feb 3 2k6. friday.
5:30-10:00 pm.
philippine science high school
agham rd, diliman, qc.
this is gonna be a whole night of prayer and praise & worship.
admission is free!
kahit sino pwede!
kaya pumunta ka na! minsan lang to!
feb 3 2k6. friday.
5:30-10:00 pm.
philippine science high school
agham rd, diliman, qc.
this is gonna be a whole night of prayer and praise & worship.
admission is free!
kahit sino pwede!
kaya pumunta ka na! minsan lang to!
Hmmm.. kailan yung huli kong post? January 7. Naaalala ko pa.. Yun yung pinost ko habang nagpapanic yung mga groupmates ko sa math. hahaha... Uhhh.. Marami-rami na rin ang nangyari.. Iisa-isahin ko na naman.
Math Project. Ito na ang project na pinakamatagal kong pinagpaguran. Natalo niya yung record ko sa SocSci na 8.5 hours kong ginawa. Ito.. Nagsimula ng 3:20 pm ng Jan. 10.. Tinapos ng 4:30 am ng Jan. 11. Syempre may mga breaks din yan. Pero kahit na. Natalo niya yung SocSci record ko. hahaha.. Anyway, nasubmit naman yung project na pinangalanang "Bawar Sumirip" on time at nakakuha naman kami ng 94.86%. not bad.. :D
My Mom left for Indonesia. Hindi ko alam. I didn't have any idea. Nasabihan lang ako the night before. At gumagawa pa kami ng Math project noon.. E di lalong nakakaiyak. Haayyy..
[zoobix]3. The 06 fair. zoob=2006. aaahh... ganun pala yun. Btw, booth ng Sodium yung may water gun at suka.. Kung di nyo lang alam.. Hehe.. Di malakas yung kita. Be lang naman ata e yung malakas e.. Di naubusan ng tao. Yung fair. Nagkaroon ng wall climbing, rappelling, booths, bouncy stuff, bikes, variety show, botb, concert. Sa mga yan.. booths, bikes at botb lang yung naranasan ko sa fair. Kasi naman.. may oral report sa str. may labrep sa chem. may kung anu-ano pang requirements. Whaw.. fair nga.
Narnia. Nanood kami nina Irish Mich at Reynard sa Gateway ng C.S.Lewis' Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch and the Wardrobe (kinumpleto!). Ganda. Astig. Nakakakilabot. Syempre kung anu-anong mga event yung pinagpapattern ko sa Bible. Ayun.. Para akong nanood ng Passion pero lion nga lang yung bida. Hahaha.. si Aslan. Lion of Judah.
Other Acads Stuff. Alam mo na yan. Alam ko namang problema mo rin yan e. Hahaha..
YMSAT Week preparations. Wala lang. Trip ko lang sabihin. Kasi darating yung president ng India sa Pisay for the YMSAT. O baka naman.. pupunta siya kasi narinig niya na magbebenta ng kandila ang Sodium at interested siyang bumili...
Asia Week Preparations. Uhh.. So far, wala pang accomplishment ang Arts&Crafts and Culinary Arts groups. Problema to.
Prom preparations. Hahaha.. aliw yung prom etiquette talk. Si Miss Universe.. Hahaha.. May date ka na ba? yep. May naiisip ka na bang susuotin mo sa prom? yep. May panggastos ka ba? waaaaaahhh!!!! Magastos ang prom. Namumulubi na raw yung ibang tao. And for the others, nakakapagod pa. Oh how I wish I'm one of them.. Spending my 4:30-6:00 pm dancing.. Pero wala nang slots.. So wala na pala akong pag-asang magcotillion forever.. haaayyy..
JREV preparations. yeah. Malapit na. Nagfast na ang iba. Everybody's on the move. At natataranta na ang iba sa min. It's the JREV Night sa Pisay! I'll be posting the details later.
Narealize ko lang.. Tapos na pala ang 75% ng buhay ko sa pisay. Haayyy... Fourth quarter na ng pinakaimportanteng year sa high school (dahil 3rd year grades daw ang tinitingnan sa college).. Oo.. Fourth Quarter na nga.
*sigh*
Shet
ni Mike Villar
Shet.
Natatae ako.
