbihis na ako ng pambahay. Naalala ko, 'di pa pala ako nagsisipilyo.

Pagkabihis, dumeretso ako sa banyo. Kinuha ko 'yung toothbrush kong bagung-bago pa, nilagyan ng toothpaste (anong tagalog ng toothpaste?), at nagsimulang magsipilyo.

Ang saya-saya ko pa noon. Habang nagsisipilyo ay naalala ko pa 'yung commercial na "pagkatapos ng agahan chikichikichiki, pagkakain sa tanghali chikichikichiki, chikichikichikichikichik all day..." Basta. 'Yung commercial ng Colgate na may mga sirenang nagsisipilyo ng mukha. :)) [Panoorin niyo na lang. 'Yung buong mukha niya talaga 'yung sinisipilyo niya] Ang saya. Bawat kuskos ng toothbrush sa mga ngipin ko ay may hatid na kapiranggot na ligaya sa aking araw.

Punung-puno pa ng bulang toothpaste ang bibig ko nang biglang nalaglag ang labatoryo.

"Ayy. Nalaglag."

Buti na lang nasalo ko 'yung lababo. Paano ko nasalo? Magaling ako eh. :P Bumuhos pa 'yung dinura kong tubig na may halong toothpaste (at laway) dun sa tubong bumigay na rin dahil sa bigat ng lababo. Oo. Kadiri. Kasi 'di na siya tulad ng dati na kulay puti. Dumaan lang sa tubo, naging brown na. Oo nga pala, 'yung toothbrush ng mga kuya ko shumoot sa basurahan. :))

Sumigaw ako ng saklolo. Joke. "Tulong" pala 'yung sinigaw ko. Sino pa ba'ng sisigaw ng "saklolo"? tss.. Humiyaw ako na may bula-bula pang nakasabit sa paligid ng bibig ko. Nagdala sila ng upuan para mapatungan namin ng labatoryong 'di pwedeng ilapag sa sahig dahil may tubo pa ring nakakonekta at 'di naman namin makalas dahil... mahirap siyang makalas. Nakita na lang namin na 'yung bakal pala na nakasuporta sa lababo ay kinalawang na, kaya bumigay.

Pagkapatong namin ng labatoryo sa upuan ay 'di pa rin ako tapos magsipilyo. Kaya nagtungo ako sa kusina at pinagpatuloy ang kailangang tapusin.

'Yun lang. :P

Tuesday, May 13, 2008

Wiihihihi..

Thank You Lord minove mo ang cwts sa monday! Wala na talagang imposible. May lunch na ako kahit papaano! KAHIT PAPAANO! (kasi parang meryenda na kung 2:30 kakain 'di ba?) :)) At sana makuha ko 'yung mga inenlist kong subjects. Katakut-takot na pag-aayos na naman ang mangyayari kung may isang major lang akong 'di makuha. Ohno. Hehe..



Bukas na ang third long exam ng Physics71. At ako'y nagbblog. o_o



...the crests and troughs of the sea of life that...

fluffs. XD

Friday, May 09, 2008

They'll Have Me Suicidal, Suicidal... oh?

...dahil Wednesday ang CWTS ng Bio.

At least ayon sa list sa CRS ng class schedules for ay2008-09.

Sinubukan Sinubok kong gumawa ng mga posibleng class sked. Ang susunod na larawan ang kinalabasan.



'Yan na ang lahat ng pwede. >_< Onga pala. Dun ako sa A, B, C, at D magsisingit ng dalawa pang GEs. PE sa monday. Nakakatakot lang isipin na araw-araw sa isang buong sem kong kailangang kumain ng sandwich dahil halos wala namang lunchbreak.

Every detail of next sem seems horrible; "Utterly atrocious." However, I believe that in the end, all of these would be really, really worth taking. :) One thing that the Lord taught me (by means of subject enlistment) is that He's still in charge, and that everything would eventually fall into place, and that in the end, all the glory would still be His. Uhm.. three things pala. :)) Ang faithful talaga ni Lord.

