Saturday, June 16, 2007

Hala?

First week pa lang. Pero pakiramdam ko magtethesis na ako next week. Sobrang nakakapagod. Sabihin mo pang may three-hour break ako every Monday at Thursday, na may break ako every class sa kahit anong araw.. wala rin. Pagod pa rin. >.<

Lakad ng isang kalahating kilometro.

Sakay ng tricycle hanggang sa Mercedes Ave.

Sakay ng jeep na papuntang Ever para bumaba sa Tramo.

Sakay ng jeep na papuntang Marikina Palengke para bumaba sa Ligaya.

Tawid sa kabila ng Marcos Hi-way.

Sakay ng jeep na papuntang Cubao para bumaba sa Katipunan Ave./Petron.

Sakay ng jeep na UP Campus at bumaba sa Shuster St.

Lakad nang kaunti papuntang Palma Hall(AS) para sa Lingg1 o NIGS para sa Geol11.

Umaalis ako nang 6:15 sa bahay kahit 8:30 ang klase ko. Para di ma-late. Hehehe.. Yan lang naman ang ruta ko araw-araw maliban na lang kung Miyerkules dahil malamang wala akong klase. Nakakapagod. Nakakaubos ng pera. Nakakaasar.

Naaasar ako kasi di ako sanay ng nagcocommute araw-araw. Di ako sanay na nakikipag-unahan sa jeep kahit na nasa gitna ito ng kalye para lang makasakay. Bat ba ang daming tao sa mundo? Nakakaasar kasi di na ako sanay na sa bahay kumakain ng almusal at hapunan kasi elem pa ako nung ginagawa ko yun. Di ako sanay na nag-aaral nang mag-isa. Nakakatulog lang ako. Di katulad dati sa dorm na ang saya-saya mag-aral dahil may mga kasabay kang nag-aaral/nagccram at pareho kayo ng pinag-aaralan/cinacram. Namimiss ko na talaga ang dorm at ang mga tao sa loob nun (e.g. Corre, Norada?!?!!). Hahaha..

Tapos naiinis din ako kasi wala akong magawa sa mga tatlong oras kong walang klase kundi maglakad, tumambay sa sunken at umasa na may makakasalubong akong kilala ko (at effective siya ah.. hahaha..). At para saan ang mga blocks kung di mo rin kaklase yung ibang mong kablock sa supposedly block subjects mo? Hahaha.. At dahil mayabang ako parang si J*o (lol), wala pa akong bagong kaibigan hanggang ngayon..

Pero maiba naman tayo. Yung light side naman. Puro galit at poot na yung nasabi ko eh. hahaha.. Masaya din naman ung ibang subjects (sana nga masaya ang Eng12 at Kas1). Masaya ring may makakasalubong kang Bagani maya't maya. Masaya akong kalbo at di ko na kailangang mag-ayos ng buhok. At mag-eesbi fellowship ako sa Friday! yeh. kamon.

Pero parang mas gusto kong gumraduate kesa magstay sa UP.. Not the same effect na ininstill sa kin ng Pisay na ayokong gumraduate muna kasi masaya dun. hahaha Pero malamang naman (at sana lang) magbabago yun. Pero graduate man o stay muna, gusto ko pa ring magdissect ng pusa!

Ang bano ko magkwento hahaha..

Saturday, June 02, 2007

Pagang Paa

Mamaga man ang mga paa ko..

Sumakit man ang buong katawan ko..

Kahit magkaroon pa ako ng 0.8inch Na hiwa sa aking left bicep region [kung meron nga akong bicep hahaha..]..

Ok lang. Kasi Naman.. Ilang taon Na ba tayong hindi Nagkasama? joke. hahaha.. Basta. Matagal. Kaya kahit hindi Natuloy yung Matuod at ang konti ng Nagawa Natin as usual, sobrang saya pa rin.

Kahit yung mga hintay-hintay sa MGA mcdo.. yung mga oras Na Naliligaw tayo at di Na Natin alam kung anong sasakyan.. yung mga tambay-tambay at stroll-stroll Natin dahil pare-pareho tayong walang pera.. yung mga pagpapautang at pangungutang ng pamasahe sa jeep at LRT at ng ice skating [salamat ah. hahaha..].. woohh ang saya.

Salamat sa isang araw Na Nakakapagod. at masaya. Di ko kayo malilimutan. hahaha.. Nagdrama. >.<