Saturday, September 30, 2006

September 29, 1990.

Mga daanang punung-puno ng dahon, ng mga nabaling sanga ng puno (at mga puno na rin) at maging mga patay na daga't paniki. Isang creek na walang amoy. Isang SHB na winallpaperan ng mga dahon ng kawayan at kalachuchi. Isang basag na salaming pintuang papuntang hagdan sa back lobby. Mga kisaming may pumapatak-patak na tubig-ulan na di mo naman alam kung sa aling singit-singit sa bubong ng dorm dumaan. Isang Philippine Science High School na walang kuryente. Mga taong nagcacandle light dinner sa caf. Mga taong na-empty batt. At mga taong wala nang nagawa kundi magtugtugan, magkwentuhan at maglakas ng loob na tumakas mula sa mundo ng chem at physics at ng the once and future king (at least yung iba) dahil wala namang pasok.

Akalain mo nga naman. Birthday ko pala nun. Mukhang malungkot no.. Isipin mo na lang. Di ka makalabas ng dorm kasi ayaw ni dorm manager. Di raw pwede. Wala kang magagawa. Tapos wala pang kuryente. At wala nang battery ang cellphone mo. Nacharge mo nga nung weekend yung AAA battery mo para sa mp3 player pero wala kang matinong earphones. Oo nga pala, may speakers ka ring dinala. Ay oo rin nga pala, walang potential difference na kailangan para magamit mo yun. Pero hindi. May mga tao lang talagang ginagamit ang Diyos para mapasaya ka sa pinakamalungkot mong araw, ang araw na nabuhay ka sa mundo.

Hinila ako ni Ben sa girl's dorm. May mga tao sa loob. Nagkukumpulan sila sa mga sofa. Iba't iba ang ginagawa. May naggigitara. May nagkukuwentuhan. At may mga kumakanta ng Kapayapaan. Tapos... biglang... may limang babaeng [Shayne, Muy, Jaki, Anne, Mich] humanay/nagpahanay CAT style. May kasama pang tuluyam bilang. sa. wa. lo. pat. apat na tao... tapos permission to speak.. harana.. papa andrew... wag na wag mong sasabihin. when you say nothing at all. kiss me. kapayapaan(aa.. dun pala yun). at ayan na.. Happy Birthday na..

Pero di pa pala tapos. Wala rin kasing kasiguruhan nung gabing yun. Di malaman kung may VCF worship service kinabukasan. May natataranta. May nalilito. Bakit? Kasi meron pala silang plano na ni isang beses ay di sumagi sa isip ko. *dundundun* ang kahon.

Ito ang master plan. Andrew + Ben + Mich sa the Block dahil manonood ng sine at magsstay dun hanggang 5:00 pm dahil na rin 6:00 ang service. Si Henson ay hihiwalay muna dahil meron daw siyang "pinsan" na kailangan niyang imeet. Tapos VCF. Tapos overnight sa bahay namin. Hulaan niyo na lang kung sino si pinsan... Si Pito. -_- At yun pala yung time na bumili sila ng... kahon. Pero siyempre sobrang wala akong ideya kung ano ang nangyayari. Nagpakita si Henson sa min sa Wham Burgers kasi di raw dumating yung pinsan niya. At talagang namang "nagkataon" na nandun din si Pito dahil meron daw siyang imemeet. Kaya ayun. Nanood kami ng sine. Kaso wala na si Pito kasi ewan ko. Ayun. Nood kami ng Step Up. Ayos. Tapos VCF. Hiwalay sa amin sina Pito, Joji at Jao. May tinatago yata. Pagkatapos ng service... *teden* Ayun na ang mahiwaga at nakakakilabot na... kahon.

Sa mga taong nagdedicate ng kanilang oras sa pagplano at pag-asikaso ng mga bagay-bagay na nangyari nung nakaraang dalawang araw.. Grabe. Wala akong masabi. Mahal ko kayong lahat!!! Xp Ito na ang pinakamasaya kong birthday dahil.. ewan ko. Nandun kayo e. At sobrang pinasasalamatan ko si God dahil nakilala ko kayong mga tao kayo!! You've all been a great blessing and encouragement for me. Salamat sa lahat. I love you all!!! God bless!!




WoooohooOO!! sixteen na rin ako! Xp

Sunday, September 24, 2006

VisComm is love...

Uulitin ko lang yung sinabi ko sa cbox.. hehe.. "Hi blog. buti di ka nilumot." Ahehehe..

Andrew: Hoy ikaw blog.. Kung akala mo ibblog ko pa lahat ng nangyari sa nakaraang isa't kalahating buwan ng walang pag-uupdate, nagkakamali ka... dahil tinatamad na ko!!! wahahaha!!!

Blog: [.....]

Andrew: Sige na nga. Pero recap lang. Hehe..

Blog: [.....]

Andrew: [.....]

Nyak. nababangag na ko. ok. So simula sa upcat. Ang hirap ng perio [first qtr]. Matino yung presentation ng truth sa reader's theater [iliad book 22]. Natalo kami sa cheering nung family day [go 07!].



Nareformat ung pc namin kaya lahat ng pics at mp3 na inipon ko ng apat na taon ay nawala. Narecover yung files kaya medyo ok na [pero kailangan ko pang magrename ng 14826 files dahil pare-pareho sila ng file name].

Um.. Ano pa ba.. Aa! Humanities week. Nanalo ang black team sa laro ng lahi kaya meron kaming mga relief goods [yun ung prize]. Nanalo ang truth [3rd place] sa sayaw int.



Nagreunion ang minamahal kong opal.



Tapos yung ACET na medyo ok lang pwera na lang yung abstract reasoning at numerical ability na kinulang sa oras. Napublish na namin ang Acts Website. Namimiss ko pa rin ang sodium.



At ngayo'y patuloy pa rin ang pagdurusa dahil nasa pisay pa rin ako [it goes hand in hand. pisay at pagdurusa. :D].

Haayyy.. Dalawa't kalahating quarters na lang pala... ... Ayokong magsenti. Saka na. Ayan. At least masasabi ko nang updated ka. Ahahaha... Makapagdorm na nga. :p