At nabanggit ko na bang ang faithful talaga ni Lord? :)) Naranasan ko na 'yun sa CRS ngayong summer. Balak ko kasing mag-enlist unang-una sa math54, pangalawa sa bio11, pangatlo sa chem26. Akalain mong 'di ako napasok sa kahit anong section nung tatlong 'yun. Hahaha pero tingnan mo naman. Ang saya-saya ng Physics 71 at 71.1 (di ko tinutukoy ang mga exam). Pero ewan ko lang, malay mo, kasi may nararanasan pa rin akong kapayapaan sa lahat ng ginagawa ko ngayon. Seryoso. Nakakarelieve lang malaman na kahit anong mangyari sa 'yo, kahit duguin ka sa long tests at worksheets, eh may maganda't masaya pa ring magaganap sa buhay mo. At hindi ito limited sa grades. ;]

Nakakatuwa ring isipin na kahit ganito tayo kababaw mag-isip at minsan ay natatakot na tayo sa mga bagay tulad ng isang buong sem na haggard tingnan, ay mayroon at mayroong nakalaan na planong kahit kailan ay 'di natin mawawari. Eh ano pala 'yung sinasabi ko sa last last last paragraph? Hahaha.. disregard na 'yun. :P

This next sem is definitely going to be a blast. Haha exciting!

Lord, I am looking forward on how You would reveal Yourself this next sem. At tungkol sa pre-enlistment at enlistment, Kayo na po ulit ang bahala. =]

Tuesday, May 06, 2008

Sa Mga Nagkamalay Noong Dekada Nobenta

May nakita akong pakalat-kalat sa internet. Nalaman ko na ang post na 'to ay nagsimula pa noong September 2007 at icinompile ni Hannah ('di ko kaanu-ano, nakita ko lang sa google XD). Kung nabuhay ka na noong panahong iyon, dapat daw ay maka-relate ka sa mga susunod. :))


• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.


• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.


• Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.


• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.


• Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.


• Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.


• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.


• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.


• Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.


• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.


• Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.


• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha.


• Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.


• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.


• May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.


• Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.


• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. even the scented ones.


• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.


• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.


• Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".


• Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.


• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.


• Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.


• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.


• Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.


• Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.


• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Circus Charlie, Battle City at Rambo.


• Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.


• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".


• Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.


• Sumasayaw ka ng Macarena at Shalala.


• Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.


• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.


• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.


• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.


• Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.


• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.


• Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.


• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.


• Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"


• Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."


• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.


• Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.


• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.


• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.


• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...


• Napanood mo ang Batang X.


• Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.


• Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"


• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.


• Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.


• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.


• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."


• Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".


• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.


• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.


• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.


• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.


• Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."


• Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.


• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose.

Monday, May 05, 2008

Tagged.

It's been quite a while eh? Hindi na naman ako nag-update. Yeah haggard talaga ang summer classes. Araw-araw worksheet (well, at least tapos na 'yung part na 'yun) sa lab. Araw-araw two quizzes sa lec. I like it more this way though. One month lang and there's nothing to lose. :P Nagbeach na kami bago magclass. At ayoko rin namang mabulok sa bahay at nakatunganga sa tv. Naka-advance pa ako ng 5 units. Hehehe..

Took the second long exam sa lec last week. At grabeeee... Babagsak ata ako. >_< 'Di ko alam kung bakit. Nag-aral naman ako. Pero ang dami ko pa ring shinotgun (pero mabuti nga wala akong nilaser). Ang daming problems na wala sa choices 'yung sagot ko, tapos 'di ko na alam kung paano na isolve. T_T Buti na lang cancel the lowest test (finals included) pero sayang naman 'yung pagrereview ko. :)) Haayyyy...

Ok. So kaya lang naman ako nagpost ay dahil tinag ako ni Homer. :P

Instructions:
Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.


