Loner naman kasi talaga ako. May pagka-anti-social. Tahimik lang sa isang tabi. Ipinanganak akong suplado eh. Mahilig akong mapag-isa, kahit 'di ko gusto. May occasional na pag-iingay, pero ewan. Superficial. Ikaw ang lumapit sa akin noon. Nakipagkaibigan. At history na ang lahat. Alam mo na 'yon. Kaya patawarin mo ako kung hindi ako makalimot. Ang tagal na kasi. Pero kahit na. Bawat oras na naaalala ko 'yong pagkakaibigan natin dati, tas makikita ko 'yong ngayon, sobrang sakit. Pagpasensyahan mo na ako.
Sa mga kaibigan ko ngayon, maraming salamat. Maraming salamat dahil hindi niyo ako iniiwan kahit parang hindi ko pinapansin ang mga payo't encouragement niyo sa akin. Nakikinig naman ako. Pero ang hirap talagang limutin 'yong nakaraan namin kahit sobrang gusto ko na 'yong mabura sa isip ko. Dahil dun, sobrang sorry. Sana maintindihan ninyo kung bakit ako umeemo ngayon. At kahit cheesy na at gasgas, sasabihin ko pa ring pinapalakas niyo ako nang tunay sa mga sinasabi niyo. Maraming maraming salamat. Mahal ko kayong lahat.
Maligayang Pasko.
Saturday, December 25, 2010
Friday, October 29, 2010
Alam mo 'yong nakakatakot?
'Yong The Grudge, nakakatakot.
Mga mamamatay-tao, nakakatakot din.
Pati 'yong pagpito sa iyo ng isang MMDA ta's ikaw kunwari 'yong nagdadrive.
Nakakatakot mahulog sa balong malalim.
Nakakatakot makagat ng isang asong ulol.
Nakakatakot malunod sa loob ng washing machine. 'Yong gumagana.
Nakakatakot umibig nang husto ta's masasaktan ka lang.
Mukha mo, minsan.
Pero mas nakakatakot ay 'yong makalimot ka ng birthday ng isa mong matalik na kaibigang hinding-hindi naman nakalilimot ng birthday mo. Kasi masakit 'yon para sa kanya. Maraming beses na akong nakasakit at nasaktan ng isang matalik ding kaibigan. At iyon ang pinaka-ayoko nang gawing muli sa buhay ko. Kasi ayoko nang malayo sa isa na namang taong dati pang may puwang sa puso ko dahil sa kapabayaan. O dahil sa aking pagiging makasarili. Patawarin mo ako, kaibigan. Hindi ko sinasadyang hindi ka mabati sa tamang oras.
Pero salamat na rin sa Diyos at nagi namang masaya ang espesyal na araw ng iyong kapanganakan. Pagpalain ka nawa ni Lord ng mas marami pang kaibigang hindi marunong kumalimot.

Friday, September 17, 2010
Friday, September 10, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)