Nagdeposito naman ako kaninang umaga sa sagradong trono namin pero eto ako't tila may nagrarambulang mga bulate sa loob ng tiyan ko't mismong ang mga isaw ko na ang kinakain. Hindi naman ako umorder ng ice cream at softdrinks combo pero eto ako't pinagpapawisan sa loob ng de aircon na restaurant. Ang masama nito, nasa harapan ko pa ang dream girl ko. First date pa naman namin. Minsan lang akong makatsamba ng Caucasian beauty. Ang hassle naman siguro kung sa una pa lang naming date ay magkakalat na agad ako ng mala-champuradong dyebs sa harapan niya. Buti na lang at busy siya sa pagte-text at mabilisan kong napupunasan ang pawis ko.
"What's that sound?"
Shet.
Nautot ako.
Dahan-dahan ko na ngang pinasabog iyung lagumpit sa loob ng sikmura ko pero narinig pa rin niya. Buti na lang at hindi umabot sa kanya iyung vibration. Nagpalusot na lang ako't sinabi ko na baka ringing tone ng cellphone ng lalaking nasa likuran niya. Tumingin siya sa likod niya kaya sinamantala ko na ito at maingat na ni-release iyung gas na bumagabag sa akin. Pinipilit ko na umutot ng walang tunog pero mahirap talagang gawin lalo na't naiipit ng upuan ang puwet ko't walang ispasyo para pagdaluyan ng matinding hangin - or utot for short. Baka naman kasi mahalata ako kung iaangat ko yung isang bahagi ng puwet ko para sa pag-release.
Shet.
May sumama.
U.S.T. - as in Utot Sabay Tae na yata itong nangyari sa 'kin. Hindi puwede mangyari 'to. Hindi puwede. Ngayon pa! Kung kailan pa namang nakaputing slacks ako, tsaka pa ako magkakalat. Pero false alarm ata. Muhkang hindi pa naman ako tinatagusan. Pero kahit na. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko 'to matitiis. Concentrate na concentrate na nga ako rito para lang huwag sumilip 'yung dulo ng ebak ko sa butas ng puwet ko. Huwag lang sana akong gulatin at baka bigla ko na lang itong maibulwak.
"Tikman mo 'to. It's so sarap. Aaaah.."
Shet.
She's sweet.
And I'm sour. Nangangasim na 'yung sikmura ko sa sakit. Nadagdagan pa 'tong laman ng tiyan ko dahil sa sinubo niyang chocolate cake. Hindi ko tuloy alam kung dapat kong i-appreciate 'yung ginawa ng date ko dahil mukhang nakapagpalala lang 'yung ka-sweetan niya sa kalagayan ko.
"Excuse me, I'll just go to the Comfort Room."
Shet.
Naunahan ako.
Gusto ko na rin sanang sumabay sa kanya pero hindi puwede dahil iniwan niya 'yung mga shopping bag niya sa mesa't hindi ko naman din puwedeng iwan. Ang hassle naman siguro kung dadalhin ko sa loob ng men's room. Kaya ang ginawa ko, pumikit na lang ako't nagmeditate na sana magkaroon ako ng peace of mind... and stomach. Buti na lang at mabilis lang ang mga ritwal niya sa loob ng CR. Hindi na ako nagdalawang isip at ako naman ang tumayo at nagpaalam na magbabanyo.
"Maghihilamos lang."
Shet.
Ang defensive ko.
Palapit ako ng palapit sa CR, lalong nalalaglag ang atomic bomb. Nasa second floor pa 'yung banyo't sa bawat hakbang ko sa hagdanan ay may utot na 'di ko mapigilang huwag mailabas. Umuubo na lang ako ng pasadya para hindi marinig ng mga taong nasasalubong ko. Sa wakas ay nakarating na rin ako sa paroroonan. Sandali lang 'to. Sigurado akong pagkaupong-pagkaupo ko sa inidoro, wala pang 10 seconds at tapos na ako.
Shet.
Ang daming tao.