SA. Mahilig ako sa kulay lupa. :)) I don't know why but recently, I tend to buy brown (and green and other "earth" colored) stuff. Kahapon nasa Megamall kami kasi nga last day na ng 3day sale. Tapos nung magbabayad na ako, napansin ko, brown pala lahat ng hawak ko. Hahaha

WA. Dahil sa Ru Guerra ng Gluon, naadik ako sa Pinikpikan. Hala. Download lang ng download. Dahil wala naman sila sa torrent at dahil wala naman akong makitang rapidshare nila at dahil wala rin akong pera pambili ng cds nila, nagtiyaga ako sa limewire! 3 albums 'yun mehn... At hanggang ngayon 'di ko pa rin kumpleto. Try ko ngang magsearch mamaya. At grabe 'di ko alam na Pinikpikan pala ang tutugtog sa Orosman at Zafira. Kaya naman tuwang-tuwa ako dahil part pa pala ng cast si Miss Carol Bello. ^__^ At ngayon gusto ko nang bumili ng rainmaker at 'yung nilalagay sa bibig tapos toing toing toing.. :))

LO. Gusto kong matuto ng maraming Filipino dialects. Ang saya kaya noon. You'll get to speak with other pinoys, o kaya naman pag nag-uusap 'yung mga kasambahay mo nang Bicolano, akala nila 'di mo sila naiintindihan pero marunong ka rin pala. Tapos malalaman mo na may balak silang magconspire sa inyo. Hahaha joke. Pero gusto ko talaga. I find knowing the roots of one word fun, especially sa Filipino. 'Di rin alam kung bakit. :P At para maintindihan ko na rin 'yung mga kanta ng Pinikpikan! yeah

PAT.
Gusto kong maging doktor dahil ang daming pasyenteng nangangailangan. At dahil nauubos na ang mga magagaling na doktor ng Pinas dahil sila ay nasa abroad na, kung hindi man sila nagnursing. [interview na ba 'to? :))]

MA.
Kilala na ako ni Manong sa Sizzler sa CASAA. Last two weeks kasi, dun ako palagi umoorder. First week, grilled beef teriyaki lang palagi, na triple rice, kung hindi man apat na kanin. Second week, 'yung grilled footlong na cheesedog naman. 2-4 rice. :D Kaya naman nakakakuha na ako ng discount sa kanila. Hahaha

NIM. I should've been named Emmanuel. Pero 'yung lola kong si Andrea, biglang nagsuggest. hmmm..

TO. Gusto kong matutong magbutterfly. :)) Pero 'di ata kaya ng katawan ko eh. eh? hahaha

LO.
Natuto akong dumilat sa tubig noong isang araw lang. Sabi ko nga sa multiply, ang secret pala talaga sa pagdilat sa tubig ay dapat subukin mong buksan ang mata mo... nang malaki. Kasi mukha ka na ngang singkit sa picture, masakit pa lalo sa mata pag maliit 'yung pagbukas mo. Mervin post na. Yeah parang mababasa mo 'to. :))

YAM. 'Di ako marunong mag-***e. :(

PU.
Gusto ko nang maging tatay! =)) Hahaha.. Gusto ko ng dalawa hanggang tatlong anak, isang perfect na asawa, tapos titira kami sa isang desenteng lugar sa Pasig o sa QC. At magpapayaman. :P Tapos siyempre pipilitin kong ipasok ang anak ko sa Pisay.. hahaha joke. Tas magiging artista, doktor at architect 'yung mga anak ko. Oh no anong klaseng tatay ako. May plano na. joke lahat 'yan ah. :)) Siyempre bago ang pamilya may kasal muna. >_< Naeexcite naman ako sa love story ko. Hahaha kinikilig mag-isa. Bahala na si Lord. :P

Hmm.. sinong itatag ko? Wala. Bahala na kayo. Kung gusto niyo ring sumagot, go lang. =]