Hindi pa naman ako sanay ng tumatae sa mga public toilet. Bukod sa masikip, nakakahiya rin kasi baka mamaya, maingay ang pagwiwithdraw ko't marinig ng lahat. Baka ikalat pa nila paglabas nila't baka umabot pa sa date ko. Mahirap na. Mas mabuti na 'yung sigurado't ligtas sa anu mang kahihiyan. Pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko na mas nakakahiya ang matae sa brief kaysa sa marinig ang utot habang tumatae. Kaya nga nag-iisip ako ng paraan kung paano ko mapapalabas 'tong mga barako. Nag-isip muna ako sa labas ng banyo nang nakaupo't nakadikit ang puwet sa may paanan ko para mapigilan ang anumang pagbulwak ng...
Shet.
Alam ko na.
Pumasok ako sa banyo't nakisiksik sa mga taong nagsasalamin. Naghugas ako ng kamay sabay bunot ng suklay sa bulsa ko't inayos ang buhok kong hindi naman magulo. Naka-gel pa nga. Siguro mga apat kaming nakatingin sa salamin at nagpapapogi. May dalawa namang umiihi. Buti na lang at libre 'yung kaisa-isang inidoro sa banyo.
"Sexy pala talaga sa personal si Joyce Jimenez 'no? Grabe, dati pinapanuod ko lang siya sa sinehan. Ngayon, nagsawa ako sa kakatingin sa kanya sa labas. Mag-isa nga lang na kumakain! Nagpa-autograph pa 'ko!"
Wala pang isang segundo ang lumilipas at nasa labas na ang mga kasama ko sa banyo. Lumabas ang mga tunay na kulay. Minsan pala ay nakakatulong ang pagiging manyakis ng mga lalaki sa kanilang kapwa, lalo na sa kalagayan ko. Mag-isa na lang ako sa CR. Ako na ang hari ngayon. Kaya uupo na ang hari sa trono.
Shet.
Ang sarap.
Smooth ang flow. Smooth ang sound. Smooth ang atmosphere. Smooth ang feeling. Smooth lahat. Sa wakas at nakaraos din. Ang sarap ng pakiramdam. Ayos, punas time na.
Shet.
Walang tissue.
Baka magtaka na 'yung date ko. Baka isipin niya na umebak ako. Teka, totoo naman. Pero hassle. Ang hirap gumalaw. Baka may tumulong tidbits kapag naglakad ako papuntang lababo. Wa epek din. Walang tabo.
Shet.
Sana may pumasok na para may mautusan.
Hahahaha.. ha? bitin ba? oo nga e.. pero yan yung nabasa ko e.. tawa na lang tayo.. Hahahaha..
So.. What can I say? Happy new year everyone.. *sigh* 2005's gone and hello 2006.. yeah.. Paigsi na ng paigsi ang oras natin sa pisay. fourth year na tayo.. ang bilis *sigh ulit* Just can't imagine na ganun na pala karami yung mga nagawa ko sa pisay.. haha..
Inisa-isa ko kaninang umaga yung mga events this year and woah! ang dami pala! Didn't think I could do all those... things. Haha.. gayahin ko yung ibang tao.. inisa-isa.. *ubo luigi ubo*..
Let's start with the first month.. hmmm.. ymsat. Aww.. Rosal days.. I miss those guys.. kahit mas gusto ko ang sodium.. :p Pero wag magalit dahil di naman talaga significant yung difference sa ranking e.. mga 0.87 lang naman yung lamang ng sodium e.. hehe.. kinompute daw.. ayun.. Grabe naaalala ko yung comics na yun! First time kong iniyakan ang isang project! It was three in the morning at four pages pa lang yung nakukulayan ko sa adobe.. e kinabukasan na yung deadline nun di ba? oh no.. grade yun ng buong rosal.. haha.. The comic book ended up being colored by the wonderful people of rosal para sa pansariling interes.. hahaha.. you figure it out.
Next. February. oh yeah.. the concert. December pa dapat yung concert na yun di ba? Kaso namove ng namove kaya naging Feb 10 yung sa rosal. Carwash. Gary V. Haayy.. no word can express what I feel dun sa concert na yun.. (o tinatamad lang ako.. haha) Basta! Yung concert na yun ang favorite part ng second year ko sa pisay! yeah. Ano ba! Next na!
March! Hmmm.. Batch Intrams? yeah. Ang galing ng AMAG-LUMOT combination! woohoo! Ang galing galing. champion. (champion ka dyan.. di ka naman naglaro e.) Ayun. Hahaha.. Tapos yung fair na di ko naman pinuntahan.. Kasi nag-outing ang rosal sa bahay nina Ivy.. naghain. kumain. nagvideoke. nagtruth or truth sa dilim. nagpicturan. nag-ice breaker. nagpuyat. nanood ng madeline at mr. bean. nagswimming. tapos ang dami kong natuklasan.. hahaha.. kausapin nyo na lang ako tungkol dito..
April na! Ang iniiiittt!!! Ayun. summer e. wala namang nangyari.. Aa! I'm not sure if the MDC was in April pero ilalagay ko pa rin dito. yeah. iscf. Because He first loved us.. MDC2k5 sa.. saan yun? sa Antipolo! yeah. tapos nagmission mission kami sa Manila.. Tapos meron kaming theme song na isa or dalawang beses lang kinanta.. yung Testify to love. hahaha.. Tapos nagcamp ulit ako. sa Antipolo na naman. Pero Church naman namin yung nagcamp. E di may katuturan naman yung summer ko. hahaha..
May. Enrolment. SODIUM ako. Woohooo! *bow* (tinatamad talaga pero gustong tapusin)
June. Pasukan. Hmmm.. Okay lang ako sa sodium dito.. Nag-aadjust adjust pa.. Di lang siguro sanay na may mga DL sa paligid.. hahaha.. Pero naastigan naman ako sa sodium e! Ang.. ang.. astig. Basta. There was something that tells me that this year will be great. At oo. totoo yun. yeah.
The seventh month. Haayy.. usual Pisay month. ayoko na.
August. Isa pa to. Pero ewan ko. Wala akong maalala e.. :p
September. Hahaha.. ang pinagpaguran at pinagpawisang family daY! woohoo! hinakot! At hindi yun niluto! yeah. Sabihin "nyo" na lang ang gusto nyong sabihin pero.. tama na.. hahaha.. Tapos humanities week. Yeah. ANg galing ng o7! Lalo na yung tumugtog ng kapayapaan! Hahaha.. People's choice naman e.. ok lang. :p Pero magaling naman talaga lahat e.. Galing galing galing. Tapos Karera. Galing talaga. Tapos meron pang Rivermaya! Ako nga pala yung tagakolekta nung mga papel na may stickers.. Hahahaha.. yeah. Tapos birthday ko! Hahaha.. Pero mamaya na yung details. You'll know why.
October.. Malapit na.. Hahaha.. Uh.. Retreat? Yeah. the Retreat. Saya. Lalu na yung huling praise and worship. at yung basaan. at yung mga opal reunion. bwahahaha!!! At syempre.. yung mga palanca ko na kinolekta ng sponsor kong si.. sino yun? si HENSON! hoy henson! yung symbol ko! wahahaha.. ay.. senti mode nga pala ko.. Ayun. Siguro mga kalahati lang yung natapos ko sa mga gagawan ko dapat ng palanca.. tsk tsk tsk. Haayy.. tapos yung tungkol sa birthday.. mga one week ata.. or two weeks after ng birthday ko tsaka ko natanggap yung shell notebook na may mga dedix. hahaha.. aliw.
November and everyone's busy.. busy? basta. busy with their Ramayana. Nakakapagod din yun! Hahaha.. I'm blue.. I'm so blue that day.. Haayyy.. Napanood ko.. Tapos ang pangit ng acting ko. Hahaha.. Sumabit sa damit ko si surphy. Yung ahas. Hahaha.. ayoko na.
Christmas month! yeah! Bininyagan tong blog na tinatypan ko ngayon ng mga walang kabuluhang bagay. Pero masaya pa rin ako kasi may blog na ko. yey. At isa pa. Pasko! at isa pa. Bakasyon! Woohooo! Merry CHRISTmas ulet!
Ang dami pang kulang. obvious ba? hahaha.. at kahit sipagin ako.. hinding hindi pa rin matatapos ang pagpipindot sa keyboard na to dahil sa sobrang daming nangyari noong 2005. Haayy.. God bless 2006!
HAPPY NEW YEAR!!!